Chapter 9: Get Loss

3.1K 69 3
                                    

Chapter 9: Get Loss

Hospital~ 

"Oh my god Seff! It's been a year tapos ganyan ka parin?! Kailan ka ba talaga magbabago ha?! Alam mo mas mabuti pang nandoon ka sa Amerika eh! Doon nadidisiplina ka ni Auntie ng maayos!"

"What done is done. Sa tingin nyo may magagawa pa yang seremonyas nyo?! You're just wasting your time mom!"

*pakkkkkk*

"Sumosobra ka na Seff! Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko hah?!"

"Palagi naman kasi ako ang masama sa paningin nyo diba?! Pwede ba umalis nalang kayo kung sisigawan at pagagalitan nyo lang ako! GET OUT!"

"Ganyang buhay ba talaga ang gusto mo?! Well, sige bahala ka na sa buhay mo!"

*bogsh*

Lumabas sya ng pinto at sumunod rin si Jett palabas ng pinto.

Fvck that life! Puro kamalasan nalang ang inaabot ko! Pesteng buhay talaga to! Matawagan na nga lang si Sharm! >_____________<

Sharm's POV

*riiiiiiiinnnnnngggggggggggg*

"Oy anak, mukhang kanina pa ring ng ring yang cell phone ah? Ibato mo nalang kaya sa labas ng bintana"

"Oh (sabay abot kay mama)"

"Oh bakit ibinibigay mo sakin yang cell phone mo?"

"Ibato nyo na po, palitan nyo nalang ng bago kapag may pera na tayo"

*boink*

"Aray! Hwag naman nyan ma! Sandok yan eh >,<"

"Eh kung sipain kaya kita palabas ng bahay? Itago mo nalang yang cell phone mo kung ayaw mong sagutin, kapag nasira yan wala na tayong pambili"

*sigh*

"Ma?"

"Oh?"

"Casanova ba dati si Papa?"

"B-bakit mo naman natanong yan?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtakip ako ng mata. Badtrip. Naiiyak ako.

"*sniff* H-hirap na hirap na po kasi ako eh"

Tumabi sakin si mama sa sofa at hinawakan ang kamay ko "Sinasaktan ka ba nya?"

Hindi ko naman sinagot ang tanong nya instead ay tumungo lang ako sa mesa.

"Sharm anak, hwag mong pahirapan ang sarili mo. Alam kong mahal mo si Seff, pero kung talagang nahihirapan ka na. Palayain mo na ang sarili mo, ayokong dumating ang araw na pagsisihan mong minahal mo sya"

Napatingin ako kay mama at napahagulgol ng iyak "*sniffs* Siguro nga ma"

Calvin's POV


*riiiiiiiiiiiiiiiiiiinngggggggg*

"Seff"

"(Nakita mo ba si Sharm? Papuntahin mo naman sya dito sa hospital bro)"

"Ahhh... Ehh.. Seff, imposible yun"

"(Hah?)"

"Sa tingin ko nasaktan talaga sya ng sobra dahil sa nalaman nya. Hindi rin kasi sya pumasok ngayon"

"(*sigh* Tsss. Sige hayaan mo na sya. Kaya siguro hindi nya sinasagot ang mga tawag ko)"

*call ended*

Loving A Casanova, Too. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon