Episode 5 { Bagong Pamilya }

263 19 0
                                    

-------------------------~~~¤~~-----------------------

"eh baka magalit po siya pag uwi niya pag madatnan niya ako dito sa kwarto niya nay". Nako delikado na baka isang sapak lang sakin nito eh tiyak na tulog ako. Ang lalaki ng braso eh, pulis pa naman to. Sa pag iisip ko ng kung ano ano ay nahagip ng paningin ko ang muling pag balot ng lungkot sa mukha ni nanay minada. Nakapag tataka lang sa tuwing mababangit ang tungkol sa anak niya ay bigla nalang bumabalot ang lungkot s kanyang mukha.

" Nasa Ospital siya barok, sa ICU na coma siya nung.... Nung natamaan siya ng bala ng ni raid nila ung hide out ng mga drug dealer nung naka raang taon, hindi pa siya nagigising hanggang ngayon" wika ni nanay minda may pigil na luha, ngunit may naka dilay na ngiti sa kanyang mga labi.

Sa 24 years of existense ko sa mubdong ibabaw nakabisado ko nadin kung ano ang kahulugan ng bawat tingin at ngiti at masasabi kong  isang panakip butas sa sakit na nararamdaman ang ngiting iyon at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya at naiintindihan ko iyon.

"sorry po nay at natanong ko pa po" napa yuko nalang ako sa hiya, sinampal ko nalang ng mataman ang bibig ko.

"ayos lang barok, hehehe pasensiya na hindi ko lang kasi mapigilan na malungkot, isang taon na din kasi namimis na namin siya, cge kabisaduhin mo muna ang magiging kwarto mo". Tumalikod sa akin si nanay minda sandali at lihim na pinahid ang luha na dumaloy sa kanyang mata, at saka humarap muli ng may ngiti sa labi.

May inayos lang si nanay minda sa cabinet sandali at saka humarap saakin. " ilagay mo na ang mga gamit mo dito sa kabilang compartment barok, dito na ang lalagyan ng mga gamit mo".

"salamat po nay" tanging na bigkas sagot ko sa kanya.

" Sige iwan na muna kita, kung gusto mo pwede mong suoting ang mga damit ni aljohn kung kulangin ang damit mo. Madami jan mamili ka nalang. I handa ko lang ang pagkain sa kusina at ng maka kain ka muna."

Naiwan ako sa kwarto ng mag isa. Napapa ngiti ako sa tuwa. Inayos ko na ang mga gamit ko sa cabinet. At hindi ko din mapigilan na tignan ang kabilang compartment nito kung saan naka lagay ang ibang gamit ni kuya aljohn.

Pag bukas ko ay nakita ko agad ang mga police uniform niya na naka sabit sa hanger at may balot na plastic upang hindi anayin at malagyan ng alikabok. Marami din siyang mga pang formal attire, mga pang lakad niya. At sobrang busog ng mata ko sa mga nakikita ko, dahil naroon din ang kanyang sando, at ang kanyang briefs at boxer shorts.

Sinarado ko ang cabinet, sumandal dito at binatikos ang aking sarili, bakit ko pakiki alaman ang mga gamit na hindi naman akin?, kabago bago ko lang napaka paki alamero ko na, mamaya palayasin ako dito pag nahuli ako nako, mahirap na. Swerte ko na nga dito eh, libre na ang upa may mabait na nanay, at may gwapong anak. Nako nako ano ba tong pinag sasabi ko , erase erase. Hindi tama yun. Hindi ko pwedeng abusuhin ang kabaitan ni nanay minda na pinapakita saakin.

Tumingin ako sa kama, tila napaka sarap humiga doon, dahil dito humihiga si kuya aljohn. Ramdam ko din ang pagod sa biyahe sa buong mag damag kaya dahan dahan akong lumapit at humiga sa kama.

Ang lambot ng kama, ang sarap higaan, isipin ko palang na dito natutulog si kuya aljohn ay parang ayaw ko nang bumangon buong mag hapon. Inokupa ko ang buong higaan pa starfish ang posisyon ko. Komportable kasi sa paki ramdam at pinikit ko ang aking mata.

Mga ilang segundo lang bago pa ako makatulog ay may kumatok sa pinto. Si nanay minda. "Barok, halika na kain na muna, sunod ka na sa kusina hah? At may ipapakilala ako sayo".

........

Magkaharap kaming tatlo sa lamesa, magkatabi sa kabila si nanay minda at isang lalakeng kahit may katandaan nadin ay kakikitaan mo padin ng angking kakisigan at ng gwapong mukha doon ko napag tanto na siya ang asawa ni nanay minda na ama ni kuya aljohn dahil magkahawig din sila.

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon