Episode 4 { Random Bus }

339 11 0
                                    

Sa ayos naming iyon nakikita ko ang labis na lungkot sa kanyang mata na pigil ang pag luha.

"Bakit" tanging katagang lumabas sa aking bibig.

"Gusto kita leo, gustong gusto kita"
Firm na sagot niya sa tanong ko, sabay ng pag kulong niya ng aking mukha at akmang hahalikan niya ako, pero bago pa man muling mag tagpo ang aming mga labi ay nagawa kong umiwas.

"Christian,...... Aalis ako" paalala ko sa kanya. Dahil hindi ko matatanggap ang pag ibig niya ngayon kahit gustuhin ko, dahilan ng aalis ako at sa tingin ko din ay hindi pa talaga ito ang tamang panahon para saamin.

Siguro in the near future, pag balik ko kung ma aantay niya ako.

"Kung nakapag pasya ka na, handa akong mag hintay, para sayo dahil mahal kita" at pinahid niya ang tumulong luha sa kanan niyang mata. "Pwede ba uli kitang halikan bago ka umalis?"

Hindi na ako sumagot sa tanong niya at hinayaan ko nalang siyang halikan ako. Pinikit ko ang aking mata hanggang sa madama ko ang mga labi niya na dumapo sa aking noo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, pero ang alam ko sa pag kakataong iyon, ang saya saya ko. Yung pakiramadam na nakadama ka ng pag mamahal mula sa ibang tao, lalo pa at ramdam kong totoo siya sa mga sinabi niya.

Kung hindi lang talaga ako nakapag pasyang aalis, hindi ko na siya pag iintayin pa at ngayon din agad ay sasagutin ko na siya. Pero hindi maaari. At sabi din naman niya mahal niya ako at handa siyang mag hintay, edi tingnan natin.

Pagkatapos niya akong halikan sa aking noo ay lumabas na siya ng cubicle hindi na siya lumingon pa.

Napa buntong hininga nalang ako. Nalulungkot ako dahil alam kong hindi iyong magiging madali sa kanya at nanghihinayang din dahil gusto ko din naman talaga siya, pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa.

Natapos ang team breakfast namin at nag hiwa hiwalay na kami. Nauna ng umalis kanina si christian dahil pagka labas ko ng cubicle ay wala na siya sa dining area, ngunit nag send siya saakin ng message na nag papa alala na handa siyang mag hintay.

Hindi ko na nireplayan iyon, dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin, at baka hindi lang ako maka alis.

Alas 9 na umaga ng maka uwi ako sa apartment ko. Nag impake na ako, dalawang bag lang ang dinala ko at ang ibang gamit ko ay iniuwi ko na sa bulacan kahapon sa bahay namin kayat ready to go na ako.

Dumaan muna ako ng mall malapit sa bus station para mag palipas ng oras dahil gabi pa daw ang biyahe ng mga bus papuntang probinsiya
______________________________________

Nasa bus station ako ngayon alas otso na ng gabi at tumitingin ako kung ano ang sasakyan ko, na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung saan.

Puro north ang biyahe ng mga bus dito, may papuntang lauag, difun, ilocos, maddela quirino, cordon at iba pa.

Nag miniminimo nalang ako. bahala na.

"inimini minimo alin dito ang sasakyan ko"

Nakatapat ang hintuturo ko sa bus papuntang Maddela Quirino.

Binuhat ko na ang bag ko na naka lapag sa sahig ng bus station at nag punta ako sa ticket station upang mag bayad na at maka sakay.

Nasa loob na ako ng bus, inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw na compartment sa bandang uluhan ng upuan ko. Kumuha din ako ng jacket at nilagay ang earphone sa tenga ko.

Sa pangalawang stop over ng bus ay bumaba ako upang bumili ng makakain. P75.00 ang order ng ulam with 1 rice, okay narin. Ito palang naman ang pangalawang gastos ko para sa pag lalakbay ko, bukod sa P700.00 na pamasahe sa bus na binayaran ko kanina sa cashier ng bus station.
Makalipas ang 10 oras na biyahe ay nakarating na ako sa bayan ng Maddela Quirino bandang alas 7 ng umaga. Kumain muna ako sa kalapit na karinderya.

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon