"Saan tayo pupunta?" kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi siya sumasagot na akala mo walang naririnig
Huminto ako sa paglalakad ng huminto siya saka ito bumaling sa akin.
"Ikaw ay aking tagasilbi kaya lagi mong tatandaan ang sasabihin ko..akin ka lang" napanganga ako dahil sa sinabi niya pero ng bumaba ang tingin niya sa mga labi ko ay napakagat labi na lang ako
Paanong sa kanya lang daw ako? anong ibig niyang sabihin? nainlove na ba siya sa akin? agad agad? ganun na ba ako kaganda para mapamahal agad siya sa akin ng hindi pa namin kakilala ang isa't isa?
Tumingin ako sa kanya at saka ako bumuntong hininga.
"Ibig sabihin ba niyan..mahal mo ako?" lakas loob na tanong ko dahilan para mapatitig siya sa akin
Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin bago siya napangisi ng bahagya
"Hindi mo naunawaan ang aking sinasabi panigurado. Ang ibig kong sabihin ay sa akin ka lang maglilingkod..wala ng iba at bukod doon may mahal akong iba" ewan ko pero parang nalungkot ako nung sinabi niyang may mahal siyang iba
Siguro nagfifeeling lang kasi ako na crush niya ako tapos ngayon malalaman ko na lang na wala akong space sa heart niya
Natawa ako ng malakas kaya nagtatakha siyang tumingin sa akin.
"Heneral 'di ka na mabiro at tsaka like duh may mahal din akong iba. At sinong maswerteng binibini ang nakakuha ng puso ng aming heneral?" panunudyo ko kaya tinignan niya ako ng masama dahilan para matawa ako
"Hindi mo siya kilala"
"Kaya nga tinatanong ko kung sino siya para naman malaman ko kung sino eh" pangungulit ko kaya napakamot siya sa kanang kilay niya
"Hindi ko sasabihin batid ko kung gaano ka kaingay ayokong ipanglandakan mo kung sino ang binibining iyon" nag-umpisa na siyang maglakad pabalik kaya sumunod naman ako habang nangungulit
"Heneral sino nga? tutulungan kita sa kanya" sandali siyang tumigil at lumingon sa akin at ngumisi ng tipid
"Ayokong sabihin" nagpatuloy na naman siya sa paglalakad kaya halos lakad takbo ang ginawa ko para maabutan siya kasi sa haba ng biyas niya isang hakbang lang niya equivalent na 'yun ng dalawang hakbang ko tsk
"Henera—"
"Enrique" sambit niya kaya tinignan ko siya ng may pagtatakha
"Anong meron sa Enrique?" muli siyang lumingon sa akin at tinampal niya na naman ang noo ko kaya napasimangot ako
"Tawagin mo ako sa aking ngalan sa tuwing magkasama tayo..tawagin mo akong Enrique" napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya
"Ikaw ha pangalan lang ang itatawag ko sa'yo? Walang "ginoo"? Alam mo ba ang iisipin ng ibang tao kapag narinig nilang tinawag lang kita sa pangal—"
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao kaya sa ayaw o sa gusto mo sundin mo ang utos ko..sundin mo ang utos ko" napatalon talon ako habang naglalakad papalapit sa kanya saka ko siya sinundot sa tagiliran niya dahilan para mapaigtad siya
"Ano ba?!" singhal niya pero tinawanan ko lang siya
"Huwag ka ng magalit kasi mawawla ang kakisigan mong taglay..Enrique" napakunoot ang noo niya saka niya ako tinignan na para bang nawawala na ako sa katinuan kaya napaismid ako "Enrique..ano palang full name—I mean buong pangalan mo?" pagtatanong ko habang naglalakad ng mabagal. Pansin ko ang pagbagal niya ng paglalakad para makasabay ako sa kanya kaya napa flip hair ako
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba a normal nursing student from the present who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past! And there she met a man-Luis de Alejandro Carlos y Vicencio..the Governor General w...