Episode 12 { Heart Beats }

228 12 0
                                    

"Gutom na ako eh, ikaw nalang, bilisan mo na"

Kakaiba ang mood ngayon ng supaldong to ah, bigla ay pumayag na ako ang magpa kain sa kanya. Ano kaya ang nakain nito.

"Bilisan mo, ang bagal"

"Teka lang", ayos mag utos ah, parang may alila.

Hinanda ko na ang pagkain sa plato niya nilagyan ko din ng kutsara at tinidor saka umupo malapit sa kanyang higaan.

Naka tingin lang siya saakin habang sinusubuan ko siya ng pagkain.

Walang gustong umimik. Tuloy tuloy lang ang kain niya. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil ayokong mag salubong ang tingin namin ramdam ko kasing hindi pa niya inaalis ang titig saakin.

---------
Aljohn's POV.

Hindi ko din maintindihan kung bakit ako naiinis sa ampon nila nanay at tatay. Umiinit ang dugo ko kapag nakikita kong masaya silang nag kukwentuhan ng mga magulang ko at kapag nag uusap sila tungkol sa mga dapat gawin sa araw araw.

Sobra din kung mag alala ang mga magulang ko sa kanya lalo na nung nadisgrasya daw ang kanyang tuhod.

Sa totoo lang nakonsensiya ako noong araw na sinabihan ko siya ng masakit na salita. Ma pride kasi talagang akong tao at hindi ko ibaba iyon ng dahil lang sa kanya.

Pero hindi ako napaka kali mula ng araw na sinabi niya saakin na aalis siya kapag magaling na ako. Nung sinabi niya yun sakin, tila may kumurot sa aking puso matapos ang usapan namin kaya nag panggap nalang akong tulog.

Akala ko nga ay darating parin siya kinabukasan para mag bantay saakin pero hindi siya sumama, nalaman ko na naki buras pala siya ng mais. Nakonsensiya ako lalo dahil alam kong ako ang nag tulak sa kanya para gawin ang bagay na iyon.

Nalaman ko rin mula kina tatay at nanay na marami na pala siyang kaibigan mula sa grupo ng mga mag sasaka maging mga bata sa lugar namin.

Maging ang pagkakaibigan nila ni jomar ay hindi din naka ligtas sa mga bagay na nalaman ko. Araw araw daw kung maka dalaw sa bahay para linisan ang sugat ni leo. Ano un nag liligawan sila?

Ng mabalitaan ko nga kay nanay na isasama daw si leo ng tatay para mag bantay saakin ngayong gabi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, tila natuwa ako sa balitang iyon.

Ng maka alis si nanay ay nag tulog tulugan muna ako hanggang sa marinig ko na pumasok na pumasok na sila tatay at leo. Matiyaga akong nag hintay na lumabas si tatay dahil may ipapa gawa ako kay leo.

Ng maka labas na nga si tatay at naiwan si leo sa loob ng kwarto saka ko idinilat ang mga mata ko.

Abala si leo sa pag aayos ng mga gamit na dala nila sa lamesa.

Sinabi ko na nagugutom ako, ngunit balak niyang tawagin si tatay bagay na ayaw kong gawin niya dahil sinadya ko talagang ganito ang mangyari.

Sa huli ay napilit ko siyang siya ang magpa kain saakin, though kaya ko naman na talaga kumain ng mag isa, pag titripan ko lang naman siya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita ng malapitan.

Habang pinapakain niya ako ay naka titig lang ako sa kanya, pansin ko na ilang siya saakin dahil hindi niya ako tinitingnan sa mata, sinusubukan kong basahin ang iniisip niya. Napaka cold ng treatment niya saaken at sa totoo lang ay hindi ako sanay.

Noong mga unang araw kasi na sumasama siya para mag bantay saakin ay nagagawa niyang mag kwento ng mga bagay tungkol sa buhay niya sa lugar nila, tungkol sa mga magulang ko kahit pinapakita ko sa kanya na hindi ako interesadong makinig sa mga kwento niya, at hindi ko naman siya masisisi ngayon kung nag bago siya, kasalanan ko din naman kasi.

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon