Chapter 14: His Escaping Day
"Sharm!"
*krriiiiinnngggg*
Napaupo ako sa kama ng itapat ni mama ang alarm clock sa tenga ko. Heavy -___-
Napakamot ako ng ulo at "5 palang naman ah! 1 pa pasok ko diba?" reklamo ko habang nakatitig sa wall clock.
"Tumayo ka na dyan at magbihis! Hinihintay ka na nung pogi sa baba!"
"Pogi?"
"Aywan ko! Zack yata ang pangalan non!"
*sigh*
Napabuntong hininga lang ako at agad na tumayo ng kama.
"Oo na papasukin nyo muna sya at maliligo lang ako, ok na?"
Tumango naman si mama at bumaba na.
Zack's POV
"Aray! Bakit ka nanghihila?!" reklamo nya habang hinihila ko sya palabas ng bahay nila.
"Ano ready ka na?"
Napakunot sya ng noo at "Ready saan?"
Ngumiti ako sabay sabing "Jogging"
Magsasalita pa sana sya ngunit bigla akong nanakbo. Kaya wala na rin syang nagawa kundi ang sumunod.
~ ~ ~
Cemetery~
*sigh*
"Nakakapagod! Upo muna tayo!" aya ko.
Napatingin naman ako sa kanya ng mapansin kong may tinitignan sya mula sa malayo.
"Ang aga aga kung sino sinong tinitignan mo -___-" puna ko.
"Sandali lang. May pupuntahan lang ako"
Magsasalita pa sana ko ngunit bigla syang tumakbo. Saan kaya pupunta ang babaeng yon?
Jett's POV
Cemetery~
"Dumalaw ako ngayon kasi mayayang gabi aalis na ko. Siguro naman alex maiintindihan mo kung bakit ko ginagawa to. Babalik parin naman ako, pero siguro sa tamang pana--"Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong parang may tao sa likuran ko.
Pero wala. Wala akong nakita.
"Siguro mauna na rin ako alex. Mukhang minumulto mo pa yata ako, hayaan mo babalik ako at sa pagbalik ko ikaw agad ang pupuntahan ko"
Tumayo ako at muli ay lumingon sa likod ko. Tss. Ang weird. Pakiramdam ko talaga kanina pa may matang nakapaligid sakin.
Inilapag ko ang bulaklak na hawak ko sa gilid at agad ring umalis.
*sigh*
"A good bye day" bulong ko.
Sharm's POV
Lumabas ako sa likod ng puno at pinagmasdan sya habang papalayo *sigh* mamayang gabi na pala ang alis nya. Mapipigilan ko pa kaya sya?
"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh"
Napalingon ako kay Zack ng malungkot at walang gana. Umpisa palang ng araw ko ang sama na, sana magmilagro at hindi sya makaalis mamaya T__T
"Oh ba't ganyan itsura mo? Mukha kang pwet"
Napairap nalang ako at agad na umupo sa puntod ni Alexa.
BINABASA MO ANG
Loving A Casanova, Too. (Completed)
RandomThe Story of 'Unexpected Love' that breaks the 'Three Commandments' *** Three Commandments *** 1. Don't kiss me. 2. Don't hurt me. At last...... 3. Never fall for me. Three.... Two...... One...... - I Love this Casanova -