Phase 04

306 17 1
                                    

For the next day, I woke up with a heavy feeling. I touched my lower abdomen, where I could feel the particular area where it hurts. Pinagpapawisan ako at halos mamaluktot sa kama dahil sa sakit na nararamdaman.

I traveled my hand in the space beside me to wake Alexandro, but he was not there anymore. I slowly opened my eyes, and it was morning already. I tried to stand up, but I couldn't move comfortably.

Kumikirot talaga! Parang bubulwak dahil sa kung ano man ang gustong sumabog.

Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga at kumuha ng pwesto para mabawasan ang sakit sa puson. I forced myself to sleep again. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa katabi ko na panay galaw sa kama kagabi.

"Pa!" I shouted as loud as I can. Nakabukas ang pintuan at sa tingin ko maririnig naman ako sa ibaba.

"P-Pa!"

I yelled for three times but I just remember that Papa left for sure. Napabuntong hininga ako at sinipa ang mga nakakairitang unan. Umalis na rin ba si Alexandro? Talagang iniwan ako dito na mag-isa pagkatapos makikain, makihiram ng damit at makitulog?

Ang kapal talaga! Hindi man lang nagpaalam. Sayang ang ibinabayad sa tuition kung hindi isinasabuhay ang itinuturo sa GMRC.

I endured the pain for another minutes. Yinakap ko na lang ang mga unan at parang fetus na ako dahil sa pwesto. Namamawis na rin ang sentido at likuran ko dahil ang init.

Who is the shameless human who turned off the aircon?

"Rishan, I investigated your house. I think the one I saw last night is just a shadow from the tree outside. I thought it's really your grandmother," a voice said and walked inside my room.

He's even sighing in relief. May hawak pa siyang papel at mukhang inimbestigahan ang bahay. Sa tingin ko rin bagong ligo na. Wala talagang hiya. He wore my favorite sweatshirt and one and only jogging pants from school.

Napalunok ako at mariin na pumikit muli. I don't have the energy to talk or move. I don't care about his investigations or whatsoever. He walked near me and kneeled to leveled my face.

"Hey, you still asleep? Mr. Morris left three hours ago. Buti nalang maaga rin ako nagising para hindi niya makita na natulog ako sa tabi mo. Lagot ako sa idol ko kapag nangyari iyon," tumatawa niyang sabi at nanatili akong walang imik.

I felt his hand on my forehead. Naramdaman ko ang pagpilig niya sa kanyang ulo na tila pinag-aaralan ang mukha ko.

"You're sweating and... pale... " he whispered and removed my comforter that covers my body.

"Fuck, you're bleeding!" sigaw niya kaya napadilat ako.

Dinuduro niya ang bandang pwetan ko. His mouth parted in shocked and panicked. I sighed when the stains are also in my bedsheet. Mahihirapan na naman si Papa na maglaba nito.

"Tagos yan... meron na pala ako ngayon," kaswal kong sabi at sinikap na tumayo pero nanghihina pa rin ako dahil sa sakit ng puson.

"Are you... okay? Should I call an ambulance? I think it's not your menstruation. The blood is too much!" natatarantang sabi niya kaya sinapok ko para matauhan.

Palibhasa kasi walang alam sa mga ganito. He has a sister but he's clueless.

"Dalhin mo nalang ako sa banyo... " sambit ko at hinila ang kanyang braso.

"Okay, okay... " kalmado niyang sabi ngayon at dahan-dahan akong binuhat. He carried me carefully in a bridal style. Sa sobrang pag-iingat, nakakairita dahil ang bagal namin makapunta sa banyo.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon