After what we did, Xandro and I didn't have the chance to talk again due to our busy schedules. Now I know why he's eager to talk to me right away because this week, their group will fly again to another country for a fan's meet and greet, guesting in a tv show and a concert for a cause for the victims of the earthquake in Japan. Ang huling balita ko, nasa Thailand sila ngayon para sa isang press conference.
May communication naman kami kahit papa'no sa Instagram. He makes time for me. A five-minute talk is enough for us once in three days. Sobrang dalang at ikli lang din dahil kapwa kaming pagod at hindi nagtutugma ang oras kung kailan kami available.
I love how he makes me feel he's reachable. Akala ko noon, habang lumalaki ang mundo na para sa kanya, liliit na rin ang mundo para sa aming dalawa pero hindi ko naramdaman kahit ilang taon kaming hindi nagkita.
He never made me feel small, even though he's someone bigger. He's already famous. He has millions of followers and supporters. Many people are dying to see him in person, want to hug him, talk to him, and associate with him.
He became what he wanted to be. And nothing's more beautiful than that.
I counted the weeks that I hadn't seen him.
It's almost four weeks already. Hindi ko namalayan na ganoon na pala katagal dahil abala rin ako sa shoot. Hindi ko inaasahan na aabot ako ng isang buwan sa trabaho kahit ilang beses na akong pinapahiya ni Delarua sa bawat araw.
At hanggang doon na lang pala ako sa trabahong iyon.
Bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa laptop at naghihintay pa rin ng reply kay Ma'am Belle. I apologized for what happened two days ago. Sa isang tab naman, I'm searching for a job again. I hope Jasper's offer to be an editor in his vlogger friend is still open.
"If you want to work, help us in our business instead, Rishan. Kapag tapos na ang renovation ng food park, I'll hire you as an editor for our promotional posters, menus and flyers..." si Ate habang naghahanda na para sa trabaho.
"Pero matagal pa bago matapos ang renovation. I want to work right away. Hindi na ako sanay na wala ng ginagawa."
"At ano? Magtatrabaho ka na naman sa mga shoot shoot na iyan? Kung hindi lang pala ako bumisita, hindi ko malalaman na taga-timpla ka ng kape at binabastos-bastos ka ng mga artista roon?" giit ni Mama na naiinis pa rin sa nasaksihan noong nakaraan.
Buhat niya si Maui at sabay-sabay silang tatlo na naghahanda para makaalis na. Ate will go to work for monitoring the renovation of Papa's food park while Mama is in Sebastian for our second branch. Si Maui naman ay ihahatid na sa school. Si Manang Rosa ang magbabantay sa kanya.
While me? I don't know what I should do. My friends are also busy working. I don't have to go to work anymore. I'll be alone again in this house.
After the coffee incident, Delarua is always making fun of me on the set. Lalo na noong nawala na sina Ariela at ang banda. I didn't expect that I'll be this patient towards her bratty attitude.
But yesterday, I didn't know Mama would visit me on the set.
Nakita niya ang pagtataray sa akin ni Delarua at pagtabig sa kape na ibinibigay ko sa manager niya. And Mama as Mama, she got mad and create a scene there. Pinagsabihan niya si Delarua ng kung anu-ano at kinwestyon kung alam ba ang salitang respeto.
Hanggang sa dumating si Direk Leonel at nagkagulo. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya sinama na ako ni Mama pauwi kahit hindi pa tapos ang trabaho ko.
Then later on that night, I received a message that my presence is no more needed in the set. At alam kong pakana iyon ni Delarua dahil ayaw na ayaw niya na nakikita ako sa paligid. Ayos lang, napahiya naman siya ni Mama sa hindi pagrespeto sa akin.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Novela Juvenil𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...