Chapter 48: Make It Happen
Nakasakay kami sa bus ngayon dahil ayaw nyang ipagdrive ko sya papunta sa pupuntahan namin. Baka daw kasi kapag inatake ako eh madamay pa sya sa kamatayan ko. Mamamatay na nga lang daw ako, mapapaaga pa. Tss. Loko loko talaga tong babaeng to kahit kailan.
Pumreno ang bus at napahiga sya sakin. Tulog na tulog pa naman sya kaya di nya siguro namamalayan na grabe na ang pagkakayakap nya sakin. Pakasalan ko na kaya to at gawing misis ko?!
"Hindi pa pwede, bata pa ko. Di pa papayag parents ko"
Napakunot naman ako ng noo at "Huh?! Yung totoo! Psychotic ka ba?"
"Baka ikaw ang psychotic! Mag-iisip kana lang kasi binubulong mo pa sa tenga ko. Kung di ka ba naman praning eh"
Napairap nalang ako ng dahil sa sinabi nya. Sinabi ko ba talaga yun?!
"Oo sinabi mo. Kasi rinig na rinig ko" pagkatapos ay lalo pa syang yumakap sakin at napapalo nalang ako sa noo ko. Ewan -.-
Sharm's POV
Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya dahil dati ko pa to gustong gustong gawin. Ayokong mamiss ang presence nya, kaya hangga't kaya ko gusto ko pa syang makasama. Alam kong hindi ako fairy god mother pero gusto kong tuparin ang mga wish nya. Kahit yun lang ang magawa ko para sa kanya, masaya na ko.
"Wow! Ang ganda!"
Napaangat ako ng ulo ng marinig ko yun galing sa kanya. Hmmmmmp! Anak ng tupa! Sinong....
O________________O
Napatitig ako sa kanya habang nakadungaw sya sa labas ng bintana at parang manghang mangha pa sa nakita nya. Hindi ko alam kung matatawa ko o maaawa sa kanya. Dahil ang sinasabi nya palang maganda ay yung mga rides na umiilaw na natatanaw nya. Fiesta nga pala ngayon sa lugar na to kaya pagsapit ng gabi may perya dito.
"Gusto mo punta tayo don?" aya ko pa sa kanya.
"Pero..."
"Ssshhh. Promise *smile* Walang makakaalam"
"Ayos! Kung gayon tumayo ka na dyan at puntahan natin yun! Hikhik! Excited na ko!"
- - - - -
"Jett teka lang! Hwag mo kong hilahin baka madapa ako!"
"Doon! Dati ko pa gustong sumakay don!" nanlaki ang mga mata ko ng ituro nya yung roller coaster.
"Hell no! Ayoko dyan!" at pumunta pa ko sa likod nya dahil makita ko lang kung gaano katarik yun ayoko na.
"Gusto mo bang mamatay ng hindi man lang nasusubukan yan? *sigh* Ikaw pa naman ang nagturo sakin kung gaano kaganda ang buhay tapos takot ka rin pala"
Matapos nyang sabihin yun ay tumalikod sya at naglakad na parang batang nagtatampo. Tss. May point naman sya. Bahala na nga.
"Tara na, Jett! Sakay na tayo bago pa magbago isip ko!"
Lumingon naman sya ng ngiting ngiti at "Ayos!" pagkatapos ay nanakbo sya papunta sakin at binuhat ako papunta sa roller coaster. Ang kulit talaga ng taong to.
- - - - -
"Aaaaaacccckkkkk" di ko maiwasang masuka pagkatapos naming sumakay sa roller coaster, octopus, at kung ano ano pang umiikot na yan! Buti pa si Jett ang saya saya nya samantalang ako out of energy na. Nag-celine yata tong lalaking to at ang dami daming baong energy refiller!
"Kaya mo pa baby?" pang-aasar nya sabay hagakhak ng tawa.
"Kung sukahan kaya kita dyan?! Saya mo eh" pagkatapos ay nagpunas na ko ng bibig ko.
"Last na to.."
"Hep hep!" pagpigil ko sa kanya dahil di ko na talaga kaya pang sumakay ng kahit anong rides.
"Hindi naman yun. Doon! Gusto kong pumunta don!" pagkatapos ay tinuro nya ang lugar kung nasaan ang photo booth.
"Takot ako sa camera" ayoko na kasi! Pagod na ko -.-
"Kapag sa selfie ang sipag sipag mo! Tara na!" pagkatapos ay hinila nya na ko para di na ko makaangal pa. Ang utak talaga ng nilalang na to -.-
- - - - -
"Ang landi mo Jett. Hwag mo nga akong yakapin"
*shot*
"Mamimiss mo rin ako. Buti nga yakap lang at hindi halik"
*shot*
"Subukan mo lang"
"Ok"
*tsup*
Hinalikan nya ko at kasunod non ang pagtunog ng camera. Sht. Di na ko nakaangal. Gago talaga to!
Pagkatapos naming magpapicture ay di parin ako makapagsalita. Lintek lang ang walang ganti! Halikan ko rin sya eh -.-
"Sorry. Galit ka ba dahil hinalikan kita kanina?" tanong nya at napayuko lang naman ako.
"Hindi. Masaya lang ako dahil tulad ng ipinangako ko sayo, napasaya kita"
Hinawakan nya naman ang kamay ko at "You know what, you made one of my dreams come true. At dahil don para mo naring dinagdagan ng ilang bwan ang buhay ko. Thank you, Sharm. Thank you" pagkatapos nyang sabihin yun ay hinalikan nya ang pisngi ko at naglakad na sya palayo.
Whatta day. Nakakapagod man, punong puno naman ng romance.
A/N:
Yiieeks! Saya! XD
•WWMe~
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova, Too. (Completed)
De TodoThe Story of 'Unexpected Love' that breaks the 'Three Commandments' *** Three Commandments *** 1. Don't kiss me. 2. Don't hurt me. At last...... 3. Never fall for me. Three.... Two...... One...... - I Love this Casanova -