Chapter 30
I think... that Given Grace Hernandez is remarkable. Noong una ko siyang nakita, noong nakita ko ang litrato niya sa bahay nila sa Baguio, noong unang beses na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hanggang ngayon. Mali, lalo ngayon.
Hindi ko masyadong kilala si Elian Hernandez, ang ama ni Juan Luis. I just know that he's a director who is close to my parents, especially my mother. And now, he is the father of the man I can't stop loving. It's a whole new riddle for me how we are similar to each other. It is hard for me to comprehend that Mrs. Hernandez thinks that way.
Bakit? Selfish rin ba siya katulad ko? Halos matawa ako sa naiisip. Alam ko na galing sa hirap ang tatay ni JL, iba ang buhay kanyang ina. But his father worked hard and became successful afterwards, like a true rags to riches story that we watch on tv. Siguro doon lang kami pareho, na kahit paano, sa kanilang lahat, baka siya ang nakakaintindi ng buhay ko. But Elian Hernandez succeeded. Ako, hindi ako nagbago. Nanatili ako sa mga bagay na gusto ko sanang baguhin. Nanatili akong talunan. So how are we the same?
Buong araw kong inisip ang mga salitang iniwan sa akin ni Ma'am Given. I just can't call her Tita even if she insisted. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin at ayokong ipilit ang sarili ko. Mabuti nang malinaw sa kanya na hindi ko ipinagpipilitan ang sarili ko sa kanila. I don't want her to take this the wrong way. I want her to immediately know that I am here because I need help and it happens that the person who can help me immediately is his son.
Kung noon, hindi ko hiningi ang tulong ni Juan Luis. Ngayon, hinihingi ko na ang lahat ng tulong na pwede kong makuha. They can call me names, whatever they want. As long as my son lives. As long as I don't lose Isaiah, I can endure their words and their stares.
Ang akala ko ay hindi uuwi si Juan Luis pero alas diyes pa lang ng gabi ay pumapasok na ang sasakyan niya sa loob ng gate. Natutulog na si Ice 'non at ako na lang ang gising dahil sa hindi matapos-tapos na pag-iisip.
Halatang nakainom siya dahil medyo mapula ang pisngi. Juan Luis smiled when he saw me on the couch.
"Why are you still awake?" He asked.
"Hindi pa ako inaantok..." Sagot ko sa kanya. Iyon naman ang totoo. Hindi ko naman siya hinihintay dito. Ang akala ko nga ay doon na siya matutulog dahil hindi naman masyadong malapit ang lugar na yun dito at medyo hassle na magmaneho pa.
He nodded, "Ice?"
"Tulog na..."
"We can go to the hospital the day after tomorrow." He told me, sitting on the sofa to remove his shoes. Nasa kabilang banda siya at medyo malayo sa akin, nakatapat lang. The first two buttons black longsleeves is open. My lips parted.
May tattoo? O namamalik-mata lang ako?
"You have a tattoo?" Tanong ko.
He looked at me before nodding, "Ngayon mo lang nakita?"
Malamang? Anong akala niya? Tinitignan ko dibdib niya palagi? Hibang ba siya?
"What does it say?" I asked him, dahil characters ang nakita ko. Hindi nga lang malinaw dahil medyo malayo siya sa akin. Ang alam ko lang ay hindi iyon drawing kaya ganoon ang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ruins of Winter
RomanceFor Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that one true love. But for now, he will be reckless. Until one night, Daenerys looked so beautiful and...