Kabanata 11

139 7 19
                                    

Sa hindi malamang dahilan bigla akong kinilig dahil sa sinabi ni Samuel

Kyieeeeh ba't ganun kasi siya magsalita? masyado siyang pafall

Kanina ko pa pinipigil ang ngiti ko na kanina pa gustong kumawala mula sa mga labi ko. Halos limang minuto na ang nakalilipas ng makaalis kami sa bahay nila Samuel pero 'yung impact ng sinabi niya nandito pa rin sa heart ko ayieee..kinikilig talaga ako hayst

"Narito na ho tayo, binibini" agad kong tinigil ang pagfa-flashback saka ako dumungaw sa bintana ng kalesa

Literal na nanlaki ang mga mata ng makita ko ang bahay ng heneral.

Ang gandaaaa

Kung malaki 'yung kanila Samuel doble o triple ang laki ng bahay na 'to tapos ang aliwalas tignan dahil andaming halaman na nakapaligid sa bahay.

Agad akong bumaba ng kalesa kaya mas napagmasdan ko kung gaano kalaki ang bahay nila

"Binibini, tayo'y pumasok na sapagkat naghihintay na po ang heneral sa kanyang silid-aklatan" tumingin lang ako sa lalaki saka ako ngumiti at bahagyang tumango

Kinuha niya ang mga gamit ko saka siya nanguna sa pagpasok sa loob. Kung kanina ay nanlaki ang mga mata ko ngayon naman ay halos lumabas na ang eyeballs ko dahil mas maganda ang nasa loob

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay bubungad na ang isang hagdan na pakurba sa may bandang kanan ng pintuan. Hindi basta bastang hagdan ang nandito dahil sa bawat kanto ng hagdan ay may nakatayong estatwa. Sa ibaba, kanang bahagi ay may hindi matukoy na pigura ng estatwa samantalang sa kaliwa naman ay may estatwa ng isang agila. Sa bawat sulok na nakapaligid naman sa hagdan ay mayroong mga estatwa ng tao, mayroong tumutugtog ng violin, mayroong parang nakaupo sa bato, meron ding nakatayo na may hawak hawak ewan ko lang kung anong tawag sa hawak niya, at ang nasa pinakahuli ay estatwa ng parang anghel na nakayakap sa sarili.

Akala ko aakyat kami pero dumire-diretso lang ang lalaking nasa unahan ko kaya naman sunod lang ako ng sunod sa kanya. Makalipas ang mahaba-habang paglalakad ay huminto kami sa isang pintuang parang metal na kulay brown. Hindi 'yung brown na mukhang kinakalawang na ha kundi brown na malapit na sa kulay bronze..basta ganun so ayun nga pagkahinto namin sa tapat ng pintuan agad na kumatok 'yung lalaki ng tatlong beses

"Heneral, narito na ho ang binibining pinasusundo niyo" pasimple akong ngumiti dahil sa sinabi niya

Feeling ko isa akong prinsesa na pinapasundo ng isang prinsipe mula sa aming kaharian.

"llegar" (Come in)

Pagkabukas ng pintuan ay bumungad naman sa aming paningin ang napakaraming libro na ang karamihan ay grabe ang kapal. Pero syempre mas makapal pa rin ang mukha ng mga taong makapanlait akala mo kung sinong perpekto. Agad akong napairap ng dahil sa naisip ko

Tandang tanda ko pa ang pangalan ng mga kakilala kong mapanlait sa kapwa

"Dejarnos solos" (Leave us alone)

Sandaling yumuko ang lalaki saka nito dali daling isinara ang pintuan.
Nagtaka ako dahil para siyang nagmamadali na ewan

"Sentarse" (Sit) napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya

Ano daw? katorse? eh diba fourteen 'yun?

"A-ah hindi na ako katorse nasa labing dalawa—este dalawampu't isang taon na ako...heneral" napataas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko kaya nagtaas kilay din ako

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now