Ng maka labas si nanay minda ay inilapit ko ang upuan ko kay kuya aljohn.
Sinilayan ang kanyang mukha, ngumiti ako sa kanya.
"Hi kuya ako po uli si leo, naka tira po ako sa bahay niyo ngayon at kwarto mo mo din ang ginagamit ko." medyo nahihiya kong sambit, gusto ko siyang kwentuhan ngunit tila may pumipigil sa kagustuhan kong iyon dahil baka kung ano pang mga hindi dapat ang maikwento ko sa kanya. "ang chickboy mo pala no?" out of nowhere kong nasabi, hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang sasabihin kaya kinuha ko muli ang planganita. Nilagyan uli ng tubig at kumuha ng face towel para ipamunas sa braso at mukha ni kuya aljohn.
Una kong pinahidan ng face towel ang leeg ni kuya aljohn. "gumising ka na kuya aljohn, mis na mis ka na ng mga magulang mo. Alam mo naiingit ako sayo kasi ang sweet ng mga magulang mo, napaka maalaga nila, kahit ako na bagong salta lang, ang laki ko na pero inaasikaso parin nila ako na parang bata at para nilang totoong anak."
"alam mo ba?. Pinahiram sakin ni nanay minda ung mga damit mo na pang bahay pati ung...pati ung mga b..brief mo hehheh." hiyang hiya na ako sa kanya. Pero bahala na ayoko naman na maiwan lang dito sa ospital na walang ginagawa. Tsaka isa pa tulog naman siya eh. Kaya kung sakali man hindi naman siya magagalit at hindi niya ako masasapak.
Inilipat ko pa ang pag pupunas ko sa kanyang mukha. Ang gwapo talaga ni kuya sa malapitan. Ang mga labi niyang medyo may kaputlaan ay tila nang hihikayat na mahalikan.
Ang mga mata naman niya ay napaka payapa ay napaka sarap lang pag masdan, mahahaba ang kanyang pilik mata na bumabagay sa matangos niyang ilong na lalong nag pa gwapo sa kanya.
"alam mo kuya aljohn kung kapatid lang kita, hindi ako papayag na mag asawa ka. Lagi akong didikit sayo, Kasi tiyak na mag seselos ako" okay. hindi na tama ang pinag sasabi ko, i'm now crossing the line. Pano naman kasi ang pogi naman kasi nito ni kuya aljohn. Nahiya nalang ako sa aking sarili. Kalalake kong tao ngunit ganito ang pinag sasabi ko.
Though hindi halata sa kilos at pananalita ko ang tunay kong kas0arian. Pero hindi parin tama ang kung ano man ang nasa isip ko. Erase. Erase. Erase.
Inilipat kong muli ang towel sa kanyang braso upang ipag patuloy ang pag pupunas. Tila tinatraydor talaga akong aking katawan, tila may nag uudyok na hawakan ko ang kanyang mga kamay.
Tumingin muna ako sa pinto baka may biglang pumasok.
Clear, wala naman. Panakaw ko na hinawakan ang kanyang kamay, ngunit hindi ako nag tagumpay sa gusto kong gawin dahil sa hindi ko maintindihan na dahilan nakuryente ako sa kamay ni kuya literal, sapat na dahilan para magulat ako.
Tila tumigil sandali ang mundo ko, mahimbing parin ang tulog ni kuya aljohn.
Bakit may ganon?, ano yon? Takang pag tatanong ko sa aking sarili.
Napatingin ako sa kamay ni kuya aljohn. Dahan dahang gumalaw ang kanyang hinlalaki, kasunod ng iba pa niyang mga daliri.
Gulat na gulat ako sa mga pangyayari, at hindi ko na alam ang aking gagawin. Tiningnan ko ang kanyang mukha, at mas lalong bumakas sa aking mukha ang labis na pag ka gulat ng makita kong naka mulat ang kanyang mga naniningkit na mata at naka tingin saaken.
"k..ku.ya aljohn? g..g.isingka na?"
Utal kong sambit dahil sa matinding pag kagulat." si.sino k ka? A.ang na.nanay. tat tatay?" pautal utal niya bigkas.
"si..si nanay minda namili lang saglit sa gro..grocery, si tatay alfred naman ka..kauwi lang kasi pinakain ung mga hayop". Mabilis kong sagot sa kanya ng may galak at pagka taranta sa aking boses.
Para na akong maiiyak sa labis na tuwa, dahil sa wakas ay gising na si kuya. Teka ano nga ba ang dapat kong gawin?.
Ah doktor, tama kailangang tawagin ang doctor.
"kuya saglit lang, tatawagin ko lang ang doctor hah? Teteka lang?" at dali dali ay pumunta ako sa lobby upang mag pa assis para ma check ang pasyente namin.
Sakto naman na kakapasok lang ng Hospital Lobby ng nanay habang nag hahanap ng available na doctor ang mga nurse.
"anak anong problema, bat nandito ka? anong nangyare?" pati si nanay ay nataranta nadin ng makita niyang dali daling pumasok ang doctor at mga nurse sa loob ng kwarto ni kuya.
"Nay si k'kuya gising na po, gising na po si kuya. " ubod ng galak kong pag babalita kay nanay minda.
"talaga anak?, nako jusko, salamat po"
Labis na pag papasalamat ni nanay minda sa balita. "Halika anak". Dali dali ay hinila ako ni nanay minda. Akala ko ay pupuntahan agad namin ang kwarto ni kuya dahil sa tuwa niya na nagising na ang kuya aljohn ngunit hindi.Habang nag lalakad kami ni nanay ay tumigil muna siya sandali sa hallway at dinukot ang kanyang telepono sa kanyang bulsa, dinial ito upang ipag bigay alam kay tatay alfred ang magandang balita. Mula sa aking kinatatayuan ay rinig ko ang labis na tuwa ng kausap ni nanay sa kabilang linya.
Dinala ako ni nanay minda sa kapilya ng ospital. Lumuhod siya sa gitna ng kapilya habang patuloy ang pag agos ng kanyang masagang luha. Tears of joy. Naka tingala si nanay sa imahe ni mama mary habang naka luhod. Labis ang kanyang pag papasalamat na ginawa.
Habang pinapanood ko si nanay mula sa likuran ay hindi ko mapigilan na matunaw ang aking puso dahil sa kanyang ginawa. Tumulo din ang aking luha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, habang naka ngiti.
Napaka dakila ng ina ni kuya aljohn. Gusto kong damayan si nanay kayat lumuhod din ako sa bandang likod ni nanay habang naka tingin parin ako sa kanya.
Hindi ko nanaman maiwasang maingit kay kuya aljohn. Napaka palad niya. Siguro naging napaka buting tao ni kuya sa nakaraang buhay niya para magkaroon siya ng mga ganitong magulang.
Tuloy padin sa pag papasalamat si nanay sa altar hinayaan ko nalang siya na ipabatid ang kanyang pasasalamat. Nag kasya nalang ako sa panonood sa kanya habang naka luhod padin at may ngiti sa labi.
Matapos kaming mag dasal at mag pasalamat ni nanay minda ay tinungo na namin ang kwarto ni kuya aljohn.
Doon ay naabutan namin na tulog muli si kuya aljohn. Ngunit ibinalita ng doctor na maayos naman ang kondisyon ni kuya aljohn kailangan lang daw ng pahinga at mga ilang oras lang ay gigising daw muli ito.
Pinag bigay alam ng doctor ang mga dapat at hindi dapat para kay kuya. Pati nadin ang mga gamot na kailangang inumin.
Nag pasalamat din ng sobra sobra ang nanay sa doctor na nag asikaso kay kuya aljohn.
Hindi pa man nakaka labas ang doctor sa kwarto ay agad agad na lumapit si nanay sa kama ni kuya.
Nangingiti nalang kami ng doctor sa ginagawa ng nanay dahil alam ni nanay na hindi muna pwedeng maistorbo sa pag papahinga si kuya kayat ano man ang porma na gawin niya para mayakap ang anak at mahawakan ay hindi niya magawa.
Sa huli ay nakuntento nalang si nanay sa pag haplos sa buhok ng anak.
Dumating na din si tatay alfred ngunit sa sobrang ingat ni nanay minda na wag maistorbo si kuya sa pag papahinga kahit ako ang mas malapit kay tatay ay nauna pa siya saakin na paalalahanan si tatay na wag maingay at mag dahan dahan.
Nakuntento nalang ang nanay at tatay na maupo sa magkabilang gilid ng higaan ni kuya para bantayan hanggang sa magising.
Natatawa nalang ako minsan dahil kung bantayan nila si kuya ay tila kahit lamok ay hindi makaka dapo.
______________________________________
Thank you po sa mga matiyagang nag basa ng work ko.
Nakikita ko na may ilan na akong readers and its enough for me to be motivated para mag patuloy sa pag susulat.
-Please hit the vote button and leave your comments below.
#AntonNation14
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanfictionAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...