Episode 9 { Kondisyon }

247 17 0
                                    

Nakuntento nalang ang nanay at tatay na maupo sa magkabilang gilid ng higaan ni kuya para bantayan hanggang sa magising.

Nangingiti nalang ako habang nag mamasid sa kanila dahil kung bantayan nila si kuya ay parang sangol na ayaw padapuan ng lamok.

Makalipas ang mahigit dalawang oras ay muling gumalaw si kuya. Itinaas ang kamay hanggang sa tumungo ito sa kanyang mga mata para manghimuta saka idinilat ang mga mata.

Ang ganda ng mga mata niya, tila nangungusap.

Nagkakatinginan silang mag anak hanggang sa yakapin siya ng kanyang mga magulang.

Hindi nanaman napigilan ni nanay minda na maiyak sa sobrang tuwa, maging si tatay alfred ay ganoon din.

Nagkasya nalang muna akong maupo sa di kalayuan sa loob ng kwarto. Sobrang emosyonal ng mga tagpo sa aking harapan. Hoooh pumatak yung isang butil ng luha ko naiiyak narin ako.

Natapos ang yakapan nilang mag anak ay bumaling ang tingin saakin ni kuya.

"sino siya?" maangas niyang tanong, nanghihina pa nga ang angas na haayyssstt.

Napa ngiwi nalang ako at yumuko habang nag papa liwanag si nanay sa kanya.

Pinakilala nga ako ni nanay kay kuya at sinabing sa bahay nga nila ako naka tira ngayon at kwarto niya ang gamit ko pansamantala.

"b'baket, wala ba siyang bahay?" nako kung maganda lang talaga ang pakiramdam mo makaka sagot talaga ako.

Ipinaliwanag naman ng nanay ang tungkol sa paglayas ko sa amin dahil hindi ko nga kasundo ang bagong babaeng kinakasama ng tatay na sa totoo lang ay nakokonsensiya na ako dahil wala naman talagang babae ang tatay at sobrang mahal ako non.

"eh b'bakit sa kwarto ko pa, p'pwede naman siya s'sa sala".

Napa tingin saakin si nanay at napapa ngiwi ng ngiti nababasa ko ang kanyang ibig sabihin. Tila nanghihingi siya ng paumanhin sa pinag sasabi ni kuya.

"anak kawawa naman siya kung sa sala lang siya natutulog tsaka nag hahanap talaga siya ng mauupahan noong napadpad siya sa lugar natin, at dahil bakante naman ang kwarto mo doon ko muna siya pinatuloy. Saka mabait yan si leo anak para ng anak ang turing namin ng tatay mo sa kanya."

_________________________________
ALJOHN'S POv.

Yun.... Nagkaroon din ako ng POV kanina pa ako nanggigigil sa sampid na to. Kung maipag tangol ng nanay talagang nakikihati na din ng atensiyon ng mga magulang ko eh. At talagang kwarto ko ang ginagamit niya hah!

Isa pa ito si tatay ang bilis mag tiwala sa tao, ilang araw palang nakilala yung tao nag tiwala agad, di manlang nag dalawang isip.

Mag antay ka lang talagang maka uwi ako, papahirapan ko ang buhay mo. Huhh! Saka may napapansin ako sa kanya, parang kakaiba yung kilos niya, iba talaga ang pakiramdam ko sa taong to eh.

May mga kailangan asikasuhin sila nanay at tatay sa lobby ng hospital tungkol sa bill kaya siya lang ang bantay ko.

Pinapakiramdaman ko siya, parang di siya mapakali, titingin siya bintana tapos sa monitor ng aparatus ko, pansin niya parin siguro na naka tingin ako sa kanya kaya dinampot niya yuung malaking balot ng milo sa tabi niya at kunwari ay binabasa ang content nito.

Para siyang tanga sa ginagawa niya, wala namang espesyal sa looks niya mukha lang siyang ordinaryong lalake, well hindi naman siya pango at hindi din matangos ang ilong niya, ang mata niya okay lang hindi din espesyal, medyo maputi lang siya, ung katawan naman niya hindi mataba at hibdi din payat, di rin siya katangkaran.

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon