Dahan dahan akong nag tungo sa banyo upang labhan ang brief ni kuya aljohn na nasa aking bulsa, at pagkatapos ay hinanger ko sa compartment ng cabinet ko para di makita nila nanay.
Naalala ko, kailangan ko na palang matulog at dadalawin namin ang kuya aljohn bukas sa ospital.
.....
Kinabukasan ay nagising ako ng dahil sa mabangong amoy ng pagkain, pagtingin ko sa orasan sa side table ay alas siyete na ng umaga.
Hindi padin ako gumalaw mula sa padapa kong pag kaka higa, ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin mula sa aking likod na walang damit dahil bumaba na ang kumot ko, kayat iniakyat kong muli ang kumot sa aking katawan. Hindi na kasi ako nag damit kagabi dahil narin sa medyo mainit ang temperatura, summer na kasi kaya ganito ang panahon.
Hindi ko na hinintay na may kumatok pa sa pinto at bumangon na ako, nililigpit ko ang higaan ng mapa tingin ang mga mata ko sa pucture frame ni kuya aljohn sa side table.
"mabait din kaya siya gaya ng mga magulang niya?, o masungit? Pero ang gwapo eh malamang masungit to, kasi karamihan sa mga gwapo masungit eh" bulong ko sa aking sarili.
With that being said bigla akong nailang ng maalala ko ung ginawa ko kagabi, and i swear to god na di ko na uulitin yun.
Any way makikita naman kita mamaya kuya aljohn, excited na ako.
Pagkatapos kong mag ayos ng kwarto ay lumabas na ako. Dumiretso ako sa kusina para tulungan si nanay minda.
"Good morning po nay" bati ko kay nanay minda.
"Good morning din barok, halikana umupo kana at ng maka kain na, tatawagin ko lang ang tatay alfred mo"
"salamat po nay"
Dumiretso muna ako sa lababo upang mag hilamos at mag mumog bago ako umupo sa lamesa.
Naka hain ang sinangag na kanin, pritong daing na isda na may side dish na kamatis, may pritong itlog, at ang natirang tinolang manok kagabi na ulam namin.
Ang sarap naman nila maging magulang. Ganito siguro ang laging nararanasan araw araw ni kuya aljohn. Nakaka inggit siya. Ako kasi naranasan ko naman ang ganito, nung bata nga lang ako kasi nandoon pa noon si mama, pero nung nag hiwalay sila ni papa noong 12 years old ako ay pinaiwan ako ni papa sa poder niya kaya nag kalayo kami ni mama at mula noon ako na ang gumagawa ng lahat ng bagay para sa sarili ko, kaya maaga akong natuto sa buhay. Hanggang sa mamatay na si mama noong 16 ako.
Hindi ko man kayang ipag palit ang mga magulang na meron ako sa mga magulang ni kuya aljohn, pero hindi ko maiwasang maingit sa kanya.
Dumating na sa hapag sina nanay minda at tatay alfred, naging masaya ang agahan namin, nag tanong ako ng mga ilang bagay tungkol kay kuya aljohn.
Napag alaman ko na may pagka maldito daw itong si kuya aljohn pero mabait naman daw, may pagka babaero daw, kaya sa edad na 26 ay hindi na mabilang ang naging syota. Ang chickboy naman pala, sabagay pogi naman kasi, pero kahit na hindi parin niya dapat abusuhin ang mga tao. At favorite tambayan daw ni kuya sa may pampang ng ilog.
Nag kasya nalang muna ako sa mga nalaman ko ngayong araw, mahaba pa naman ang panahon at mas makikilala ko pa siya.
------
Naka sakay kami ngayon ng jeep patungo sa ospital ng bayan kung saan naka confine si kuya aljohn although may sasakyan naman silang owner at at motor kaso pinapa maintenance pa ni tatay ang owner, ang motor naman di namn kami kasya lahat doon dahil may mga dala kaming pagkain dahil sa ospital daw kami mag tatanghalian kasma si kuya kahit tulog siya. Ginagawa daw nila ito para kahit papaano ay mabawasan ang pagka mis nila kay kuya.
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
Fiksi PenggemarAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...