Phase 40

246 8 1
                                    

Papa's presence is still lingering in our house here in Ciudad De Escalante. Kahit pinabago na lahat ni Mama ang pwesto ng mga muwebles at gamit sa nakalipas na limang taon, hindi ko pa rin maiwasan na maalala siya sa bawat sulok ng bahay.

Sa kusina, sa kwarto, sa sala, at mas lalo na sa studio na hindi ko kinakayang manatili kahit isang minuto lang. Seeing all his equipment inside like his  instruments, piles of music sheets, and albums... it suffocates me.

Gaya ngayon na maluha-luha na naman ako habang nagluluto dahil ako na mismo ang naghahanda para sa sarili ko. While in my entire life, he's the one who's cooking and preparing for my meal.

I really hate having an emotional breakdown whenever I remember him, and that's hard to control. Even in the smallest details in my life, he's part of it. That's why it's difficult to be okay with the idea that he already left us for good.

I tried to smile to motivate myself and glanced at the calendar. I sighed after I realized what date is it. Halos dalawang linggo pa ang kailangan kong hintayin para sa trabaho. I got accepted to be an assistant in Direk Leonel's team.

Hindi na ako makapaghintay na magtrabaho dahil hindi ako masyadong nakakahinga sa bahay. I need to divert my attention and busied myself so I will forget to be sad.

"Rishan! Ano ka ba naman bang bata ka? Tingnan mo at sunog na!" natatarantang sabi ni Manang Rosa at binuhusan ng tubig ang kawali kung saan ako nagpi-prito ng manok.

My lips parted in shocked when I saw the entire kitchen. Punong-puno ng usok at muntik na talaga akong makasunog dahil sa pag-iisip ko ng mga bagay-bagay.

"Magbihis ka na sa itaas at ako na ang bahala rito. Darating na ang nga kaibigan mo maya-maya at hindi pwedeng ihain ang ganitong pagkain," ani muli ni Manang at kumuha ng panibagong kawali.

Napangiwi ako ng makalanghap ng usok. I coughed and only nodded at her. Maghahanda na lamang ako para sa pagdating nina Sena at Eera kasama ni Shade. Baka nga darating na rin sila anumang oras. Ngayon lang namin napag-desisyunan na magkita-kita dahil nasa abroad si Sena at kasama ang boyfriend. While Eera is also travelling lately to lessen her stress in many things.

Nakapag-usap na rin kaming tatlo sa video chat noong nakaraan pa. Kumustahan at balitaan sa loob ng limang taon. They're not mad at me for not telling them because they understand. Dahil hindi lang ako ang nagkaroon ng problema at pagsubok sa nakalipas na taon.

Each one of us fought a different war that we needed to survive... alone.

I'm proud of my girls for winning their own battle, and I know that they're also proud of me.

"Manang, si Maui?" I asked when I roamed my eyes around the living room.

Ang mga laruan lang ang nasa mat. Nakabukas ang tv kaya akala ko ay narito si Maui sa couch at nanonood. I picked his toys and put it inside the box. Inayos ko rin ang mga throw pillow na nakakakalat.

"Nasa may sala, 'nak. Wala ba siya riyan? Baka nasa banyo," sagot ni Manang kaya pumunta ako banyo para i-check ngunit wala siya roon.

I went upstairs to search for him in his room but he's not also there. Bumaba akong muli para tingnan siya at baka nasa labas at naglalaro sa bagong bisikleta na binili ni Shade sa kanya.

"Maui?" I called when I reached outside our house.

Naningkit ang mata ko nang makita si Maui na nasa daan at may kausap sa loob ng isang itim na mamahaling kotse na nakaparada sa tapat ng bahay. I can't see who it is but my little brother is tiptoeing just to talk to someone inside. Hindi ako nag-alala dahil nakangiti ang kapatid ko. Maybe, it's not a bad person.

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon