Someone's POV.
Sabado ng umaga, kakatapos lang ng shift ni Leo at tumungo na siya agad sa office ng Floor Manager niya para i abot ang resignation letter. Nakausap narin niya ang TL niya tungkol dito at hindi nga sana ito payag ngunit sadyang nakapag pasya na si Leo at ito na talaga ang gusto niyang gawin. Maging ang kanyang mga ka trabaho ay lubhang na lungkot sa kanyang pasya.
Floor Manager's Office<
Kumatok ng tatlong beses si leo upang humingi ng pahintulot sa pag pasok, although transparent naman ang fiber glass ng office nito formalities lang kumbaga.
"Come in" boses mula sa loob ng opisina ng taong pakay niya.
Binuksan ko na ang pinto at natanaw ko agad si sir Dhauglas sa kanyang table prenteng naka upo at naka harap sa kanyang computer.
"Good morning sir" bati ko."o leo?, napunta ka dito, anong sadya mo?. Tanong ni sir dhauglas, humarap muna siya sandali at ngumiti saka bumalik sa kanyang computer.
Umupo muna ako sa bench sa harap ng table niya at saka inabot sa table niya ang resignation.
"Ano to?" tanong niya.
"Re..Resignation letter p'po sir" utal kong bigkas sa kaba ko at hiya nadin.
"Hindi ko tatanggapin yan. Ano bang nakain mo, at bigla bigla e naisipan mong mag resign?" tanong ni sir dhauglas ng hindi binabasa ang resignation letter na iniabot ko.
This time nahihiya na ako kasi naiisip ko na parang ang immature ko at napaka unreasonable para umalis dahil lang sa feeling ko may kulang sa buhay ko na kailangan kong hanapin iyon.
"i'm really sorry sir, pakiramdam ko po kasi may malaking parte ng buhay ko ang kulang, at kailangan ko po iyong hanapin. Para din po magampanan ko ng mas maayos ang mga responsibilidad ko, napag isipan ko na din po ito, at sigurado na po ako".
"sigurado ka na ba talaga jan?, kasi sayang naman ang trabaho mo, isa ka pa naman sa mga magagaling na ahente ko"
"opo sir" maikli at sigurado kong sagot.
" sige ganito nalang, cge.. Papayagan kitang umalis pero kung gusto mo na ulit bumalik sa trabaho i assure you na may babalikan ka pa, in short employee parin kita. Sabihan mo ako agad kapag babalik ka na hah?. ikaw talagang bata ka!"
"Nako maraming salamat po sir, cge po pag nakapag desisyon na po akong bumalik sasabihan ko po agad kayo, maraming salamat po talaga sir" sobra talaga ang pasasalamat ko sa boss kong ito, sobrang bait, sa edad niyang 45 ay para lang siyang nasa early 40's may matikas na pangangatawan, may gwapong mukha na binagayan ng kanyang morenong kulay.
Para ko na siyang ama dito sa trabaho ko. Kinakausap kami kapag may mga pagkakataon na nahihirapan sa trabaho at mag bibigay sa techniques at ideas kung paano i hahandle ang mga bagay na hirap kami. Kahit sa personal ng bagay nag bibigay din siya ng mga payo. mapa buhay pag ibig man, sa pamilya at sa buhay. Pero ewan ko lang at di niya ma apply sa sarili niya, kase hanggang ngayon wala pang asawa, at pa iba iba ng girlfriend. Buhay binata kung baga. Any way going back to our conversation.
"Ano ka ba, para kang iba, eh para na kitang anak eh. At sa ilang taong nag trabaho ka dito napalapit ka na saken, kayo ng mga ka team mo. Cge next week after ng cut off, you may take your long long leave na, at balik ka kung kelan mo gusto. Basta lagi kang mag iingat, Oo nga pala eh saan ka ba pupunta?
Kinwento ko kay sir dhauglas ang lahat ng plano ko na gusto kong pumunta sa malayong lugar, ung malayo sa syudad. Basta sasakay ako ng Bus at bahala na kung saan ako mapunta, at kapag alam kong malayong malayo na ako, doon na ako titigil at eventually doon na ako maninirahan ng mga 1 taon, yun lang naman talaga ang plano ko isang taon lang na break sa nakaka stress na routine ko.
Natapos ang araw na napa payag ko si sir dhauglas sa plano ko, nakapag paalam na ako sa mga ka team ko and may 1 week nalang ako dito para mag stay sa trabaho, sa pamilya ko naman sa una may pag pigil ang tatay ko dahil sa dalawang beses nalang daw ako kung umuwi sa bahay sa loob ng isang buwan tapos ng dahil sa desisyon kong lumayo, matatagalan pa lalo bago niya ako makita, siguro dahil bunso niya akong anak kaya ganon nalang niya ako pigilan. Pero eventually napa payag ko din naman siya, umiyak pa talaga siya, nako tong tatay ko talaga, mamimis ko siya pero ayos lang may video call naman kaya mag kikita pa naman kami kahit papano, kahit virtual lang.
Ang ate jessa naman ay nag bigay nalang ng mga payo at mga dapat tandaan.
Kung tutuusin, okay naman ang buhay ko eh, stable na dahil napagawa ko na ung bahay namin, ngayon natitirhan na ng tatay at ate ko. May tindahan din iyon para sa extra income nila, at may ipon na din ako sa bangko para sa future needs ko, alam kong hindi pa iyon ganon kalaki pero napag isip isip ko 1 year lang naman ako mawawala at sa pag alis ko hindi naman ako mag dadala ng malaking halaga mga 10k lang. Maliit lang iyon na kabawasan sa ipon ko at bukod doon hindi ko na iyon gagalawin bagkus ay dadagdagan ko pa after 1 year pag naka balik na ako ulet sa trabaho.
Ang plano ko kase pag nakarating na ako sa titigilan ko, doon na ako hahanap ng paraan para sa ika bubuhay at survival ko.
Complicated diba at mahirap kung iisipin, pero un talaga ang gusto ko.
Gusto kong tumayo at mabuhay sa sarili kong paraan at gusto ko ng mga survival chalenge. Excited na ako.
"Place from far away, i'm coming".
______________________________________
Hi guys, thank you sa mga nag basa, Paka abangan po natin ang journey ni Leonardo Angeles. Marami po tayong masasaya, exciting at madibdibang ganap na dapat abangan.
Please hit the vote button, and leave your comments below po.
Thank you!
AntonNation14.
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanfictionAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...