Episode 10 { si jomar }

249 14 0
                                    

Alas kwatro ng hapon ay dumating si nanay para pumalit sa pag babantay at ako naman ay uuwi na para makapag pahinga.

_______

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nag lakad lakad muna ako sa bakuran ng may napadaan na grupo ng mga mag sasaka. Binati ko sila ng magandang umaga, at kinausap naman nila ako. Nakilala ko si mang Dante at kinumpirma kung ako daw ba ang bagong salta sa lugar nila.

Napag alaman ko na ang mga taong kasama niya ay mga ka baryo na  binabayaran niya para mag ani ng mais sa kanyang bukid, nag babayad siya ng 350 pesos para sa isang buong araw ng pag aani ng mais may libre nadin na pakain. Kung sabagay pwede na madami ng mabibili ang tatlong daang piso dito dahil hindi naman lahat ay binibili dito sa probinsiya.

Minungkahe ko kay mang dante baka pwede akong sumama dahil kailangan ko rin ng pera at magiliw naman niya akong pinayagan.

Kayat tuwang tuwa ako nagmadali ako sa loob ng bahay at nag palit ng pwedeng ipang bukid na damit. Nag iwan nalang ako ng sulat kina nanay at tatay dahil wala pa sila sa bahay noong mga oras na iyon.

Malawak ang taniman ni mang dante sa tantsa ko mga isang linggo itong aanihin. Masayang kasama ang mga ka trabaho ko, nandoon din sila potpot, ronron at megs, makiki ani din sila kasama ng mga magulang nila, dahil sa mga bata pa sila ay 150 lang ang araw nila dahil hindi pa naman sila ganoon kabilis mag ani.

Sabay sabay kaming nananghalian, nakilala ko si jomar bente kwatro anyos din, mas matangkad siya saakin ng di hamak, at mas malaki din ang katawan gawa ng batak sa gawain. Siya ang komedyante sa grupo, matangkad, may matangos na ilong, bilugang mga mata, maganda din ang mga labi niya, kissable kumbaga, moreno ang kulay dahil narin siguro sa bilad din siya lagi sa araw. In short gwapong purong pilipino.

Napag alaman ko na may lupain din siya at may mga taniman din siya ng saging at mais ito kasi ang pangunahing produkto dito. Nakiki ani lang siya sa ibang magbubukid dahil hindi pa sapat ang panahon ng mga tanim niya para anihin though malawak din naman ang taniman niya kulang kulang 10 ektarya din daw iyon.

Kung tutuusin ay halos lahat naman sila dito ay may mga taniman din, sadyang nakiki ani lang sila sa kabaryo nila na mag aani na ng pananim. Sa ganoon daw umiikot ang kalakaran ng trabaho dito, ngayon ikaw ang mag papa ani, sa susunod ikaw naman ang makiki ani.

Wala na palang mga magulang itong si jomar, nag iisa lang siya sa buhay. Single din, naghiwalay daw sila ng girl friend niya dahil nag loko yung babae,isang taon na ang nakaka lipas.

Ang dami niyang kwento saaken, siya din ang nag turo saakin kung paano mag ani ng mais. Una ay babaliin mo ang bunga mula sa katawan at itatapon mula sa pundok ng inipon na bunga, saka aapakan ang puno para mabali ang katawan ng mais at matumba.

Mabilis kong natutunan ang tinuro niya saakin dahil masaya siyang kasama, at sobrang nag enjoy ako sa trabaho namin, hindi ko nga namalayan ay alas kwatro na, ibig sabihin tapos na ang oras ng trabaho.

Iniabot na saamin ang sahod namin, at sobrang tuwa ko dahil ito ang unang pera na kinita ko dito sa lugar na ito. Although may pera pa naman ako sa bag, dahil mula ng umalis ako sa manila ay dalawang libo palang ang bawas sa sampung libo ko.

Ayaw ko lang dumating ang araw na kailanganin ko ng pera at wala akong mailabas ni singkong duling. Kailangan handa ako lagi.

Tuwang tuwa din ang tatlong bata, iipunin daw nila ang pera na sinahod nila para sa mga gamit na kailangan nila sa susunod na pasukan.

Hindi ko alam kung ano ang meron ako para maging sobrang clingy ng mga batang ito saakin dahil hawak hawak nila megs at potpot ang magkabilang kamay ko si ronron naman ay naka yakap sa aking bewang.

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon