Chapter 6: The Truth
"Hey Calvin! How are you?"
"Seff?!"
"Yea. Ako nga to ang totoong Seff *smile*"
"Bumalik ka na pala galing America. So ano? Kamusta na ang kakambal mong si Jett?"
"Stable na sya. Wala na tayong dapat na ipag-alala pa"
"Good to hear that. So kailan ka babalik ng America?"
"Kapag magaling na si Jett. Sa ngayon ako muna ang papalit sa mga role na naiwan nya habang nagpapagaling sya"
"Eh paano kung may lumapit sayo na mga friends nya, or.. someone?"
"Kaya nga brain disease ang sinabi naming sakit nya para kung sakali.. Sasabihin kong wala na kong naaalala"
"So.. Hindi pala talaga brain disease ang sakit nya?"
"Heart Disease"
"*sigh* Ganon ba. So start na pala ng pagpapanggap mo bukas?"
"Wala naman akong choice eh. Replacement lang naman talaga ko ni Jett. Ang pinagkaiba nga lang, pangalan ko parin ang gamit nya. Pero pagbali-baliktarin mo man ang mundo, sya parin ang angat sa mata ng mga magulang ko"
"*sigh* Hwag kang magsalita ng ganyan bro. Hindi yan totoo mahal ka nila tita at tito"
"Totoo yon, siguro nga mahal nila ko kung hindi lang pinanganak si Jett"
"*sigh* Ewan ko sayo bro. Tara inom na nga lang tayo!"
"Tss. Mabuti pa nga"
Sharm's POV
"Babe nakita ko talaga sya! A-at sinabi nyang Seff Faustin ang pangalan nya. Maniwala ka naman sakin oh!"
"(Naniniwala naman ako sayo Sharm. P-pero kung hindi ka nya naaalala.. Hindi kaya.. Nagkaamnesia sya matapos ang operasyon nya?)"
Natigilan ako at hindi nakapagsalita.
No.
Hindi yun maaring mangyari.
Pero kung hindi nya ko naaalala. Posible ngang tama ang sinabi ni Lei.
"Tawagan nalang ulit kita Lei"
*call ended*
- - - - - -
Bar~
Maingay.
Madilim.
Exotic.
"Seff?!"
"Ha? Sinong Seff?"
"I'm sorry (sabay alis)"
Sa di kalayuan ay natanaw ko si Seff sa may counter. Finally, nakita ko na rin sya!
"Se--"
I was about to call him ngunit bigla nyang hinalikan yung babae sa kabilang table.
Sobrang nasaktan ako pero mas pinili ko paring lapitan sya "Seff mag-usap tayo (sabay hila sa kanya)"
"Ikaw yung babae kahapon right? Are you stalking me?"
"Ako si Sharm at girlfriend mo ko. And whether you like it or not. Sasama ka sakin (sabay hila sa kanya palabas ng bar)"
Real*Seff's POV
"Nandito na tayo sa labas kaya bitiwan mo na ko!"
Nagulat naman ako ng bigla nya kong yakapin. Tss. Ang hirap namang maging si Jett.
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova, Too. (Completed)
RandomThe Story of 'Unexpected Love' that breaks the 'Three Commandments' *** Three Commandments *** 1. Don't kiss me. 2. Don't hurt me. At last...... 3. Never fall for me. Three.... Two...... One...... - I Love this Casanova -