Chapter 11
Iceland.
I think I was in Junior High School when I became fascinated with the Aurora Borealis. Tinatawag rin itong Northern Lights. It is composed of different colors of light in the sky; mainly green, blue, or purple. Whenever I see it on the internet, I always promise myself that I will be able to see it one day. Kahit na mag-isa lang ako, ayos lang. I still want to see it. Kahit isang beses lang sa buong buhay ko, ayos na, dahil sigurado naman akong hinding hindi ko iyon makakalimutan.
Even if its just a passing fate for me to see the auroras, I will keep it in my heart forever. I will tell stories about how beautiful it is. I will really enjoy the moment with my own eyes.
"Welcome to Iceland..." Bati sa amin ng mga staff ng hotel. Malawak ang ngiti ko. They even gave us flowers na hindi ako masyadong familiar. Inilibot ko ang mata sa hotel na pinili ni Juan Luis. I don't know how much this costs pero sigurado ako na malaki ang ginastos niya dito. Patagal ng patagal, mas dumadami ang utang na loob ko kay Juan Luis. Sana ay hindi niya isipin na tinetake for granted ko ang kabaitan niya.
Hotel Húsafell is located in the country's Aurora Zone. Ibig sabihin, mula dito ay madaling makikita ang northern lights. There's a lot of hotsprings and geothermally heated water and I am so excited to try it! Sobra akong namamangha sa lugar na ito. Pag-uwi ko na lang tsaka ko iisipin ang mga dapat kong bayaran kay JL. I will be shameless, for now, and enjoy the moment. I'll enjoy it with him.
Isang araw at tatlong oras ang biyahe namin papunta sa North Iceland kaya naman pagdating namin ay halata ang pagod sa aming mga mukha. Humikab ako pagpasok sa hotel room. May dalawang kama doon at may malaking ref. There's also a huge tub in the shower. Syempre, hindi naman ako magrereklamo na magkasama kami. Pera niya naman ang ginagastos niya dito. Wala naman akong karapatan na magreklamo pa. Besides, I am living in his unit. May mga pagkakataon na doon rin siya natutulog.
"Pagod na ako..." I chuckled, "Let's rest first..."
I looked at him. Juan Luis removed his denim jacket, leaving him with a white shirt. May silver necklace ulit siya at suot niya ang ilang piercing.
I lied down quietly, shutting my eyes and letting myself go to sleep. I heard him chuckle before I finally slept. Nagising na lamang ako habang may kausap si Juan Luis sa telepono. Nasa balcony siya ng kwarto at nagpapahangin. One hand is on his waist while talking to whoever.
I heard him chuckle again, "Ako lang. Bakit? Masama bang magbakasyon mag-isa?"
Napakurap ako sa sagot niya.
"Ako nga lang mag-isa nandito..." Ulit niya, "Sino namang dadalhin ko? Huh? Dapat pala nagliterature major ka tutal malawak ang imagination mo, Sav,"
Oh.
Savannah Salvatorre?
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig. It made me feel uneasy. Pero... ayos lang. Hindi naman rin dapat na sabihin niya sa lahat na magkasama kami. Wala namang rason para ipagkalat iyon. Baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao, 'di ba? How can a girl like me go with Juan Luis Hernandez? Baka isipin lang ay pineperahan ko siya. Kaya mas okay na siguro ang ganoon.
There's no reason to be mad, Daenerys. Right? Lalo pa't matalik niyang kaibigan ang kausap niya. There's no need to feel bad that he doesn't want to tell other people that you are with him. In fact, it's making your life easier. You don't have to worry about petty rumors anymore. Gusto mo ng tahimik na buhay 'di ba?
BINABASA MO ANG
The Ruins of Winter
RomanceFor Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that one true love. But for now, he will be reckless. Until one night, Daenerys looked so beautiful and...