Phase 43

237 9 0
                                    

"Ayos ba ang tutulugan mo riyan, Ashanti? Iyan na ba ang sinasabi ko at delikado ang pagtatrabaho sa ganyan," sermon ni Mama at medyo hindi ko na narinig ang huling sinabi dahil medyo choppy.

Lumabas ako para makakuha ng signal. Sinermunan muli ako ni Mama. Hindi na ako sumagot at napatitig na lamang sa itim na kalangitan. I stretched my arms to feel the cold water spilling from the rain.

"Madami namang kwarto rito sa rest house, Ma. Saka hindi naman ako matutulog dahil may pinapagawa pa sa akin si Sir Paul ngayong gabi."

Our fourth day in shooting for the music video is a disaster. Kaninang alas-otso ng gabi, bigla na lamang nag-iba ang panahon. Lumilintik lang naman kaya tinigil muna ang shooting pansamantala dahil akala naming lahat ay hihinto rin.

Pero makalipas ng ilang minuto, bigla na lang lumakas ang ulan na may kasabay pang kidlat at kulog. Nataranta ang lahat sa pagliligpit ng set-up ng location. Maging ang tent kasi ay linilipad na kaya pinasok na lahat namin ang mga gamit sa loob ng rest house.

"Nagpalit ka na ba ng damit niyan? Take a shower, Ashanti. It will shifts back your normal temperature. Send me a picture later where you'll sleep," ani ni Mama kaya nakagat ko ang aking labi.

Sumulyap ako sa loob ng rest house at ang lahat ng staff ay abala sa pagligo at pagpapalit dahil pare-parehas kaming nabasa ng ulan kanina. We are stranded here. Kahit gusto ko ng umuwi na lang dahil may kotse naman, nagkaroon kasi ng problema sa daan pabalik ng siyudad.

"Hindi nga ako matutulog, Ma..."

"What? You didn't also get a proper hour of sleep yesterday! If this continues, I'll not let you work again."

"Ma, oo na. Tawagan nalang kita ulit. May gagawin pa ako rito," nakukulitan kong sambit at buti naman ay hindi na siya nanermon pa ng kung ano-ano.

Pumasok muli ako sa rest house at nakita na mahaba pa ang pila sa common bathroom. I went to the second floor and it is also occupied for two hours now. Napabuntong-hininga ako ng makita na wala ng espasyo para sa akin sa limang kwarto na available dito.

And almost of them are boys... I can't share a room with them. May isang kwarto na puro babae pero hindi ko sila masyadong kakilala. Maybe I'll sleep in the couch later in Sir Paul's office. May pinapagawa siya sa akin na kailangan niyang matapos ngunit tinamaan siya ng lagnat sa ulan kanina. So I volunteered to help him for it.

Hindi na ako pumunta sa third at fourth floor dahil masyadong maarte si Delarua at ang ibang artista. This area is only exclusively for them. I can smell a special treatment and that annoys me. Ang daming available na kwarto noong nagpatulong sa akin si Haze na mag-ayos ng higaan niya.

He has his own room!

Walang gusto na makasama siya sa pagtulog kaya solo niya ang kwarto na iyon! Habang kaming staffs dito, lima o pito sa isang kwarto at sa sahig pa nga matutulog ang iba.

Kainis!

"Ito, Maurisse... ako na bahala bukas basta ma-compress mo lahat ng mga na-shoot ngayong araw. Pasensya na at masakit talaga ang ulo ko. Matanda na kasi kaya ganyan," Sir Paul apologized.

Nasa may office kami ngayon ni Direk Leonel at ako lang ang magtatrabaho mag-isa rito hanggang mamaya! I jumped secretly when I saw a couch with two throw pillow and an aircon. May maayos akong matutulugan!

"Pagkatapos ko pong ma-compress... ilalagay ko lang po dito sa folder na ito, Sir?" I asked while staring at the desktop.

"Oo. Huwag mong kakalimutang lagyan ng label sa bawat file. Gayahin mo lang ang ginawa ko kahapon," Sir Paul replied and I nodded happily.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon