Chapter 25
"Tita..." Tumaas ang kilay ni Tita Yolly sa akin habang tumitingin sa sibuyas na nasa harap niya, "Bakit naman po pinagsibak niyo si Juan Luis?"
"Kailangan nila Aling Nilda 'non para sa ilulutong kakanin. Nag-volunteer siya, Erys." Sagot niya sa akin, "Okay lang iyon! Siya naman ang may gusto at kaya niya naman. Tsaka aminin mo, ang gwapo niya kahit pawis,"
"Ta!" I hissed.
"Tinatanong ng kapitbahay natin kanina kung single siya. Alam mo ba ang sinagot? Oo pero hindi siya pwede." Natawa si Tita, "Pasado. Loyal kahit pogi. Tapos nagsisibak pa. Gusto ngang pagtripan ng tatay mo at pag-igibin sa poso."
"Tama na, Ta!" Saway ko.
Pagkatapos kong kainin ang nilutong almusal ni Juan Luis ay tinulungan ko munang mag-ayos si Ice. Marunong na siyang maligo mag-isa pero syempre, minsan ay kailangan niya rin ng tulong ko.
"Mama, pwede po ba kami maglaro ni Tito mamaya?" Tanong niya.
"Saan?"
"Sa sack race." Sagot ni Isaiah, "Ang sabi kasi nila, dapat kasama mo ang Papa mo. Wala akong Papa kaya si Tito na lang dahil siya naman ang nandito."
I awkwardly smiled, "Baka ayaw ni Tito mo. Si Lolo na lang."
"Mama naman!" He whined, "Matatalo ako kapag si Lolo ang kasama ko..."
Ang laki na talaga ni Isaiah. May pang sagot na sa lahat. Nagdadahilan na mag-isa. Alam niya na kung paano idepensa ang mga bagay na gusto niya at ang mga bagay na pinaniniwalaan niya. And even if its a pain the ass, I love seeing him like that.
Masaya akong makita siyang alam kung ano ang gusto, kahit sa mga maliliit na bagay. Magugulat ako ng kaunti pero mapapangiti rin sa sarili.
From the windows, my eyes searched for Juan Luis. Tumayo si Kuya Lito na nagpapaypay sa iniihaw na baboy at binigay kay Juan Luis ang pamaypay. JL replaced him in the small chair. Nakikipagtawanan pa siya kay Kuya Lito na akala mo'y close na close sila.
Well, he's always been like that. Madali para sa kanya ang makipag-usap sa iba dahil madali rin siyang magustuhan ng ibang tao.
I sighed. Hindi ko naman mapapaalis 'to. Hahayaan ko na lang siya na mapagod para siya na ang magkusang umuwi. Kahit isang beses ay hindi ko nakitang naghugas ng pinggan si Juan Luis, kaya himala sa akin ang makita siyang ganito.
Nag-ayos ako habang ihaw siya ng ihaw sa labas at pagbaba ko ay nasa loob na siya ng bahay at naglalagay ng gasa sa kamay. Tinignan niya ako habang pababa sa hagdan.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Just a little scar." He answered, "You know what, I don't really like to take a bath here but I think I need it. Pwede ba? I just feel dirty right now."
I raised a brow, "Are you saying na marumi dito—"
"Ofcourse not!" He immediately said, "Pinagpawisan na kasi ako kaya gusto kong maligo. You know how I don't like it when I get sweaty. Kahit noon naman, pagkatapos ng basketball games, naliligo ako agad? You know that..."
"How would I know that? I don't know that." Pagmamaang-maangan ko.
He scoffed and imitated the way I said the words, "I don't know that."
BINABASA MO ANG
The Ruins of Winter
RomanceFor Juan Luis, it's all fun and games. No commitments. No 'love' involved. Bata pa naman daw kasi siya, he got all the time in the world to find that one true love. But for now, he will be reckless. Until one night, Daenerys looked so beautiful and...