Chapter 1
"Ano na naman ba?" Tyrone hissed at me.
"Tangina mo!" Mura ko, "Iyong isa mong estudyante noon, alam na may relasyon tayo! Anong gusto mong gawin ko? Matulog lang ng mahimbing?"
"Estudyante? Sino?" Kumunot ang noo niya.
"Juan Luis." Sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay, "How do you know him?"
"Ginagago mo ba ako? Hindi ako nakikipaglokohan sayo ha!" I scoffed, "Are you getting jealous right now? Tyrone naman! Malamang nabasa ko! He knows! Can't you understand? Hindi kita mapapatawad kapag sinabihan akong kabit dahil lang wala kang bayag na makipagbreak kay Laurie!"
He sighed, "I understand... Kakausapin ko. Hindi magsasalita iyon si Juan Luis."
"How would you know?" I sighed at him. Juan Luis doesn't look like he will shut up. He looks like anything but a quiet person. Itsura pa lang niya, halata mo nang maraming kayang gawin. I cannot fucking risk my name.
"Love, I will always make a way." Sabi niya at humawak sa bewang, "Calm down, please? Ganoon lang si Juan Luis but he doesn't really care about other people's life. He doesn't give a fuck, that boy is privileged and got a lot of entertainment already."
"Kausapin mo pa rin..." I sighed, "Tyrone... just break up with her..."
"Napag-usapan na natin ito eh." He said, "Hindi naman kasi ganoon kadali dahil nga nagpapalakas ako para sa flying school. Kaunti na lang naman, Erys."
"Tanginang kaunti yan eh." I hissed at him, "Isang taon? Ano ba? Kung hindi mo kaya, diretsuhin mo na lang ako? Pwede? Everyone will think that I am the fucking mistress when in fact, I am not!"
"Ofcourse, you're not. Daenerys..."
"Sa tingin mo, kapag kumalat 'to sa iba, sinong magiging kabit sa paningin nila? Iyong anak ng Congressman o ako na palamunin ng gobyerno?" I asked him, "Tyrone... Let's just work hard... Let's just do our best para hindi mo na kailanganin ang suporta ng mga magulang niya..."
"Bobo mo naman kausap eh." He hissed, "Di ka makaintindi? Hindi lang naman tuition ko ang hinihingi ko sa magulang ni Laurie! Yung sa apartment ko, yung mga pangregalo ko sayo, yung mga grocery na binibigay ko sa pamilya mo! Nakikinabang ka rin naman, Daenerys!"
"Oh, e 'di ano? Habang buhay ka na lang kakapit sa saya ni Laurie?" Tanong ko, "Tyrone, kaibigan ko rin yun!"
"Wow!" He scoffs, "Sana naisip mo yan, noon pa lang! Wag mo kong paandaran ng ganyan. Pareho tayong may kagaguhan dito!"
Pinatunog niya ang kotse niya at naglakad palayo sa akin. Hindi manlang siya nagdalawang isip na lingunin ako. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.
Putangina. Tangina lang talaga. Tanginang buhay 'to.
Sa labas, ito ang problema ko. Sa bahay, ang tatay ko naman na lasing at ang asawa niyang walang ginawa kundi ang magsugal at umasa sa kaunting pera na kinikita ko.
"Ganda ng anak mo, David! Pasayawin mo sa club ni Madam Gracia sa kanto, malaki kikitain niyan!" Sabi noong lasing na kapitbahay namin.
BINABASA MO ANG
The Ruins of Winter
RomanceFor Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that one true love. But for now, he will be reckless. Until one night, Daenerys looked so beautiful and...