Pinanood lang ako ng tatay na makipag habulan sa ibang mga bata, dahil lumapit na sila saakin. Bale tatlo sila, dalawang lalake at isang babae sila potpot, ronron, at megs. Mga sampong taong gulang. Masarap sila kasama dahil kahit hindi sila marunong mag tagalog ay sige padin kahit hirap na sila.
Ang sarap ng ganito, ramdam ko ang kalayaan ko. Masaya lang. Tumingin muli ako kay tatay alfred at naka ngiti parin siya na nag mamasid, ngumiti nalang din ako.
Napag alaman ko na kapit bahay lang pala sila nila tatay alfred.
Matagal tagal din kaming nag laro ng mga bata at nag hiwa hiwalay na din kami dahil tinawag narin sila ng mga magulang nila.
Lumapit ako kay tatay alfred. "ang saya ko po.."
"salamat naman at nag eenjoy ka dito sa lugar namin, pwede ka naman maligo jan any time, lalo na at taga dito ka na. Kasi ung mga hindi taga dito may binabayaran pa silang entrance fee at kailangan pa nilang kumuha ng tour guide."
Litanya ni tatay alfred."May isda pa pala kayo jan tay?" puna ko sa ibat ibang isda naka tuhog sa nylon na hawak niya, mga 10 piraso pa siguro iyon sakto lang ang laki.
"Ah oo, huli ko to kanina pagkatapos kunin ng nanay minda mo ung mga unang huli ko, Ibibilad natin to para kahit tumagal ay hindi masisira".
"Ah, dadaingin po, cge po at ako na po ang mag dadala." nag suot muna ako ng damit at sinampay na sa balikat ko ang pantalon ko at sabay na kaming umuwi ng tatay alfred.
Sa daan habang papa uwi ay hindi ko naiwasang itanong kay tatay ang mga bagay tungkol kay kuya aljohn.
" Tay, si kuya aljohn pu ba, gaano noyo po kadalas dalawin?".
" Palagi.....ngayong araw lang kami hindi naka dalaw sa kanya kasi nasira yung motor, pina ayos ko pa, pero bukas ng umaga dadalaw kami ng nanay mo doon, gusto mo bang sumama?".
"Opo, gusto ko pong sumama, gusto ko din po siyang makilala" patango kong sagot kay tatay alfred.
"Hahaha, cge isasama ka namin bukas ng nanay minda mo. Nako nakaka tuwa naman dalawa na ang anak namin". sabay akbay saakin ng tatay alfred.
Ngumiti nalang ako bilang sagot kay tatay alfred. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mabuti sa mundo at nakilala ko ang pamilya nila. Napaka swerte ko.
Sumapit ang gabi, at matutulog na ako. Busog na busog ako kanina sa pagkain namin. Nagluto ang nanay ng tinolang manok. At mayroon ding sinangag na dilis. Hinihimas ko ang tiyan ko ng kumatok ang nanay sa pinto, nasa likod niya din ang tatay.
"Nay, tay tuloy po"
" Ah oo anak, napansin kasi namin ng tatay mo na puro panlakad na damit ang dala mo, kayat ipapahiram sana namin itong mga damit ng kuya aljohn mo sayo bilang pang bahay mo."
"Nako salamat po nay, Nakaka hiya naman po".
"Diba sabi naman namin sayo wag ka ng mahihiya? Anak na ang turing namin sayo at gusto namin na magulang din ang maging tingin mo saamin?"
"Pasensiya na po nay, tay hindi ko lang po mapigilan, na sobrang salamat po talaga"
"O cge na, ayos lang iyon, iiwan ka na muna namin para makapag pahinga ka na hah?". A ni tatay alfred.
" Matulog ka ng maaga anak at dadalaw tayo sa kuya aljohn mo bukas " ani naman ng nanay minda.
"Opo nay, tay, kayo din po tulog din po kayo ng maayos" nginitian ko na sila at sinarado nila ang kwarto bago lumabas.
BINABASA MO ANG
Free Spirit Boy
FanfictionAyos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi...