Episode 3 { Unang Halik }

356 13 0
                                    


Leo's POV.

Tila napaka bagal ng isang linggo para saakin ngayon. Nasasabik na ako sa aking pag alis. Napaka dami ng pumapasok na bagay sa isip ko, mga bagay na nasasabik akong gawin sa nalalapit na pag iisa ko sa malayong lugar.

Sana ay maging maayos lang ang pag babakasyon ko doon kung saan man ako mapadpad.

Excited na excited na talaga ako, basta mag papaka saya lang ako doon at nanamnamin ko ang kalayaan ko habang naroon ako. Live your life to the fullest kumbaga.

Araw ng sabado sa unang linggo ng buwan ng marso at last day ko na sa trabaho ko at napag ka sunduan namin na mag "Team Breakfast" bago daw ako umalis dahil mamimis daw nila ako.

Napag pasyahan namin na kumain sa may bubuyog na pula, walking Distance lang naman mula sa site kaya dito napag kasunduan ng team pumunta.

Niyaya nila si sir dhauglas pero hindi daw siya makaka sama dahil may pineprepare siyang presentation for the client. At nagpadala nalang ng cash dahil sagot niya na daw ang foods ng team. Kaya tuwang tuwa ang mga kumag dahil supposed to be KKB (Kanya Kanyang Bayad) ang team breakfast na iyon.

Umorder kami ng sapat lang sa lahat na pagkain, merong brewed coffee, pancakes, para sa mga hindi kumakain ng heavy sa breakfast at most sa mga boys ay nag 2 pcs chicken and 2 rice.

Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko na iiwan ko sila for the mean time para sa sarili kong kapakanan.

Well, ganon naman talaga tumatakbo ang buhay sa mundo, you have to live for your own, and that is how the world works.

Hindi ko na naubos ang chicken and rice ko dahil naka tuon nalang ang tingin ko sa kanilang lahat.

"mamimis ko kayo" malungkot na bulong ko sa sarili ko. Nangingilid na ang luha ko ng mga oras na iyon.

Hindi ko namalayan na naka tingin na pala silang lahat saaken, bakas ang lungkot sa kanilang mga mukha. Maliban sa isa na hindi naka tingin saaken, si TL Christian.

Naka tingin lang si TL sa labas ng bintana bakas din ang lungkot sa kanyang mukha at kurap ng kurap para mapigilan ang luhang nais kumawala mula sa kanyang mala anghel na mata.

Dati pa alam ko, o mas mabuti pang sabihin na ramdam ko na may iba sa mga tingin na binibigay saakin si sir Christian.

Lagi siyang malambing mag salita, ang mga mata niya ay laging may ngiti bukod sa ngiting masisilayan sa mapang akit niyang labi na tila kay sarap halikan. Okay masyado na yata akong nag iimagine pero ano ang magagawa ko eh sa yun ang nararamdaman at nakikita ko eh.

Tila para siyang nililok ng tanyag na iskultor, may matikas na pangangatawan, sa edad na 27 ay para lang siyang mas matanda saakin ng isang taon, ang may maangas na mukha, bagay na kinababaliwan ng mga kababaihan sa buong production area, at kahit sa pantry ay lagi siyang pinag titinginan ng mga babae at maging ng mga binabae.

Pero sino ba naman ako para pangarapin siya?, hindi naman ako ganoon ka sobrang gwapo para pantayan siya para lamang masabi ko na abot kamay ko siya.

Kaya kahit may mga ganon akong nararamdaman ay pinatay ko ang isiping iyon sa isip ko.

Pero bakit sobrang apektado ako ngayon sa emosyon na nakikita ko sa kanya?.

Binalik ko ang atensiyon ko sa mga ka team ko na nag group hug saaken. Yung mga babae umiiyak na pati ang mga binabae, ang mga lalake naman ay kababakasan lang ng lungkot sa kanilang mga mukha. Nakaka overwhelm naman sila, hahahhaha kung makapag drama naman tong mga to parang di na kami mag kikita. Infairnes medyo naluha din ako hehehhe.

Pero naiintindihan ko din naman ang nararamdaman nila, dahil maging ako ay labis din ang lungkot kong nararamdaman. At dahil din siguro naging sobrang close ko sila, dahil marunong naman akong makitungo sa bawat isa kung paano sila pakikisamahan. At minsan nagiging taga payo nila ako kapag may mga problema sila.

Hindi ko mapigilang hagilapin ng tingin si sir christian. Nawala na siya sa kinauupuan niya. Saan kaya nag punta ang taong iyon?

Natapos ang group hug at sa totoo lang ang papangit nilang umiyak. Di ko mapigilan ang matawa ng pagak. At natawa din sila sa isat isa.

Naka ramdam ako ng pagka ihi kayat nag paalam ako sa kanila na gagamit lang ako ng CR.

Pagka pasok ko ng comfort room ay walang tao kayat nag hugas muna ako ng kamay at humarap sa salamin para punasan ang nangingilid kong luha ng magulat ako ng may humatak ng braso ko at dinala ako sa isa sa mga cubicle.

Natataranta na ako dahil sa bilis ng pangyayari. Baka holdapin ako o di kaya ay gilitan ako ng leeg. Nako jusko wag naman po sana, hindi ko pa naeenjoy ang lahat ng pagkain sa mundo. Aalis pa nga ako eh para maenjoy ko ang mga bagay para sa sarili ko ng mag isa huhuhu.....

Ng maipasok ako ng lalake sa loob ng cubicle, oo masasabi kong lalake siya dahil sa lakas niya at sa built ng katawan na makikita mo mula sa likuran niya. Sinandal niya ako sa wall ng comfort room at parang asong pinagutuman ng isang linggo kung papakin ako ng halik sa labi. Sobrang gulat na gulat ako dahilan para hindi ako maka galaw at idilat ang mga mata ko na parang full moon, dahilan para makilala ko kung sino siya.

Si sir Christian. Naka titig parin ako sa kanya habang tila sinasamba niya ako ng halik hanggang mapunta ang mga halik na iyon sa aking leeg at hanggang sa batok ko.

"ummhh, uughhh,, oohhh" mga maririnig na halinghing ni sir christian. Pagkatapos niya sa aking leeg ay bumalik siyang muli sa aking mga labi para pupugin ito ng matatamis niyang halik.

Nais kong mag padala sa sensasyon at sarap ng ginagawa niya saaken.

Bago ang lahat saakin, dahil siya ang unang lalaking umangkin ng aking mga labi.
At hindi ko rin maipag kakaila na pangarap ko rin dati pa na mahalikan ang kanyang matatamis na mga labi at nasama din siya sa mga imahinasyon ko habang pinapa ligaya ko ang aking sarili. Pero hindi ko inakala na darating ang araw na ganito at sa hindi ko pa inaakalang panahon.

Tumagal ng ilang minuto ang posisyon namin bago ako naka balik sa aking sarili at tunulak siya upang mag hiwalay ang aming mga katawan.

Magkatapat kami ngayon, naka harap sa isat isa, nag hihintay ng unang mag sasalita.

______________________________________

Thanks for reading guys, vote naman jan oh, pampagana lang. Hahhaha.

1st novel ko po ito, at sana po ay suportahan din ninyo.




Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon