Chapter 45: Momentum

1.8K 47 1
                                    

Chapter 45: Momentum

Sharm's POV

Matapos nyang ibulong sa tenga ko yung salitang 'Akala ko ba di mo ko iiwan?' ay di ko rin naiwasang maiyak. Sht lang. Di ba dapat ako ang nagtatanong nyan sa kanya? Kasi ako tong maiiwan sa mga panahong mahal na mahal ko na sya ng higit pa sa sobra.

"I'm sorry" sambit nya pagkatapos ay hinaplos nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

Di ko alam kung ano tong pumapasok sa isip ko pero sa mga panahong to pakiramdam ko namamagnet nung labi nya yung labi ko.

And the last thing I know? Yes. I kissed him.

Sa ilang segundong nagdaan di ko na namalayan na nakaupo na pala ko sa kama nya. At sa sobrang kahibangan wala na pala sa labi ko ang mga labi nya, kundi nagsisimula na itong lumibot pababa para halikan ang leeg ko. Hindi ko alam kung bakit patuloy kong ginugusto to. Basta ang alam ko lang ngayon ay para kong nasa ilalim ng isang magic spell.

*cough*

Nagulat ako sa pagtungo nya sa kama habang nakakapit sya sa dibdib nya "Jett! Anong nagyayari?!" pagpapanik ko dahil di ko talaga alam ang gagawin ko sa kanya.

Umakyat naman sya sa kama at may dinukot na lalagyan sa ilalim ng unan nya. Pagkatapos ay may nilunok sya at bigla namang umaliwalas ang mukha nya.

"Jett! Masakit pa ba?!" tanong ko habang nakakapit ako sa dibdib nya.

*tsup* Hinila nya ang batok ko at hinalikan ako. Mabilis lang pero para sakin walang kasing tamis yun.

"*sigh* I'm sorry.." bigkas nya kahit pa naghahabol parin sya ng hininga.

"I'm sorry if i'm not the perfect guy for you.. I'm sorry kung masyado akong mahina para ibigay sayo yung mga bagay na gusto mo.. I'm sorry kung---"

Idinikit ko ang hintuturo ko sa bibig nya para hindi na sya makapagsalita pa "Jett hindi yan totoo. Because you are the most precious guy i've ever met in my entire life, at hanggang sa matapos ang buhay ko ikaw at ikaw parin ang hahanapin ko"

Matapos kong sabihin yun ay napangiti ko sya. At pagkatapos nun ay hinalikan nya ulit ako ngunit tinulak ko sya.

"Gusto mo ituloy?" pabiro nyang bulong ngunit tumayo na ko at tinap ang noo nya.

"Of course not. Ayoko namang mamatay ka ng dahil lang sa excitement"

"Pero gusto mo?" pagkatapos ay tumawa sya ng pagkalakas lakas at parang walang bukas.

"Of course not!"

"Tss. Kunwari pa" sabay kindat nya pa sakin.

"I hate you!" at ibinato ko sa kanya ang unan na nakalagay sa sofa.

"I love you!" umirap lang naman ako dahil naiinis na ko sa kanya. Kahit sino naman siguro mapipikon na sa ginagawa nya -.-

Jett's POV

Nung sinabi kong I love you! I really mean it. Gusto kong isigaw sa tapat ng tenga nya na mahal na mahal ko sya hanggang sa mabingi at magsawa sya. Di ko na nga rin maintindihan kung sumasakay lang ba talaga sya sa mga trip ko dahil muntik na syang pumayag kanina. Laro pa rin ba ang nangyari kanina o totoo na? Gusto kong itanong yun pero hindi ko masabi dahil natatakot akong masaktan sa isasagot nya. Si Kenn ang boyfriend nya at hindi ako. At maling umasa sa bagay na hindi naman ako sigurado. Ewan -.- Basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko parin sya at gusto ko pa syang makasama.

*toktok*
*toktok*
*toktok*

Binuksan ko ang pinto at "May bisita po kayo sa baba. Paaalisin ko po ba?"

"Ha? Sino daw sya?"

"Grandmother nyo daw po sya. Pero matagal na pong patay ang lola nyo di ba?"

"Ganon ba. Pakisabi sa kanya pababa na ko" pagkatapos ay nagpaalam na ko kay Sharm at nag-ayos na para puntahan si granny sa baba.

A/N:

Ang hirap talagang itago yung feelings kapag alam mo sa sarili mong mahal mo talaga! Whaha

•WWMe~

Loving A Casanova, Too. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon