Everything is going well in the first and second day of taping with the casts, Ariela and Balaclava. Lahat ay propesyunal sa mga ginagawa pero hindi pa rin maiiwasan ang pagbibiruan ng mga aktor at aktres sa mga staffs na gaya namin.
Ang kaibahan lang ay wala si Ma'am Belle ngayong araw pero may kapalit naman siya pansamantala. Si Sir Paul ang ina-assist ko sa pag-aayos ng mga files na ise-send sa mga editor. Nakaupo lang ako maghapon sa tabi niya habang ang iba ay tuloy sa pagsho-shoot.
When my alarm rang at ten o'clock, I stand up from my seat to do other task. I drift my eyes around the location and everyone is taking a break. Kapag kasi ganitong oras, tumutulong din ako sa paghahanda ng pagkain dahil gustong-gusto ng mga tao ang kape na tinitimpla ko.
I looked at the dark sky. Malalim na ang gabi at kung pwede lang na tumigil sa pagtatrabaho at tititig na lamang ako sa kalangitan ay ginawa ko na. Aabutin kami ng madaling-araw ngayon para sa shoot. May kailangan kasing perpektuhin na shot ng sunrise para sa intro.
"No. Don't order for me. Haze like Ms. Rishan's coffee. I'll try that instead," ani ni Klein nang tanungin siya ng isang staff na bumibili ng kape sa Starbucks para sa kanila.
"Just add a tablespoon of sugar and creamer for me. Thanks," Klein said and smiled at me.
He is the most friendly among the five of them. Sa dalawang araw na nakikita ko silang magkakasamang lima, it is obvious that him and Xandro are the closest while Craigven and Carson are the closest too.
Si Haze naman ang nakikita kong nakahiwalay sa kanila. He is cold, silent and distant. Mapaglaro pero madalas ay tahimik lang talaga. Hindi rin siya minsan makasundo ng mga kabanda at halata sa paraan kung paano sila magpalitan ng salita.
They got pissed at him earlier because the way he talked is a bit sarcastic and arrogant. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba at ng staff dito dahil mukhang sanay na kung gaano siya kabrusko. I heard he's the most talented among them ever since they were trainees. He can dance, rap, act, beatbox and sing of course.
"Yeah, me too. I've been sick of Starbucks lately. I prefer my coffee with a lot of creamers, Ms. Rishan. Thank you in advance," pahabol na sabi ni Carson.
"Mine is just the same," si Haze at nginisian ako.
Tinanguan ko lamang sila at nginitian. Delarua rolled her eyes at me. Magkatabi sila ni Xandro ngayon kaya ang lakas mag-inggit sa paraan ng tingin. As if I'll get jealous though.
Sa'yo na! Hindi naman ako mauubusan. I'm loyal to my motto until now. Hindi ko na babalikan iyan. Na-finger na ako noon! No finger again later, right?
"Good evening, Maurisse..."
Binati ako ng mga empleyado na nakatoka sa mga pagkain. Nginitian ko sila pabalik. Nasa kusina rin sila ngayon at hinahanda na ang lahat ng pagkain para mailabas maya-maya.
Ako naman ay pumunta sa malapit na dispenser para magtimpla ng kape para sa lahat. Nang matapos sa paghalo, inuna ko muna ang para sa mga staffs at crews.
"Salamat, Maurisse!"
"Walang anuman. Lapag ko na lang dito. Inumin niyo na kaagad at baka lumamig pa," paalala ko sa mga kasama at nagpaalam na babalik na sa kusina para kuhanin ang huling tray ng kape.
Naglakad na ako pabalik sa kusina para ibigay ang kape na para kina Haze at sa kanilang assistant at manager. Dahan-dahan akong bumaba sa may hagdan at pinanatili ang balanse ng mga kape sa tray. Hindi ako pasmado pero ang hirap magpokus lalo na kapag hindi pantay ang daanan.
In the middle of my struggles to keep my balance, an arm accidentally pushed my shoulder. Nabitawan ko ang tray kaya nagdulot iyon ng tunog. Napapikit ako sa hapdi nang napunta ang mainit na kape sa aking dibdib, pababa sa aking hita.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Teen Fiction𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...