Episode 21 { Drowned }

222 12 1
                                    

"H'hindi ayos lang, o'oo kumakain ako kanina pero tapos na, hindi lang ako naka inom ng tubig" pag dadahilan ko pagkatapos kong inumin ang tubig na binigay niya.

"Ano? Ayos ka na ba? Tara na"

At sabay sabay na kaming nag tungo ng ilog.

Naging masaya ang araw ko dahil sa kanila, may mga baon ding pagkain si jomar kaya para narin kaming nag piknick, nag ihaw din kami ng mga isda na nahuli namin kaya busog na busog ako, parang nakalimutan ko ang mundo habang nangingisda kami.

Ang mga bata naman ay palaban din madami nadin silang nahuhuli at ang saya saya lang. matapos kaming kumain ay naligo kaming lima sa ilog at nag laro ng taya tayaan.

Ako ang laging natataya dahil  mga halimaw pala ng tubig ang mga ito kung lumangoy, pagod na pagod na ako sa kaka habol sa kanila dahil ang bibilis nilang lumangoy, ang layo na nila saakin at nasa gitna na kami ng ilog sa pag hahabulan.

Marunong naman kasi akong lumangoy kahit papaano kaya hindi ako takot lumangoy kahit sa malalim.

Pinupuntirya ko si megs dahil siya ang medyo mabagal sa kanilang apat ng biglang mag cramps ang binti ko at napa sigaw ako sa sakit, hindi ko maipadyak ang paa ko.

"aaahhhh..... Tulong.. Jomar.." sigaw ko, dali daling lumangoy palapit saakin si jomar ngunit napaka layo nila saakin kaya bago pa siya nakarating ay nawalan na ako ng malay at pumailalim na sa tubig.

--
Aljohn's POV

Mabuti nalang at maaga kong natapos ang mga kailangan ko para makablik sa trabaho kaya saktong alas dose ay naka uwi na ako, pero wala ang mahal ko.

Tsinek ko sa likod ng bahay wala rin kaya nag tanong ako sa kapit bahay baka alam nila kung saan nag punta si leo para mapuntahan ko.

Naabutan kong nangunguha ng sili si aling naneth sa bakuran niya kaya lumapit ako at nag tanong.

"ah si leo ayun kasama nila jomar at nung tatlong bata may dalang pamingwit patungong ilog, ay eh kumusta pala ang pagbabalik serb......" hindi ko na pinatapos si aling naneth at nag madali na akong tumakbo papuntang ilog dahil bigla akong kinabahan.

" oy... Barok, aljohn...ay eh mag iingat ka dahan dahan lang." sigaw ni aling naneth mula sa kanilang bakuran pero hindi ko na siya nilingon pa at dirediretso ako sa ilog.

Pagkarating ko sa ilog ay tanaw ko sa di kalayuan sila jomar at ang mga bata, tumatakbo habang kalong kalong no jomar ang mahal ko sa kanyang braso paahon ng tubig at inihiga sa pilapil.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero isa lang ang sigurado ako, may masamang nangyari sa mahal ko.

Tumakbo ako ng napaka bilis patungo sabkanila, umiiyak na ang mga bata "kuya leo, gumising ka, kuya leo" ani ng mga bata.

Nag unahan ang mga luha ko sa pag tulo habang papalapit ako sa kanila, hindi pwedeng mangyari ang kinatatakutan ko, wag naman sana, hinde.

"ANO'NG NANGYARE? BAKIT WALANG MALAY SI LEO!!!?"  galit na sigaw ko sa kanila.

Pero hindi ako pinansin ng hayon na  bantay salakay at pinapump ang dibdib ni leo at akmang i mamouth to mouth ni si leo ng itulak ko siya papalayo.

Pinump ko ang dibdib ni leo, isa, dalawa, tatlo tuloy tuloy lang ang mga luha ko saka ko siya sinalinan ng hangin mula sa bibig at muling pinump ang kanyang dibdib. Nag vaviolet na ang kulay ni leo, "Leo lumaban ka, wag mo akong iiwan... Please.!!"

Tuloy parin ang pag bibigay ko sa kanya ng CPR peeo hindi parin siya nagkakamalay o nag luluwa ng tubig na nainom.  "l'leo...wag namang g'ganito oh... Please..h'hindi ko kaya leo.. Hindi ko kakayanin... Mahal ko........"

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon