"Opo nay Hindi lang din po kasi ako talaga sanay na walang ginagawa".
"Oo nga pala bukas ay pwede ng mailabas ng ospital ang kuya aljohn mo, kaya mag hahanda tayo bilang pag salubong sa kanya, at tutulungan mo ako sa pag hahanda hah?".
"Opo nay, mukhang magarbo ang pag hahanda bukas ah." binigyan ko ng ngiti si nanay at gumanti naman siya ng ngiti.
-------
Alas sais palang ng umaga ay gising na kami ni nanay, inutusan niya akong umangkat ng limang kilong isda sa ilog habang nag hahanda siya ng mga kagamitan sa kusina.Ng makabalik ako ay magkasama kaming namili sa baryo ng mga gulay, rekado at pang pansit at sphagetti.
May mga nag boluntaryo din na mga kapit bahay para tumulong para sa pag kakatay ng isang buong baboy at sampung pirasong manok.
Grabe ang ang daming handa ni kuya. Hindi pa man nagsisimula ang kasiyahan ay sobrang dami na ng taong nasa bahay mula sa mga babaeng tumulong sa pag luluto at sa pag dekorasyon, mga kalalakihang nag kakatay ng manok at baboy pati sa pag hahanda ng mga mabibigat na lamesa, hanggang sa mga batang inuutusan para bumili ng mga kulang.
Si nanay ang punong abala at taga subaybay sa mga kaganapan. Tsinitsek niya kung ayos na ang timpla ng mga potahe, ang set up ng pag darausan ng pagsalubong, hanggang sa mga dekorasyon. Ngunit kahit ganon siya ka abala ay nagagawa parin niyang tumulong at siguraduhin na walang nagugutom sa mga gumagawa.
Bandang alas diyes ay luto na ang karamihan ng mga potahe. Letsong ulo ng baboy nalang ang niluluto.
Napaka daming putahe ang naluto, may mga karekare, menudo, adobo, dinuguan, crispy pata, sinigang, letsong manok, humba, tinolang manok, may cake din para kay kuya, may mga deserts din gaya ng buco salad at jelatin, pasit, sphagetti, inihaw at sinabawang isda.
Excited ng kumain ang ilan pero siyempre, hindi pwedeng simulan ang kasiyahan hanggat wala pa ang taong tampok sa okasyon.
Alas dose paraw ang dating nila kuya aljohn at tatay ayon kay nanay.
Alas onse ay hindi parin mapakali si nanay kayat nilapitan ko siya. "Nay may problema ba?"
"May kulang pa ba anak? Palagay ko kase meron pa pero di ako makapag isip ng maayos." naiintindihan ko kung bakit di makapag isip ng maayos si nanay at lagi siyang balisa, sobra kasi siyang excited dahil makaka uwi na si kuya. Kayat hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
"Nay relax kalang, ayos na ang lahat pero ako may idadagdag ako para mas maging masaya ang handaan."
Kumunot ang noo ni nanay hindi niya matanto kung ano ang naiisip ko kaya lumapit ako sa kanya at bumulong. "Videoke nay" sabay ngiti ko at taas ng dalawang kilay.
Natatawa ako kay nanay dahil kung maka react pagkatapos kong bumulong ay parang may lumitaw na bumbilya sa ibabaw ng ulo niya. "Oo nga anak, tara dali i set up na natin"
----------
Bago mag tanghali ay halos nasa bahay na ang buong tao sa baryo maging ang mga kaibigan at dating mga ka trabaho ni kuya sa pag popolice.Ang lahat ay handa na sa pag salubong kay kuya aljohn. Hindi na ako masyadong makiki jam sa kanila mamaya dahil baka maipahiya pa ako nun sa harap ng madaming tao. Basta kakain nalang ako.
Sumapit ang tanghali at dumating na nga sila kuya at tatay. Nag pahayag ng pag bati ang ilang mga kakilala, maging ang dating mga katrabaho ni kuya aljon. Ng magbigay ng pahayag sila nanay at tatay tungol sa kasiyahan nila at pasasalamat sa pag babalik ni kuya ay halos lahat kami ay naging emosyonal.
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanfictionAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...