Nadatnan ko ang natutulog na sina Sena at Sameera sa bakanteng kwarto nang maihatid ako ni Alexandro sa bahay. Si Shade ay parating na rin dahil nagtulungan silang dalawa ni Xandro na mahanap ako. He is right. I'll kill everyone in worries from what I did.
"Ashanti!" Papa exclaimed the moment he saw me walking downstairs. Nakatulog siya sa sofa kanina at mukhang kakagising lang. Naramdaman siguro ang presensya ko na nasa bahay na.
"Sorry anak. Hindi na ulit magagalit si Papa ng ganoon..." he said softly and hugged me.
Nanubig muli ang aking mata at niyakap siya pabalik. Ito pa rin ang suot niya magmula kanina. Lumiban pa siya sa trabaho. I made him really worried.
"I'm sorry din po, Pa..."
"Xandro, salamat naman at nahanap mo ang batang ito. Si Shade ba ay pabalik na? Dito na kayo matulog dalawa..." sabi ni Papa kay Xandro na tahimik lang na nanonood sa aming dalawa ngayon.
"Malapit na rin daw po siya kanina, Pa," he replied. Bumaling muli sa akin si Papa.
"Natakot lang ako kanina na baka iiwan mo rin ako. Pasensya na ulit anak..." He whispered and tightened his embraced at me.
"Hindi ko naman gagawin iyon! Pasigaw-sigaw ka pa kanina. Alam mo naman na ayoko sinisigawan. Tapos... akala ko talaga pinapalayas mo ako," nanlulumo kong saad. Xandro and Papa chuckled in my childish tone.
"Sa tingin mo naman ba magagawa kong palayasan ka? Sinong magtitiyaga sa'yo?" aniya at inaasar pa ako!
Papa apologized again. Humingi rin ako ng pasensya at nagpaliwanag kung bakit may flight ticket ako papuntang Spain. I will never leave him. He's my only family left who truly loves me.
Sa mga sumunod na minuto, hinintay lang namin si Shade na makarating na sa bahay para makatulog na rin kaming lahat. Kung saan-saan pala nila akong hinanap dalawa magmula kanina.
"Aren't you two going to sleep already?" Shade asked when Xandro and I were just standing beside my room. Kumunot ang aking noo nang mapagtanto na nasa tabi ko pala siya at mukhang wala pang balak matulog.
"Ako matutulog na," pahayag ko at akmang hahawakan na ang doorknob ng aking kwarto para makapasok na ngunit nagsalita ang nasa gilid ko.
"Mag-uusap muna kami," Xandro stated that made me stop from clutching the doorknob.
Umirap ako at hindi siya pinansin. Inaantok na ang lahat tapos hindi pa siya matulog. We can talk later or tomorrow!
Hahawakan ko na sanang muli ang doorknob para makapasok na nang humarang siya sa pintuan at seryoso akong tiningnan. I glared at him. What the hell is he up to? Sinabi ko na sa kanya na mag-usap na lang sa susunod!
"Bahala kayong dalawa. Xandreus, I'll take the bed. Sleep on the floor," si Shade at pumasok na sa kwarto na para sa kanilang dalawa ni Xandro.
"Pwede bang huwag kang humarang? Inaantok na ako!" singhal ko sa kanya at sinubukan siyang itulak palayo sa pintuan.
"Let's talk, Rishan. Iori told me that you went to our shooting location. Look, if you saw what happened. I'm sorry for that... I didn't know why she —"
"S-Sinabi ko na sa susunod nalang tayo mag-usap hindi ba?"
Natigilan siya at lumambot ang ekspresyon nang mahimigan ang panginginig ng boses ko. When he said that, the memory of him kissing another girl flashed in my head again. I don't want to talk about it right now.
"I don't want you to sleep with a heavy heart," he said softly. Napapikit ako sa kanyang boses na tila nanlalambing at nanunuyo.
"You saw it, right? I didn't like it, Rishan..." aniya at bumaba ng kaunti para pantayan ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Ficção Adolescente𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...