Na aatrack ako sa katawan niya pero iniiwas ko nalang na madapo ang paningin ko doon baka ano pa ang mangyare.
Naging smooth naman ang lahat hanggang sa maiuwi niya ako sa amin bago mag takip silim.
Si nanay minda ang sumalubong saakin na alalang alala.
"Nako anong nangyari sayong bata ka? Anong nangyari sa tuhod mo? Sabi naman namin sayo di mo naman kailangan mag trabaho eh yan tuloy nangyari sayo."
"sorry po nay, gusto ko lang din po kasi maka tulong sa gastusin, tsaka may gusto po kasi akong bilhin sa bayan. Hindi naman po mahirap yung trabaho sa bukid, madali lang naman po mag buras ng mais, nag enjoy din naman po ako." pag papaliwanag ko kay nanay minda habang pinapa pasok kami nanay minda sa gate ni jomar.
"Anong nangyari sa tuhod mo? Bakit di ka maka lakad ng maayos? Patingin nga."
"Sorry po aling minda, kasalanan ko po yan, niyaya ko po kasing tumakbo si leo papuntang ilog pagkatapos mag buras ng mais ayan po natisod siya doon sa pilapil. Hehehe" pag papaliwanag ni jomar. "wag po kayong mag alala aling minda, tutulong po ako sa pag gagamot jan sa tuhod niya, bukas ng umaga pupunta po uli ako para linisan ang sugat ni leo, sorry po talaga" muling pag hingi ng paumanhin ni jomar.
"pasensiya na po talaga nay, hindi na po mauulit" wika ko kay inay sabay mano sa kanyang kamay.
"Eh ano pa nga ba ang gagawin ko? Dalawa na kayo isa lang ako. Hala cge pumasok muna kayo sa loob ng bahay, dito ka na din mag hapunan jomar at alam kong walang mag aasikaso sa iyo sa bahay niyo, may sarsyadong tilapia akong niluto jan." nag tinginan kami ni jomar at sabay na napa ngiti. Tumango nalang siya kay nanay minda saka pumasok sa loob ng bahay.
Habang kumakain ng hapunan ay nag bilin ang nanay minda na wag daw muna ako mag buburas o tumulong sa pag babantay sa ospital. Pagalingin ko daw muna ang tuhod ko.
Pumayag nalang ako sa sinabi niya, kakagawa ko lang ng kasalanan ayaw ko munang dagdagan.
.............................................Kinabukasan alas siyete ng umaga pa alis palang ni nanay minda patungo sa ospital para palitan si tatay alfred sa pag babantay ay nasa pinto na agad si jomar, may dala dalang lata na may nilagang dahon ng bayabas.
Natawa sa kanya ang nanay, dahil talagang dumaan siya bago tumungo sa pag buburas ng mais.
Pinag bigyan ko narin dahil masyadong mapilit, pagkatapos ay binalutan niya muli ng ginupit na tela, talagang handa si gago ah hahhaha....
Bago siya tumungo sa bukid ay pinag hain muna siya ni nanay minda ng agahan, hindi naman siya tumangi kaya sabay na kaming nag agahan.
Pagkatapos ay nag paalam na siya na aalis patungo sa bukid, naka alis narin si nanay minda. Nag damo damo nalang ako sa bakuran para may pagka libangan ako. Sakto naman na dumating ang tatay alfred at sinita ako. Naikwento daw ng nanay minda ang nangyari saaken.
Pinagalitan niya din ako dahil sa pag sama ko sa pagbuburas ng mais. Sinabi ko nalang na may nagustuhan ako sa bayan na gusto kong bilhin. Hindi ko nalang ikinwento ang pang iinsulto saakin ni kuya na mas nag tulak saakin na mag hanap buhay, which is dapat lang din naman talaga. Yung mga magulang niya din naman kasi ayaw akong payagan eh.
Pinatigil ako ni tatay sa ginagawa ko, at sinilip ang sugat ko sa tuhod. Nakita niya na naka buka ang sugat na medyo may kalakihan kayat pinitik niya ang noon ko. "May pagka pasaway ka ring bata ka"
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
Fiksi PenggemarAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...