Episode 17 { Going Home }

218 14 0
                                    

"Ito po ang mga kailangan niyong isettle bago ang operasyon, sa cashier niyo nalang po bayaran, salamat po" saka tumalikod ang nurse.

Agad kinuha ni jomar ang papel at nag mamadaling dinala sa cashier, hindi na nila nagawang pigilan pa dahil tinawag na si aljohn para i test at kailangan sila sa tabi nito para sa guidance at para masiguro ang kaligtasan ng anak.

Binayaran na ni jomar ang bill sa cashier ng ospital nasa sampung libo din iyon gamit ang kanyang debit card. Kahit naman kasi pagsasaka ang kanyang pangunahing hanap buhay malawak din naman ang kanyang lupain kaya malaki rin ang ipon niya sa bangko at nagagamit niya ito lalo na pag nag dedeliver sila ng mga produkto sa pakikipag kalakaran sa maynila.

Sa isip isip niya ito nalang ang magagawa niya para kay leo, at hindi niya na papalagpasin pa ang pagkakataon na ito.

Sinisisi man niya si aljohn sa nangyari kay leo, pero hindi parin niya maiwasan na maingit sa isa, dahil dugo nito ang isasalin kay leo. Kung pwede lang sana kasi ay gusto niya na siya ang mag donate para kahit papaano may koneksyon na sila ni leo, ngunit hindi sila match ng blood type.

Sa totoo lang kasi ay may pag tangi siya kay leo, hindi man niya alam kung kaylan nag umpisa dahil hindi naman siya nagkaka gusto dati sa lalake, ngunit ng makilala niya si leo ay hindi niya maipag kakaila na naging mas masaya ang araw niya, exited siya laging gumising dahil alam niya na makikita niya nanaman si leo sa ibat ibang paraan na kanyang ginagawa. At lalo na dahil masisilayan niya nanaman ang mga ngiti nito bagay na labis na nag papasaya sa kanya at sapat na sa kanya iyon para mabuhay ng masaya araw araw.

----------

Sumalang na nga sa proseso si aljohn at safe namn siyang nakapag donate ng dugo para kay leo, hindi na ganon kataas ang lagnat ni leo, pero hindi parin maidilat ang kanyang mga mata, kayat may naka kabit parin na dekstros at ilang aparatus sa katawan.

Nakabantay ngayon sa kanya ang buong pamilya, kasama narin si jomar na hindi na bumalik sa pag buburas para lang makapag bantay siya kay leo.

"Kung sana lang hindi natin hinayaan na matulog si leo sa sala, hindi siguro mangyayari ito sa kanya" ani ni aling minda habang malungkot nilang pinag mamasdan ang walang malay na si leo.

Hindi umimik si aljohn, dahil alam niya na siya ang dahilan kung bakit nangyari ito kay leo dahil siya ang nagpumilit na sa sala matulog si leo dahil ayaw niya itong maka sama sa loob ng kwarto niya. Ngayon ay sising sisi siya, dahil hindi niya na maibabalik ang mga nagawa niya.

Napa yuko nalang si aljohn.

Narinig ito ni jomar at biglang nag pantig ang tenga niya, "Ibig sabihin po nag ka dengue si leo kasi sa sala siya natutulog?, kung ganon po kapag pwede na siyang i uwi doon nalang po siya sa bahay, marami naman pong bakanteng kwarto doon, pwede pa kaming mag share ng kwarto, baka mapano lang uli si leo pag sa inyo siya uli umuwi!"

"Magagawan naman namin ng paraan iyon barok, eh mag sheshare nalang sila ni aljohn ng kwarto pag pwede na siyang i uwi."
Apila agad ni mang alfred, medyo nainis kasi siya sa asal ni jomar dahil nasaktan din ang pride niya bilang padre de pamilya.

Tumayo si aljohn dahil buong araw na siyang nag titimpi kay jomar sa pakiki alam kay leo, at hindi niya na natiis pa. "Bakit ba ikaw pa ang mas galit? Ikaw ba ang pamilya ni leo? Bakit ba parang gusto mong itali siya sayo! Hah!!" inis niyang bigkas kay jomar at akmang babanatan ito pagkatapos ma kwelyuhan buti na lamang at napigilan ni aling minda at mang alfred.

Hindi rin nakapag timpi si jomar dahil kahit mas matanda sa kanya si aljohn ng dalawang taon ay hindi naman nalalayo ang mga katawan nila. Kaya tumayo rin siya at pinantayan ang angas ni aljohn. "Baket? Hindi ka din naman pamilya ah, at lalo na hindi pamilya ang turing mo sa kanya! Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa mo sa kanya? Ngayon masisisi mo ba ako kung nag mamalasakit ako bilang pamilya para kay leo?!"

Free Spirit BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon