Chapter 10: The Familiar One

3.5K 75 0
                                    

Chapter 10: The Familiar One

"Sharm i-lock mo na tong pinto aalis na kami ng Papa mo"

Tumango lang ako at agad na isinara ang pinto.

Silence....

Silence....

Silence....

Ang tahimik na gabi, bakit kasi ngayon pa sila umalis kung kailan masama ang araw ko. Hindi ko tuloy maiwasang maiyak sa twing naaalala ko ang mga nangyari ngayong araw na to.

*toktok*

*toktok*

*toktok*

*sigh* May nakalimutan na naman siguro si Mama -_____-

I opened the door and..

"O_O J-jett?"

"*hug* Ok ka lang?"

Kumalas ako sa pagkakayakap at "O-ok lang, a-anong ginagawa mo dito?"

"Sharm alam kong mahirap paniwalaan ang lahat ng sinabi ko, but please give me a chance. Kaya kong patunayan sayo kung gaano kita kagusto"

Jett's POV

Kitchen~

"Hindi mo natatanong pero paborito ko ang sisig na to"

"Specialty yan ni Mama, salamat at naappreciate mo siguro kung narinig nya yan matutuwa yun sayo"

"*smile* Nasaan ba si ma.. Ahh ehh, nasaan ba ang parents mo?"

"Nag-out of town for business purposes, kaya ako lang muna mag-isa dito"

"Can I have a favor?"

"Ano?"

"Lumayas kasi ako at wala pa kong lugar na matutuluyan, pwede ba kitang samahan dito kahit ngayong gabi lang?"

"T-teka, b-bakit ka naman lumayas?"

Tumahimik ako at nag-isip sandali. Isang dahilan lang ang kailangan ko para makasama kita ulit.

"Nag-away kami ni Seff at nasaktan ko sya. Kaya umalis ako dahil ayoko muna syang makita"

Binitiwana nya ang kutsarang hawak nya at seryosong tumingin sakin "Dahil ba sakin?"

"Isa na yon, pero hwag mo ng isipin yun. Ayoko ng pag-usapan pa ang mga nangyari kanina"

"Sa kwarto nila mama ka nalang matulog, wala naman sila ngayon"

"*smile* Salamat"

Sharm's POV

Sala~

"Simula nung bumalik si Seff hindi ko na sya makilala. Good boy gone bad, sweet gone bitter at ang pinakamasakit.. Ang loyal na nakilala ko, naging Casanova"

"Kailan mo ba nalamang gusto mo sya?"

"2 weeks ago matapos syang mawala. Sobrang nadepress ako dahil hindi ko nasabing gusto ko sya, lalo na ang word na mahal kita"

Lumingon ako kay Jett at nakatingin lang sya sakin "Ano bang iniintindi mo? Yung sinasabi ko ba o ako?" pagbibiro ko.

"*smile* Kung pipiliin kita, papayag ka ba?"

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

Natulala lang ako at hindi nakapagsalita. Ang mga salitang yun..

Pamilyar na pamilyar sa mga linya ni Seff noon.

Tumayo ako at "G-gabi narin pala, mauna na lko sa kwarto ko at matulog ka na"

Loving A Casanova, Too. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon