Inayos ko ang aking shades habang nakatitig sa limang inumin na inorder ko rito sa café ng hotel. I shook my head when I realized how fancy this place is. Siya ang pumili ng lugar na ito kaya mas lalo akong nairita.
Hotel, huh? Then what? You're planning to book a room and seduce my boyfriend?
Tumingin na lamang ako sa nakahanay na inumin na nais kong tikman ngayong araw. Minsan lang ako pumunta sa mga mamahaling lugar kaya kailangan sulitin ko na ang experience ko.
Una kong tinikman ang strawberry smoothie at napatango na lamang nang hindi madismaya sa lasa. My five hundred pesos are worth it. I scoffed when I checked the clock on Xandro's phone. I got a text from her that she's on the way. I hope she's wearing anything white like me. She's ten minutes late already.
That girl!
Siguro ay masyado pang naghanda at nagpaganda sa pagkikita nila ng boyfriend ko. Makikita naman niya mamaya pero ako muna ngayon. The walls are made of glass so I have a sight of our car in the parking area. Xandro is just outside and I told him that I want to talk to Delarua alone. Nasa loob siya ng kotse at siguradong pinapanood lang ako.
Tumunog ang cellphone na nasa mesa na senyales na may bagong mensahe. I smiled when I read what it is.
Delarua:
I'm here. Where are you?
Nakangiti akong nagtipa ng mensahe habang inililibot ang mata sa paligid. I rolled my eyes when I saw her at the entrance. She's wearing a spaghetti strap short dress with lace at the back. May suot rin na shade. Umarko ang kilay ko at ngumiwi dahil masyadong kaakit-akit ang kanyang suot na isang hila lang sa tali na nasa likuran, mahuhubaran na siya ng walang kahirap-hirap.
Ako:
I'm inside already.
She's peeping inside the café. Mukhang hinahanap muna ang mukha ni Xandro. Alinlangan siyang pumasok at luminga-linga sa paligid. I raise my hand to get her attention. Itinaas ko rin ang cellphone ni Xandro na alam kong makikilala niya agad dahil sa disenyo ng case.
She gasped when she noticed me. Napaatras siya at nagtaka kung bakit ako ang narito. I smiled and gestured her to walked nearer. Nagdalawang-isip siyang muli at kinalaunan din ay mabagal na naglakad palapit.
"What are you doing here? Why do you have his phone? Are you invading his privacy?" unang bungad niya sa akin gamit ang iritadong tono.
This bitch. Siya pa talaga ang may karapatang magalit kaagad kahit hindi pa kami nag-uusap? Huminga ako ng malalim at nagtimpi. Ang haba na ng pasensya ko sa kanya. Kahit sa shooting noon, hinayaan ko siyang bastus-bastusin at pahiyain ako.
"Why? Is there something wrong if I have my boyfriend's phone?" agap ko.
Padabog siyang umupo sa aking harapan at tumingin sa paligid na tila may hinahanap. Buti na lang ay kaunti lamang ang tao dito sa café.
"He's not here. Ako ang nag-text sa'yo na magkita tayo ngayon," panunukso ko at sumimsim sa aking inumin.
Natigilan siya sa aking sinabi. Her eyes lowered down in dissapointment and irritation. Tinaasan ko siya ng kilay nang gawaran niya ako ng matalim na tingin. Tumayo siya at akmang aalis na kaya nagsalita na ako.
"Don't worry he'll be here later after we talked," nakangiti kong saad kaya bumalik siya sa pagkakaupo.
"We don't have anything to talk about!" aniya kaya humalakhak ako.
"There's a lot of things to talk about between us. Me, as a girlfriend and you, a desperate girl who's begging for love and attention from my boyfriend," giit ko kaya napaawang ang bibig niya.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...