Chapter 22 ( Broken heart )

211 12 8
                                    

Sobrang saya nila, at ayaw na nilang matapos pa ang ganoong tagpo. Nakatulog ang dalawa na walang saplot sa katawan habang magka yakap.

Ganito ang lagi nilang set up, laging isang kama ang bakante dahil hindi na sila natutulog sa magkahiwalay na kama. Madalas ay sa kama ni leo nakiki higa si aljohn, minsan naman ay doon sila sa kama ni aljohn hindi na rin kasi sila sanay na hindi kayapa ang isat isa pag matutulog.

Ngunit may taong darating na gugulo sa masaya at tahimik nilang pag sasama.

-----

Leo's POV.

Ang aga kong nagising ngayon ang sarap ng pakiramdam ko, pano ba naman kasing hindi gaganda ang simula ng araw mo kung mahal mo at ganito ka gwapo ang magigisnan mong katabi?

Hinalikan ko muna si kuya sa noo saka ako nag pasyang lumabas ng kwarto at mag hilamos.

Pagkarating ko sa lababo ay dinig ko na agad ang tunog ng pag wawalis ni nanay minda sa bakuran. Napaka ulirang ina talaga ni nanay minda at ang bait pa, wala si tatay sa bahay malamang ay nasa ilog iyon nangingisda o kaya ay nag lipat ng talian ng kalabaw.

Nagpasya akong lumabas at tulungan si nanay sa pag aayos ng bakuran dahil wala naman ng ibang gawain dahil halos nagawa na niyang lahat.

"Ako na po diyan inay, mag pahinga na po muna kayo" wika ko sabay kuha sa kanya ng walis.

"Nako ikaw bata ka! Ako na kaya ko na to, ikaw ang mag pahinga at kagagaling mo lang sa ospital. Maupo ka lang jan hayaan mo na akong gawin ito."

"Magaling na po ako nay, hayaan niyo na po ako dito, para naman po may gawin ako."

'"Tao po, nay Minda?"
Boses ng isang magandang babae na pumukaw ng kanilang atensiyon mula sa labas ng bakura.

"C-claire?" gulat na wika ni aling minda.

"A-ako nga po, anjan pu ba si aljohn?" tipid na wika nung claire. Teka sino ba to? Bat niya hinahanap si kuya? Hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa. Maganda siya, maputi, may matangos na ilong, desente manamit, all in all sopistikada ang dating niya medyo nakaka intimidate nga siya tignan eh pero ang pinaka umagaw saakin ng atensiyon ay ang kasama niyang batang lalake mga nasa dalawang taon pero parang nakita ko na siya dati hindi ko lang alam kung saan dahil hindi ko matandaan.

"ah....ay pumasok ka muna iha, tawagin ko lang siya" wika ni inay minda, napapansin ko din na may gulat sa mukha ni nanay minda ng makita niya ang bata pero hanggang ngayon ay hindi ko padin mapag tanto ang lahat.

"Salamat po, Anak she is your lola minda, bless ka dali" turan nung claire sa batang lalake na gumimbal ng mundo ko, kitang kita ko din ang gulat sa mukha ni nanay minda pero unti unti ay gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mukha at iniabot ang kanang kamay para makapag mano ang munting bata.

"manno pu lala" wika ng bata, tila nanigas na ako sa aking kinatatayuan. Para akong nabingi sa lahat ng aking narinig, hindi ko na namalayan na dumaloy na ang luha sa aking mga mata, bat ganon? Hindi pa nag sisync in sa aking ang lahat pero ganito na ang nararamdaman ko? Para akong nalulunod sa gitna ng dagat na di ko tanaw ang hangganan. Nakaka baliw, hindi ko kaya, gusto kong sumigaw pero tila walang boses na lumalabas sa aking bibig, wala akong lakas para gumawa ng ano mang aksyon bukod sa matulala sa aking kinatatayuan. Namalayan ko nalang na mag isa nalang ako sa bakuran at naka pasok na silang lahat sa loob.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumilip mula sa awang ng bintana, tuwang tuwa si nanay minda sa kayang apo, si kuya na bagong gising ay karga karga ang kanyang anak at tuwang tuwa habang kinakabisado ang mukha ng kanyang anak, magka mukhang magka mukha silang dalawa, ang saya nilang lahat at nasa harapan ko ngayon ang larawan ng isang masayang pamilya.

Para akong mababaliw, hindi ko kayang i handle to. Gusto kong lumayo muna sa lugar na ito kahit sandali lang para makapag isip at ayusin ang aking sarili kaya dahan dahan ay nag lakad ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero hinayaan ko nalang na dalhin ako ng aking mga paa kung saan man.

