Tumawa nalang din ako para di halata.
Kukunin ko na sana uli ang songbook sa lamesa para mamili ng kanta, ng agawin ito ni kuya aljohn.
Sumunod nalang ang tingin namin sa kanya ni jomar ng dalhin niya ito sa upuan niya at nag enter ng kanta.
----------------------
Aljohn's POV.Sobrang na surpresa ako pagkarating namin ng bahay ni tatay. Hindi ko alam na may gagawin pala silang ganito para saakin.
"SURPRISE ANAK" bati ng nanay at tatay saakin. Dali dali nila akong pina upo sa Designated na upuan para saakin at nag bigay silang lahat ng speech, lahat ay na apreciate ko pero mas nadala ako sa speech ng magulang ko.
Napaka dami nilang sakripisyo saakin habang wala akong malay.
Napaka raming nangyari. Pero isa lang ang hindi nag bago, yun ang pagmamahal saakin ng mga magulang ko.
Niyakap ako ng mga magulang ko ng matapos ang speech nila, hindi ko din napigilan ang mapa luha sa lahat ng sinabi nila, sobrang na touch ako.
Hindi nakaligtas sa paningin ko si leo na kasalukuyang napapatingin sa mga magulang ko saka biglang yuyuko at bakas ang lungkot sa kanyang mga mata, ang labo niya kanina masaya tapos biglang nalungkot. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nasa isip niya, at masyado na akong naguguluhan dahil sa kanya sa mga bagay na hindi ko mapag tanto nitong mga nakaraang araw.
Pero hindi ito ang tamang araw para pag tuunan ko siya ng buong atensiyon dahil nandito din ang mga kaibigan ko at dati kong katrabaho.
Nagsilapitan sila saakin at kinumusta ako.
Sinabi ko naman sa kanila na hindi pa ako totaly magaling.
Madalas padin akong nahihilo at hindi pa ako masyadong malakas pero naka bawi bawi na ako ng katawan dahil sa sobrang alaga ako ng mga magulang ko, saka ni leo pag nadadalaw siya, luhh ano un? Pero sabagay inaalagaan nga naman talaga niya ako. Huli na ng mahuli ko ang sarili kong naka ngiti.
Erase, erase, erase.... Celebration ko ngayon tapos kung ano anong hindi dapat ang iniisip ko.
Ng mag umpisa na ang kaninan ay biglang nawala si leo, hindi ko alam pero na curius ako kung saan siya nag punta at hindi ko mapigilang alamin sa sarili ko kung nasaan siya.
Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko, sabi ko babanyo lang muna ako, kaya pumasok ako ng bahay. Wala siya sa sala, maging sa banyo, pumasok ako sa kwarto ko baka andoon siya pero wala.
Napaisip ako ng makumpirma ko na wala siya sa kwarto hindi lingid sa kaalaman ko na kwarto ko ang gamit niya sa ngayon at dahil dito siya nag kukwarto ibig sabihin ay nandito din ang mga gamit niya at mag iimbestiga ako.
Nakita ko ang dalawang bag na hindi pamilyar saakin na naka lagay sa loob ng cabinet ko, dali dali kong binuksan iyon at tsinek kung ano ang mga laman sa duda ko, at dahil din gusto ko siyang makilala nga mabuti. Mamaya may ibang pakay ito sa pamilya ko eh.
Maganda ang bag niya, mukhang branded, may mga skin care siya parang babae lang, ang mga damit sa loob ng bag ay magaganda din hindi yung mga tipong binibili lang sa tiyange.
Pero ang pinaka umagaw ng atensiyon ko ay ng makita ko ang dalawang telepono niya, gusto kong i check iyon dahil tiyak na madami akong malalaman doon.
Naka turn off ang mga cellphone niya, bat kaya niya hindi chinacharge?, may kuryente naman dito sa bahay, hmm, maganda ang cellphone niya ah Iphone 11 tsaka may Ipad din siya. inon ko ang isa sa mga telepono niya para makapag imbestiga na.
Walang lock ang screen niya kaya malaya akong nakapag browse sa mga laman nito.
Tsinek ko ang gallery lagi siyang maraming kasama sa mga pictures bihira lang ang mag isa siya.
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanfictionAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...