Lumabas si claire sa pinto na nag kukusot ng mga mata, mukhang bagong gising naman at mukhang wala naman siyang narinig sa pinag uusapan namin ni jomar. Haaayyss.. salamat.
"Claire... Good morning. Kain na, sabay sabay na tayo. Umalis sila nanay at tatay eh, si kuya naman pumasok na." Wika ko.
"Ah ganon ba, cge asikasuhin ko muna si jc paliguan ko muna, aalis na din kasi kami eh. Tumawag kasi si dad hinahanap kami kaya kailangan na namin bumalik. Mauna na muna kayong kumain". Paliwanag ni claire.
"Ahh... Cge. Pero kumain muna kayo bago umalis ah, para naman di kayo gutumin sa daan" kako at tumango naman siya bilang sagot.
Tinapos na namin ni jomar ang pagkain namin at nag yaya siya na pumunta sa bahay niya tignan ko daw yung gawa sa bahay niya kasi pina gawa niya yung mga parte na medyo luma na at pina renovate ang ilan. Masaya ako para sa kanya dahil sa mga decisions niya na pang long term talaga. Well going back tapos na daw kasi niya mapagawa yung bahay kaya gusto daw niya na ako yung mag inspect if okay daw saaken. Nag paalam naman kami kay nanay minda at pinayagan naman ako, bastat balik daw ako ng tanghali at ng maka kain.
Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang tanungin si jomar "Bakit naman saakin mo i papa check kung okay yung pagkaka ayos ng bahay mo, eh hindi naman ako ang naka tira doon?"
"Siempre mahalaga saaking an opinion mo" matipid niyang sagot. Sa mga oras na yon medyo na tahimik ako saglit. Sa mahigit anim na bwan na kilala ko siya, hindi naman ako sobrang manhid para hindi ko maramdaman ang ibig sabihin ng treatment niya saaken, bagay na hindi naman niya ginagawa sa ibang tao. Napatunayan ko lang yan noong oras na nasa ospital ako at kung paanong halos makipag patayan siya kay kuya wag lang ako makita nito. Magijng si kuya din ay galit sa kanya dahil sa bagay na ito, batid din naman kasi niya ang pag tingin saakin ni jomar.
Ang hirap kasi ipag sa walang bahala ng isang mabuting kaibigan na gaya jomar, kaya kahit halos ipag nuknukan saakin ni kuya na wag ko kausapin si jomar ay hindi niya maipagawa saakin kasi ako din naman ang nananalo pagkatapos naming pag talunan dahil, wala namang dahilan para saakin na iwasan ko si jomar, lalo na't napaka laki ng utang naloob ko sa kanya, isa pa hindi naman masama na maging kaibigan ko siya.
Hindi naman masyadong malayo ang bahay niya mula sa bahay nila kuya, mga 10-15 minutes lang naman na lakad. Habang magka sabay kaming nag lalkakad ay hindi ko maiwasang pag masdan ang mukha niya na nababakas ang saya. may maliliit na ngiti na gumuguhit sa kanyang maaliwalas na mukha. Binalewala ko nalang yon, ayaw ko ng gawing malaking bagay yun, at baka kung saan lang mapunta ang usaapan namin. Maka lipas ang ilang minuto ay narating na namin ang gate ng bahay niya. Nagulat ako dahil napa ka laki ng pinag bago.
yung gate nila na luma, ang ganda na ngayon, pang mayaman, kulay Puti at mataas. Binuksan niya na nga ang gate at lalo pa akong na mangha dahil pati yung bahay ang laki din ng pinag bago, namamayani ang kulay puti at grey na pintura ng bahay may ilang brown at grey lalo na sa mga poste at pader. Kaya pala hindi ko masyadong nakikita si gago nityong nakaraang linggo ito pala ang pinag kaka abalahan. " Im proud of you"
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanficAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...