Sa aking pag lalakad ay sa ilog ako dinala ng aking mga paa hindi ko pa napapahid ang aking mga luha dahil patuloy parin naman ang pag daloy nito. Sa gilid ng ilog ay may nakita akong bulaklak ng bogumbilya, nilapitan ko ito at kumuha, infairness ang ganda pala ng bulaklak na ito ngayon ko lang na apreciate. Naalala ko nanaman ang nangyari sa bahay, yung bata kaya pala pamilyar saakin ang mukha niya dahil nakuha niya iyon kay kuya aljohn, at hindi ko kayang magduda dahil napaka klaro ng lahat at hindi na kailangan ng kahit anong paliwanag dahil naiintindihan ko, may anak silang dalawa at siyempre mas kailangan ng bata ng ama at hindi ko kayang maging maka sarili. Ang sakit lang tanggapin, nakaka lunod ng emosyon.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad sa gilid ng pampang. Kapag ganito pala na sobrang nababalot ka ng kalungkutan mas na aapreciate mo pala ang ganda ng paligid, nakaka inggit buti pa ang mga tutubi at paroparo palipad lipad lang walang problema, parang gusto ko nalang mag laho at sumama sa kalikasan.

Patuloy ang pag bagtas ko sa gilid ng pampang. Ang sakit, kumikirot ang dibdib ko, parang humihiwalay din ang kaluluwa ko sa aking katawan sa labis na kalungkutan. Walang hikbi na lumalabas sa aking bibig, ngunit nababakas ito sa aking mga mata na nagiging daanan ng aking masaganang luha.

Na realize ko, walang wala pala ang pang aapi na dulot ni kuya aljohn saakin nung bagong dating palang ako kesa sa sakit na nararamdaman ko ngayon at lalong parang di ko kinakaya dahil naaalala ko ang mga masasayang alala naming dalawa, yung mga pa sikretong halik niya pag namamasyal kaming dalawa, kung paano niya ako alagaan, yung mga pag lalambing niya pag kami lang dalawa.

Sa dulo ng ilog ay nakahanap ako ng payapang lugar, hindi malakas ang daloy ng tubig sa lugar na ito at may magandang tanawin, meron ding mapag papahingahan na hindi napupuntahan ng mga tao, sakto lang ito dahil gusto kong mapag isa medyo tago kasi ang lugar na ito.

Lumipas ang tanghali at mag dadapit hapon na ramdam ko ang gutom dahil hindi pa ako nakakapag agahan pero wala akong ganang kumain at ayaw ko din munang bumalik dahil lalo lang akong masasaktan.

Sa buong mag hapon kong pananatili ay ginugol ko ang aking sarili sa pag iyak at pag babalik alala sa lahat ng nakaraan namin ni kuya.

Gusto kong magalit sa kanya pero di ko kaya, sobra ko siyang mahal at di ko siya kayang sisihin ng dahil sa nakaraan niya.

Tila walang kapaguran ang aking mga mata sa pag luha kahit ramdam ko na ang pananakit nito.

Ilang oras pa ang lumipas at hating gabi na, nanatili lang ako doon hanggang sa dalawin ako ng antok kaya humiga nalang ako sa malamig na buhanginan.

Kinabukasan ay nagising ako sa sobrang liwanag na sumisikat sa aking mukha, tirik na tirik ang araw tila tanghali na pero lamig na lamig ako at ramdam ko ang labis na pang hihina. Hindi sapat ang lakas na meron ako sa aking katawan para kumilos at tumayo kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na mahiga sa buhanginan at muling lamunin ng antok.

Ng muli ako nagising ay nag aagaw na ang dilim at liwanag, kayat ramdam ko ang sobrang lamig at nag sisimula ng manginig ang aking katawan, dahil narin sa sobrang taas ng lagnat ko at ramdam ko narin ang sobrang gutom.

Muli nanamang dumaloy sa aking mga mata ang masagang luha, pakiramdam ko ay hanggang dito nalang ako dahil sa nabibingi na ako at parang bumibigay na ang aking katawan. Pero kung ganon nga sana hindi magalit saakin si kuya at ayokong sisihin niya ang sarili niya sa aking pagka wala dahil kahit nasaktan man ako gusto ko kahit mawala man ako ay maging masaya parin siya at magpatuloy sa buhay at si jomar sana mahanap na niya ang taong makakapag pasaya sa kanya na makakapag sukli sa kanya ng sobra pa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay.
Napapangiti nalang ako habang lumuluha ang aking naniningkit na mga mata.

Nasa pag babalik tanaw ako ng mga alala at kahilingan ng may marinig akong boses sa di kalayuan. Hindi klaro sa aking pandinig kung kaninong boses iyon dahil sa tila huminto nadin ang aking pandinig hanggang sa mawalan na ako ng ulirat.

____________________________________

Thank you for reading guys!
Paki abangan pa po ang marami pang emosyonal na tagpo sa pag iibigang aljohn at leo.

#AntonNation14

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon