Chapter 43: Getting Deeper
Jett's POV
Sa ilang araw na naging masaya kong kasama si Sharm ay di ko napansin ang bilis ng panahon. At heto ako, theraphy day ko na naman ngayon.
"Doc, kamusta na po ang lagay ng kapatid ko?" tanong ko.
"You're not enough ready for that Jett. So far naman wala parin kaming balita"
"Pero magtithree weeks na po syang walang malay diba? Wala parin po ba talagang kahit anong balita?"
"*sigh* I'll tell you if ever na may magbago sa condition nya, pero wag mo syang masyadong isipin at baka ikaw naman ang mamatay ng maaga" sabay tapik nya pa sa balikat ko. Adik talaga tong si doc.
"Tss. Sige doc, i'll go ahead" pagkatapos ay lumabas na ko ng clinic para puntahan si Kenn sa kwarto nya.
- - - - -
"Seff! Si--" ang tutukuyin ko sana ay si Sharm. Ngunit di ko na natapos ang sasabihin ko ng sumenyas sya sakin na nasa loob ng kwarto ni Kenn si Sharm.
Hinawakan ko ang door knob at dahan dahang binuksan ang pinto. But i'm really surprised.
Cause there I saw her...
Kissing Kenn's forehead...
I took three steps backward at isinarang muli ang pinto...
*sigh* Nasasaktan ako...
Di ko alam kung ano tong inaarte ng puso ko dahil malinaw saking wala naman talagang kami. Na laro lang ang lahat at kapag mahina na ko ay mawawala na sya sa tabi ko. Kaya wala akong karapatan para magselos, ang pagkakamali ko nga lang ay masyado ko na yatang sineseryoso ang relasyong to.
"Je-jett?! A-anong ginagawa mo dyan? May masakit ba sayo?" nagulat ako sa paglabas nya kaya naman mabilis kong inayos ang sarili ko.
"W-wala. Hinintay lang kita dito"
"*chuckles* Tss. Namiss mo kaagad ako no?" sabay sukbit nya pa ng kamay nya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad. At ako? Ewan ko pero parang nawalan ako ng ganang magsalita.
Sharm's POV
Kanina pa ko kwento ng kwento pero parang hindi nakikinig si Jett. Ginawa at sinabi ko na rin ang lahat ng nakakatawang joke na alam ko pero wala parin. Ano bang problema nya at parang galit sya sakin? May ginawa ba kong hindi maganda?!
"Jett, after class san mo gusto pumunta?" pangungulit ko sa kanya.
"Sa bahay"
"Tama! *smile* Dapat siguro mag-over night ako sa inyo!"
Napatigil naman sya sa paglalakad at "Talaga? Mag-istay ka samin mamayang gabi?" tss. Sabi ko na nga ba ay yun lang ang makakaagaw ng atensyon nya eh -.-
"Kung yun ay... ok lang?"
"*smile* Oo naman! Lika nga dito!" pagkatapos ay inakbayan nya ko at naglakad na kami palabas sa hospital.
- - - - -
"Class dismiss!"
Tumayo na ko sa upuan ko matapos kong ayusin ang bag ko. Ayun lang, di ko alam kung nasan si Jett ngayon dahil di naman sya pumasok ng last subject.
*Rrrrriiiiinnnnnggg*
"Hello?"
"(I'm sorry kung di kita masasabayan sa pag-uwi ngayon. Pero nasa parking lot na yung driver namin, he'll drive you home)"
"Ganon ba. Sige ok lang, see you later" pagkatapos ay nanakbo na ko patungo sa parking area.
Tulad ng napag-usapan na sa kanila ko matutulog ngayong gabi ay inihingi nya na ko ng pirmiso sa parents ko, luckily pumayag sila. Kaya naman ngayon ay nandito kami sa couch at kasalukuyang nagkukulitan kanina pa.
"Jett.."
Napako ang tingin namin ng tawagin sya ng mommy at daddy nya. Umayos naman ako ng upo at ngumiti sa kanila.
"Baka umagahin na kami sa pag-uwi dahil babantayan namin si Kenn. At si Seff nasa barkada nya at hindi daw sya makakauwi mamayang gabi. Pero hwag kang mag-alala dahil ibinilin kana namin kay kuya ronald. And if you need anything else, don't bother to call us. Alright?"
"Yes mom" pagkatapos ay nakipagbeso pa sya sa mommy at daddy nya at umalis na sila.
Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero yung feeling na kami lang dalawa ang nandito sa bahay nila ay parang hindi magandang tignan. Ewan ko ba, dati naman kahit kasama ko pa sya sa kwarto ko parang wala lang.
"Sharm.." pagkatapos ay inakbayan nya pa ko.
Yumuko naman ako at "Jett kasi.."
"Bakit? M-may problema ba?"
"A-ano kasi eh.. K-ka-kasi ang pangit lang tignan kung magkasama tayo nang isang buong araw ng tayo lang dalawa. Eh kung umuwi nalang kaya ako?"
"*chuckles* Diba mas pangit naman tignan kung maiiwan ako dito ng mag-isa? Baka isipin pa ng ibang tao na pabaya silang magulang"
At some point may point naman talaga sya. Ang awkward lang talaga para sa side ko dahil matagal tagal rin yung panahon na huling beses ko syang nakasama.
"Saka hindi lang naman talaga tayo ang tao dito.. Paano naman yung mga maids namin, aso?"
Natawa nalang ako ng dahil sa sinabi nya, adik talaga to -.- May sakit na nga ang lakas pa ng topak!
"Oo na, san ko nga pala pwedeng ilagay tong mga gamit ko?" tanong ko.
"Tara akyat tayo sa taas para malaman natin kung may available na kwarto" pagkatapos ay binuhat ko na ang mga gamit ko at nagtungo na kami sa second floor.
A/N:
Excited na ko sa big na big na pasabog xD
•WWMe~
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova, Too. (Completed)
De TodoThe Story of 'Unexpected Love' that breaks the 'Three Commandments' *** Three Commandments *** 1. Don't kiss me. 2. Don't hurt me. At last...... 3. Never fall for me. Three.... Two...... One...... - I Love this Casanova -