02

487 16 0
                                    

I hate it.

I hate it how Aydan acts like nothing changed. Nakakainis na para bang normal parin ang lahat, na parang hindi namin napag-usapan ang tungkol sa anak.

Nakakainis na hindi man lang niya napansin iyon—o talagang hindi niya pinapansin.

Nakakainis.

"Do you want to go hiking this weekend?" Aydan asked me. It was a lazy Monday morning. Nakahanda na siya sa pagpasok sa trabaho habang ako ay tinatamad pang nakatunganga sa hapag.

I'm craving for cucumbers but I can't eat them yet. Not until Aydan leaves for work.

I arched my brow. Gusto kong matawa sa tanong niya; gusto ko sanang tanungin kung seryoso ba sya pero naalala ko, wala nga pala syang alam—o ayaw nya lang malaman dahil imposibleng hindi niya alam.

Doktor siya, dapat ay napansin na nya ang pagbabago sa akin.

But instead of being sarcastic, I just reasoned out. "I can't. I will be visiting my parents this weekend."

"You did not tell me that," he said, surprised by my plan.

I suddenly want to roll my eyes.

"You are busy," I said.

"I can always make time. It's your family," he said.

I shrugged and said, "It's fine. I already told them that you can't come because you're busy with work. They understand so..."

Kung noon ay ako pa mismo ang mangungulit sa kanya, ngayon hindi na. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana sa kanya simula noong mapag-usapan namin ang dahil sa kanya. Kahit pa hindi rin ako makapaniwala na posible pala ang ganito; iyong sa tagal ng pinagsamahan namin, maari parin palang mawalan ka na lang bigla ng amor sa isang tao dahil sa isang bagay na hindi nyo mapagkasunduan.

Siguro dahil hindi naman maliit na bagay ang usapin tungkol sa pagkakaanak. Isa pa, sa mahigit isang dekada naming pagsasama, hindi ko maalalang may hiniling ako sa kanya na ganito kalaking bagay. Ni minsan ay hindi ko siya binigyan ng isipin lalo na kung makaka-distract lamang iyon sa pag-aaral nya.

Ako lagi ang umiintindi; ako lagi ang nag-aadjust; ako lagi.

Kaya sana ako naman ang intindihin ngayon, ako naman ang pagbigyan. Pero, siguro, mahirap talaga ang hinihiling ko na hanggang sa huling pagkakataon, hindi parin nya parin ako mapagbigyan.

"I did not know we would end just like this," I said, tears pouring from my cheeks.

Isang dekada. Isang dekada ng buhay ko ang mauuwi lang pala sa wala. Na sa huli, hahantong lang din pala kami sa ganitong sitwasyon; magkaharap na nakaupo habang may nakalatag na annulment papers sa harap namin.

Parang tanga lang.

"We can still make it work, Amara."

He said that broke my heart more.

Oo. Pwede pa naman, pero may kapalit. At hinding-hindi ko matatanggap ang kapalit na gusto nya; ni hindi ko inakala na maririnig ko iyon sa kanya.

Gusto ko biglang masuka.

"At the expense of my child?" I asked angrily. "I can't believe this is the kind of man I married. This is the kind of person you are!" I added.

He knew. He knows I'm pregnant and I can't believe he will make me choose between our marriage and our child.

Hindi ako makapaniwala na may ganitong tao pala, na pipiliin ang sarili kaysa sa anak; sa sariling laman at dugo nya.

Ang sakit lang na sa lahat ng taong pwedeng umayaw sa anak ko, iyong mismong tatay nya pa.

Back In Your Arms (GM Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon