Chapter 25

70 4 0
                                    

"Ayos lang ba bunso? pramis sa gitna namin ilalagay ang bata , sorry ....pero promise talaga walang mangyayaring hindi maganda. Hind naman ako matutulog doon, patitulugin ko lang ang bata" bulong ni kuya saakin.

Wala naman akong magagawa, at karapatan din naman ng bata na maka sama ang kanyang ama kaya hindi ko na pinigilan si kuya, labag sa loob ko ang kahilingang iyon pero sa huli ay pumayag naman ako.

Ngumiti ako kay kuya at tumango, "ayos lang kuya mukhang mis na mis ka ng cute na ito eh" sabay ginulo ko ang buhok ng bata ngumiti lang naman ang bata at tuwang tuwa naman sa ginawa ko, pero sinenyasan ko si kuya sabay taas baba ng kilay at ng aking kamao at tumingin sa kwarto.

Kuha naman ni kuya ang ibig kong sabihin at ngumiti siya with a look of assurance na magiging ayos lang ang lahat.

Nag pa karga na ang bata papasok ng kwarto habang naka yakap sa kanyang ama.

Nag latag na ako ng higaan sa sala, at pinatay na ang ilaw sa sala, pag higa ko ay tinurn on ko ang phone ko at nag basa ng messages. Ang tagal ko din hindi na buksan ang cellphone ko.

Mula sa ate ko na nangungumusta  pati ang tatay ko, si sir dhouglas , mga kaibigan sa trabaho, at si christian na sobrang haba ng mensahe, nireplayan ko naman siya pero neutral lang sabi ko okay lang naman ako. Masyado akong na aliw sa pag babasa at pag rereply sa mga pangungumusta nila at pag rereply na din at hindi ko namalayan na alas dose na pala ng gabi.

Hindi pa bumabalik si kuya , hindi ko maintindihan may tiwala naman ako kay kuya pero may parang kumukurot sa puso ko, masakit at mabigat sa pakiramdam.

Tumalikod nalang ako para di ko matanaw ang pinto ng kwarto para kahit papano ay maibsan ang bigat ng aking nararamdaman. Di ko maintindihan pero naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa aking mga mata.

Oo, nasasaktan ako, naiingit ako kasi para silang isang kumpletong pamilya, bagay na kahit kahit Kaylan ay hindi ko maipag kakaloob kay kuya . Tahimik akong humihikbi ng bigla ko nalang naramdaman ang mahigpit na yakap sa aking baywang.

"Bakit ka umiiyak bunso? " Nag aalalang bulong ni kuya mula sa aking kaliwang tenga. 

Hindi ko napigilan ang aking sarili at humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ako nag salita, niyakap ko lang siya

Inalo ako ni kuya, at niyakap ng mahigpit. Hinalikan ako sa noo, sinipat ang aking buhok at hinimas.  " Sa mundong ito bunso, ikaw lang ang kaya kong mahalin, kaya wala kang dapat ipag alala. Hmmm?"

Tumango lang ako kahit nasa bandang leeg niya ang ulo ko dahil sa pag kaka yapak niya ay alam kong batid niya iyon.

Tumingala ako para silayan ang kanyang mukha sa nasisinagan ng buwan mula sa labas ng bukas na bintana, doon ay kita kongnaka titig din siya saakin.

Hinalikan ko ang kanyang labi , humalik din siya pabalik at ramdam na ramdam ko ang pag mamahal sa bawat haplos at halik ni kuya saakin. Mas naging mas malalim pa ang aming halikan ng marinig namin ang pag bukas ng pinto ng kwarto nila nanay minda at tatay alfred kaya bigla ay nag hiwala kami kunwati ang tulog na.

Maya maya lang ay bumukas na ang ilaw sa sala at dumiretso sa CR si nanay minda ng tanawin ko siya mula sa kunwari ay naka pikit kong mga mata.

Naka hinga ako ng malalim, muntikan na 'yon. Kita ko naman ang pag guhit ng malokong ngiti sa labi ni kuya na naka tagilid ng higa at naka harap saakin na kunwari ay naka pikit din ang mga mata.

