Chapter 10
Juan Luis is deceiving. He will make you feel like you are the world... and then drop you the next day. He will make the worst days, the most beautiful ones, and then like a magician, he will turn it into a bad memory.
"Ano?" Tanong ko kay Tita Yolly na nag-aabang sa ibaba ng condominium building, "Anong sabi mo?"
"Isinugod sa ospital ang papa mo, Erys." She sobbed, "Hindi ko alam ang gagawin. Nakautang na kami at naipangbayad na namin sa lahat ng gastusin pero sobrang kulang pa rin. Alam ko naman na hindi naging maganda ang pagsasama natin o ang pagsasama niyo ng papa mo pero kailangan talaga niya ng tulong ngayon. Hindi ko na alam kung saan pupunta."
"Wala rin naman ho akong pera." Mariin kong sagot dahil iyon ang totoo. Sakto lang naman palagi ang nakukuha kong pera sa pagbebenta. Nagbabayad ako ng kuryente, ng tubig, ng pamasahe, ng pagkain ko sa araw-araw. Hindi naman madali ang buhay ko porket nasa maganda akong condominium. Sa susunod na buwan, magbabayad na ulit ako kay Juan Luis.
"Daenerys, parang awa mo na... Wag mo namang tiisin ng ganito ang papa mo..." She begged and tried to hold my hand ngunit umiwas ako at huminga ng malalim. She doesn't have to hold me. Gagawin ko pa rin naman ang makakaya ko kahit hindi niya sinasabi.
"Sige ho. Magkano pa ba ang kulang? Gagawan ko ng paraan." Sabi ko.
"Isang daang libo pa, Erys. Nabayaran na namin ang singkwenta mil, iyon pa ang natitira. Kapag nagtagal pa ang papa mo sa ospital, lalong lalaki at madadagdagan pa ang bill..." Paliwanag niya. Tumango ako.
"Tatawag ako kapag meron na." Sabi ko.
Limang araw bago ang kaarawan ko, iyon ang inaasikaso ko. Pero ayos lang rin. It's not like I am actually excited for my birthday. It's just another day for me to gain an age. Ano ba ang dapat ipagdiwang sa pagtanda? Wala naman. There's nothing to celebrate with the fact that your responsibilities are starting to burden you. I don't need a cake. I don't need balloons. I don't even need a birthday greeting.
Besides, mommy left me that day. It's the start of my misery.
Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa utak ko ang namumutlang mga labi ng Mommy. It still haunts me every November 15th... at habangbuhay ko iyong dadalhin. I will never be happy on my birthday. If I can erase it, I will remove it, baka sakaling makalimutan ko rin ang masasakit na ala-ala.
"I want a pool party tomorrow," Juan Luis pouted on the other side of the dining table. Tinutulungan niya akong magbake.
"Next week pa birthday mo, JL," I unconsciously said. We have the same birthdays so I won't be able to forget about it.
"So, you remember?" Napatingin ako sa kanya at umirap. Lahat na lang nilalagyan ng malisya, eh kahit yata birthday ng kapitbahay namin, alam ko. I just remember too much things.
"Pool party sa villa..." He's brainstorming. Masyado siyang excited para sa birthday niya. Sometimes, he really just sounds like a kid. Lalo na kapag kasama niya si Tain.
Si Tain kasi, matured at tahimik. Kapag nagsasalita, laging may sense. Juan Luis, on the other hand, is very carefree and reckless. Hindi ko nga alam kung paano sila naging magkaibigan. They have a common denominator though, they are both so intimidating.
"Gago! Wag mong panggigilan yang dough! Baliw ka ba!" Sabi ko sa kanya. JL fixed his work.
"Baby, I really want to do a pool party." Ulit niya.
BINABASA MO ANG
The Ruins of Winter
RomanceFor Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that one true love. But for now, he will be reckless. Until one night, Daenerys looked so beautiful and...