Chapter 19: The First Day of So Called 'Ligawan' and Their Side Story
"Shaaaaarmmmmm! Oy babaeng bruha! Bumangon ka na dyan at nandyan na yung manliligaw mo sa baba!"
Inalog alog pa ko ni mama dahil nga sa ayaw ko pang gumising. Kaasar naman oh! Ang aga aga pa naman kasi eh -__-
"Ano ba Sharm! Alas dose pasado na! Tatayo ka ba o bubuhusan pa kita?!"
Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napaupo sa kama ko. Hindi dahil sa takot akong mabuhusan ng tubig kundi dahil alas dose na pala at kapag hindi pa ko bumangon eh malelate na naman ako!
"Sabi ko nga babangon na eh! Hindi ka naman mabiro mama!"
Tumayo ako ng kama at agad na dumiretso ng cr. Aba syempre naman no! Ayoko ngang makita ko ni Jett na pangit ako at may bakas pa ng laway sa labi ko. Ang sakit ng ulo ko! Takte naman kasi eh! Hindi naman kasi ako pinatulog ng maayos kagabi dahil sa pesteng kakiligan ko! Eh sa hinaba haba ba naman kasi ng panahon eh hindi ko inaasahang darating din pala kami sa ganto.
"Haaaay Jett *___* I love you na talaga"
Jett's POV
"Haaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!"
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Naknang butete nga naman oh! Ito na naman tong sakit ko! Nagising kasi ako ngayon, at ang masama pa, pakiramdam ko kaninang tulog ako ay tumigil ang heart beat ko. Iba na to ah, parang may hindi na talaga tama. Mabuti pa dapat talagang kumunsulta na ko kay Dr.Bautista. Baka sa susunod eh hindi na talaga ko magising pa.
Tumingin ako sa wall clock at inisip ang oras na dapat ay puntahan ko si Sharm. Oo nga pala, magluluto pa nga pala ko ng breadlove para sakanila. Siguro sa tantya ko mga alas sonse na rin ako makakaalis mamaya.
*toktok*
*toktok*
*toktok*
Agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sakin si mom "Good morning son. By the way, nakahanda na pala yung mga gagamitin mong ingredients sa kitchen para sa pagluluto mo ng breadlove *sigh* Sabi ko naman kasi sayo ako nalang ang magluluto eh, baka mapagod ka pa nyan eh. Matanong ko nga pala, bakit ka ba magluluto at para kanino yan?"
Ngumiti naman ako at "Para sa special someone. Kaya hwag ka ng mag-alala mom, the more na nagluluto ako ng may pagmamahal hinding hindi ako mapapagod diba?"
Ngumiti naman sya at "Talaga nga namang binata ka na no. Sige na nga, nandyan na rin naman yan eh. Wala na kong magagawa dahil alam kong magpupumilit ka lang lalo kung hahadlangan kita"
Ngumiti lang ako at agad naman syang umalis pabalik sa kwarto nya, matutulog pa siguro yun. Baka napaaga na naman ang paggising non. At ako naman ay agad ring nagtungo na sa kusina, sa mga oras na to kasi. Dapat na kong magsimulang magluto, para aalis nalang ako mamaya. Miss ko na rin kasi kaagad si Sharm at gusto ko na ulit syang makita.
~ ~ ~
After 1 and half hour ay natapos na rin naman akong magluto. Ang bango naman nito, mabuti pa lagyan ko nalang ng iba't ibang hugis ang mga tinapay na to.
(>____________<) Ahaha. Ganyan ang nagawa ko hindi dahil sa galit ako. Naaalala ko kasi yung Sharm na nakilala ko. Yung Sharm na masungit at yung Sharm na minahal ko. Tss. Nakakamiss rin pala ang pakipot na babaeng yun! The rest ay ang regular na heart shaped na ginagawa ko. Ok lang yun, para naman kasi yun sa mama at papa nya. Bale ibubukod ko nalang pala yung sakanya.
Hours passed by at tapos na kong maligo at mag-ayos! Tamang tama! Sakto na siguro ako pagdating ko don!
"Tabi nga! Paharang harang ka!"
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova, Too. (Completed)
De TodoThe Story of 'Unexpected Love' that breaks the 'Three Commandments' *** Three Commandments *** 1. Don't kiss me. 2. Don't hurt me. At last...... 3. Never fall for me. Three.... Two...... One...... - I Love this Casanova -