Ng bumukas uli ang pinto ng banyo ay nag kunwari kaming tulog uli ni kuya, at maya maya lang ay narinig kong nag salita si nanay. " Haaayy... Nakaka tuwa namang pag masdan ang mga anak ko."

At ilang sandali pa ay rinig ko na ang mga yapak ng nag lalakad papalayo at namatay na muli ang ilaw kasabay ng pag sara ng pintuan ng kwarto.

Muling kumapit si kuya sa akin at ipinag patuloy ang pag halik saakin, Ngumiti ako ang humiwalay dahil baka may lumabas at mahuli na kami.

Ngunit tumayo siya at kinarga ako " hoy... Saan moko dadalhin? Loko loko ka!" Mahinang bulong ko sa kanya. "Sa kusina natin itutuloy" sabay guhit ng malokong ngiti sa kanyang labi at nag taas baba pa ng kilay.

Ibinaba ako ni kuya sa lamesa, paupo ang pwesto ko at saka ako muling hinalikan.

At doon ay muling nag isa ang aming mga katawan. Kung ano anong pwesto ang ginawa namin kaya sobrang pagod at nagutom kami.kaya binuksan namin ang ref at nag hanap ng makakain. Naubos pala ang niluto ni nanay kanina kaya nag prito nalang ako ng hotdog, may tira pa namang kanin kaya okay na ito.

Hindi ko mapigilan na makiliti habang pinipirito ko ang ulam namin dahil naka yakap sa akin si kuya habang hina halik halikan ang leeg ko habang nag luluto ako.

Napaka sarap sa pakiramdam ang ganito, ayaw ko ng sumapit ang umaga na kailangan nanaman naming itago ang relasyon namin sa harap ng maraming tao.

Pero mas pinili kong wag muna isipin ang mga negatibong bagay, humarap ako kay kuya at humalik ako ng mabilis sa labi niya    "luto na, kain na tayo".

Masaya kaming nag kwentuhan habang kumakain pero sandali lang dahil dinalaw narin kami ng antok.

Maaga parin kami nagising ni kuya mga bandang alas sais kasabay ng gising nila nanay at tatay. Nag prepare na din ai kuya papasok sa trabaho at mga alas siyete ay naka alis na siya. Si tatay alfred naman ay nag lipat na ng talian ng mga hayop at pumunta narin ng ilog gaya ng nakagawian. Si nanay naman ay nag walis sa bakuran ako naman ang naatasan na magpa kain ng mga alagang manok madali lang naman iyon kaya mabilis ko ring natapos at tinulungan ko na din si nanay sa iba pang gawaing bahay.

"Tao po" habang nag aagiw ako ay narinig ko ang boses ni jomar sa pinto, si nanay minda na nag pupunas ng bintana ang nag bukas ng pinto para sa kanya.

"Oh, iho napa dalaw ka, kumain ka na ba?"
Ah eh opo, tapos na kasi mga gawain sa taniman kaya napa dalaw ako dito makikipag kwentuhan lang sana kay leo.

"Oh sakto, wala namang pupuntahan si leo ngayon eh mag usap muna kayo. Leo ipag timpla mo nga si jomar ng kape barok at ng makapag kwentuhan kayo, pupunta muna ako ng palengke, si claire sabihan mo nalang na kumain na pagka gising naka handa na sa lamesa ang pagkain barok." "Opo nay" sagot ko.

Inilapag ko na ang kape sa lamesita sa sala kung saan malapit naka upo ang naka simangot na si jomar. " Oh, ano nanaman ba yang simangot jan sa mukha mo? Kay aga aga naka busangot ka"

"Nandito pala ang babae ng gagong yon? Baboy na baboy ah, natapos na lahat ng gawain tulog padin!" Pag mamaktol ni jomar. " Ex girl friend! " pag tatama ko sa salita niya. "Atsaka hinaan mo nga yang bunganga mo, mamaya marinig ka Non maka hanap ka pa ng kaaway. Wika ko sa kanya ng sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si claire.

--------------------------------------------------------
Hi guys, thank you so much for patiently waiting, i know it always takes sometime for me to make an update but you guys always follows the story, i really appreciate it. Thank you. Follow me and vote as well to support my first work. Thank you again.

#AntonNation14

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon