"Wow, iba ka talaga. Nako baka masanay ako niyan ah! Baka mag sisi ka, ikaw din."
Sa sinabi ni leo ay lalong lumawak ang ngiti ni jomar. Umupo narin siya sa tabi ni leo at inilapag ang pagkain sa mesa.
"Ayos lang, basta ikaw. Handa kong gawin ang lahat, kahit habang buhay pa kita alagaan."
Nabigla si leo sa sinabi ni jomar, hindi siya makapag salita. Hindi naman siya manhid para hindi mabatid ang sinabi jomar lalo na ang mga pinapakitang pag aaruga at pag turing sa kanya nito.
Natigilan sandali si leo ngunit ng maka bawi na siya ay tumawa nalang siya para mawala ang awkward feelings sa pagitan nila. "hahaha ano ka ba, hindi mo naman kailangang gawin to, ang laki laki ko na Isa pa imbis inuubos mo ang oras mo sa akin mag hanap ka na ng girl friend para di nasasayang ang oras mo." sabay subo ng lugaw sa mangko, ngunit dahil hindi pa siya malakas at nanginginig pa ang kanyang mga kamay dala ng hindi pa siya gaanong magaling hindi pumasok sa bibig niya ang pagkain.
Bagkus dumiretso ito sa kanyang ilong. Hiyang hiya siya sa itsura niya ngayon dahil kakasabi niya lang na kaya niya na.
Dali daling lumapit si jomar sa kanya at pinunasan ang pagkain na napunta sa kanyang ilong gamit ang hinlalaki nito.
"Hindi naman nasasayang ang oras ko, dahil ang taong inaalagaan ko at pinag lalaanan ko ng oras ay ang taong gusto ko." sagot ni jomar habang magka lapit ang kanilang mukha dahil sa pag pupunas ni jomar sa kanyang ilong.
Tila na estatwa si leo sa kanyang narinig mula kay jomar. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
Nag salubong ang kanilang mga mata, puno ng pagibig ang mga mata ni jomar samatalang si leo naman ay bakas parin ang pagkagulat at pag katulala.
"Gust..."
"Uhummnn... Uhummmm..." sa tagpong iyon ay tuluyang pumasok ng kusina si aljohn. Dahilan para mapatigil si jomar sa kanyang balak gawin at sabihin.Sa totoo lang, kanina pa siya nakikinig sa dalawa, at dumating lang talaga sa punto na hindi niya hahayaang mangyari ang balak gawin ng isa kayat nag pasya siyang guluhin ito.
"Bakit ang aga mo dito?, daig mo pa ang umaakyat ng ligaw ah!" may inis na tanong ni aljohn. Hindi nalang kumibo si jomar dahil ganun na nga ang ginagawa niya at isa pa hindi niya lugar ito kaya pinili nalang nitong tumahimik.
Sa totoo lang gusto niya na itong sipain palabas ng bahay nila kung hindi lang talaga dahil kay leo.
Nangako kasi siya sa kanyang sarili na hindi niya na uulitin ang mga pagkaka maling ginawa niya dito.
"Nag dala po siya ng pagkain kuya, sakto gutom na din po kasi ako."
Pag didipensa ni leo kay jonar.Lalong nainis si aljohn ng dipensahan pa ni leo ang bantay salakay na ito.
Ayaw na niyang makipag talo pa sa harap ni leo, lumapit siya sa lamesa at umupo siya sa pagitan ng dalawa. "Umusog ka nga doon!" utos niya kay jomar.
Kinuha niya ang mangko at sumandok ng lugaw gamit ang kutsara at saka itinapat sa bibig ni leo.
"ahhhh, kain na dali" lalong hindi nakapag isip ng maayos si leo, hindi pa siya nakaka get over sa mga sinabi ni jomar kanina, ngayon naman ay hindi niya maintindihan ang trato sa kanya ni aljohn.Ngayon lang ito naging ganito sa kanya dahil sanay siyang puro pahirap at pang iinis ang ginagawa nito sa kanya.
Tila naging sunud sunuran siya kay aljohn, ibinuka niya ang kanyang bibig at tinangap ang pagkain.
Hindi niya mapigilang tingnan sa mata si aljohn, gusto niyang makumpirma kung totoo ang pinapakita nito sa kanya.
Ngunit tila gusto niyang pag sisihan ang pag tingin sa mga mata nito, dahil hindi na niya maalis ang kanyang mga titig.
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanfictionAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...