"Shan, anong gusto mo sa dalawa? Black o white?" tanong sa akin ni Ate Moira na nasa passenger's seat. Si Mama ang nagda-drive at kaming dalawa ni Maui ang nasa likuran.
"Yung black nalang, Ate..." sagot ko kaya iniabot niya sa akin ang cellphone na bagong bili ni Mama para sa aming dalawa.
It is the latest model of the iPhone. Nakakapanibago dahil ilang taon din pala bago ako magkaroon muli ng ganito. Telephones and landlines are prominent in Spain for communication, so I didn't have a hard time even though I don't have this kind of thing.
Binuksan ko na at tinanggal sa box. May charger at bagong sim na rin na nasa loob kaya agad akong pumunta sa contacts. I paused while typing. Napalunok ako at napatitig sa screen. Napangiti na lamang ako nang mapagtanto na numero ni Papa ang una kong sine-save.
I forgot again... he's not here anymore.
"Ate, open the window, please?" Maui requested.
Sabik ang kapatid ko sa nakikita sa paligid. Mukhang naninibago dahil wala na kami sa Barcelona. Tumingin ako sa labas at traffic sa bandang intersection.
After five years, Ciudad De Escalante is not the same anymore. Mas dumami ang mga matatayog na buildings, mga stalls at establishments sa lugar. It is a constant progression. Iba talaga ang pamilyang Escalante para panatilihin ang ganito kaunlad na siyudad.
"Ashanti, pasuotin mo muna ng mask si Maui bago mo buksan ang bintana. Baka makalanghap ng usok," paalala ni Mama kaya iyon ang sinunod ko.
Hindi naman sakitin si Maui pero dahil bata pa, masyadong alaga na ni Mama pagdating sa kalusugan. Maging sa akin rin ganoon dahil buwan-buwan kaming pumupunta sa ospital para sa mga check up. Nadala na kaming lahat sa nangyari kay Ate. Health is our major priority in our family.
"Stay still, Maui. Huwag ilalabas ang kamay, ha?" habilin ko sa kapatid at binuksan na ang bintana. Umihip ang malamig na hangin at inilapad ang buhok ko. I smiled because of the familiarity of the air and ambiance.
I am finally back here.
"There are so many McQueen here, Ate!" Maui giggled cutely while staring at the red cars nearby.
Nagliwanag ang kanyang mata habang pinapasadahan ang paligid. Mahilig siya sa sasakyan kaya nawiwili sa mga kumpol ng kotse na nasa labas. May isang driver ang kumaway sa aming dalawa dahil nasisiyahan sa kapatid ko na binabati lahat ng dumadaan.
"I hope I have Maui's energy. Mukhang hindi pa pagod kahit ilang oras na tayong nasa biyahe," pahayag ni Ate at sumandal sa headrest dahil kanina pa inaantok.
"Mamaya lang din niyan ay knock out na sa higaan," ani ni Mama at napailing dahil huminto na naman ang sasakyan. Tumingin ako sa labas at nakita na may ginagawang overpass kaya pala traffic.
In the middle of appreciating the new environment, a billboard in the center of the city caught my eyes. Iyon ang pinakamalaking billboard kaya agad napukaw ang atensyon ko. But the gorgeous man in the middle made me stared at it for a minute.
I smiled when I realized that their group occupied the most expensive billboard here in the city. Limang lalaki ang naroon at kahit pare-parehas ang style at kulay ng damit, siya agad ang nakita ko.
He became more appealing and handsome. Kahit siya ang pinakabata, hindi halata dahil sumasabay ang kanyang katangian sa mga kasama. The versatility of his features helps him to blend. Lahat naman ng miyembro may maipagmamalaki pagdating sa mukha pero sa kanya pa rin ako humahanga kahit araw-araw ko namang natitigan noon.
Balaclava.
It was their band's name and they're one of the famous and highest paid performer in the whole nation. Nagkaroon na rin ng ilang fan meetings at concert sa iba't ibang bahagi ng mundo sa loob ng limang taon. Their albums are always hit and trending. Sold out lagi ang tickets sa loob ng isang oras kapag may concert.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...