Phase 14

292 15 1
                                    

"Is that what you called free service? You took something from your customer," aniya at humalakhak ako dahil tinanggal ko lang ang blazer niya para isuot.

Nilalamig na kasi ako dahil sa nipis ng aking damit. I'm just wearing a black spaghetti strap short dress. I hugged my body. Ang gaan sa pakiramdam ng blazer niya. And it smells damn so good.

"Wala ka bang pasok ngayon? Why don't you just wear your uniform again? You look innocent when you wear that," he suggested.

"So kapag ganito, hindi ako inosente?"

He took a glimpsed in my clothing again. Napailing siya nang dumapo ang mata sa aking bandang hita.

"It's provocative. You're exposing your legs too much," komento niya at inalis ang tingin doon.

"Maganda kasi ang hita ko kaya kailangan hindi itago," I said and crossed my legs.

"If you think that beautiful body parts need to be exposed, then all girls in this world should be naked as of now."

I laughed.

"Maghuhubad na ba ako?" tanong ko sa kanya at seryoso muli akong tiningnan.

"It's my free service," malandi kong sabi at akmang tatanggalin ang blazer niya.

"Then your body shouldn't be free. Kisses will do, don't worry," he teased.

Nanliit ang mata ko at pinagmasdan siya na masyadong nakapokus sa daan. Maganda ang anggulo ng mukha kahit saan mo titigan. May pagkamoreno siya, pagkasuplado ng kaunti at mapaglaro rin. Balanse lang lahat. I also like how defined his nose, his jaw, and how he move his lips when he's hesitant to say something.

"Ilan na ang nagsabi na gwapo ka?" I can't help to asked. Malamang mayroon na.

He smiled. Nagkibit-balikat siya dahil hindi na siguro mabilang sa sobrang dami na.

"Ilan naman ang nagsabi na ang sarap mo?" tanong kong muli.

Napaubo siya at nakakunot ang noo nang tumingin sa akin. His expressions looks like he's saying "what the fuck?"

"What kind of question is that?" ngumingiwi niyang tanong.

Bakit? Lagi kong naririnig ang iba na sinasabi na ang sarap daw ng mga Prado la Silvestre. Basta gwapo, masarap ganoon. I'm curious if he often receive remarks like that.

Tumagal ang biyahe ng halos apatnapung minuto. Wala akong ginawa kung hindi daldalan siya ng daldalan at himala na hindi siya naburyo sa akin. Nang makita ko na ang pinakasikat na bilihan ng mga gitara, sabik kong tinanggal ang blazer at bumaba na nang sasakyan.

"Don't remove it. Malamig rin sa loob," sambit niya at binitbit ang blazer.

"Hot ako," pagpapaalala ko sa kanya at hinila na siya papasok.

A male employee greeted us. Hindi ko na napakinggan ang kanyang sinasabi dahil nalula ako sa mga iba't ibang klase ng instrumento na nasa loob. Kung palang ako lang mag-isa, hindi ko alam kung anong pipiliin ko sa mga nandito.

"What type of guitar, Rishan?" Alexandro asked. Bumaling ako sa kanya at sinabi ang pinaka-kailangan ni Papa.

"Electric guitar," sagot ko at naglakad-lakad sa loob. Nginitian ko ang mga lalaking employees na bumati sa akin na nasa gilid.

Isang magandang acoustic guitar ang nakakuha ng aking atensyon. Yumuko ako para hawakan ang katawan at strings. Hindi ko alam kung bakit wala akong hilig sa musika. Maureen and Moira are also singers like Papa.

"Damn, stop bending too much," Alexandro whispered behind me.

Napatuwid ako sa pagkakatayo nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang at hinila ng kaunti ang aking dress pababa.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon