“Where am l?”. tanging nasabi ko dahil may isang lalaki na nakaupo na naka maskara, parang siyang isang prinsipe.
Kaya lumingon lingon ako sa paligid at nagulat ako dahil may mga nakapalupot sa'akin pati sa iba kong kasama, Anong gagawin nila sa amin?
May nagawa ba kaming kasalanan sa kanila?yung mga tingin kasi nila parang may ginawa kaming mali.Tumaas yung balahibo ko nang mag salita yung lalaking nakaupo, yung boses niya nakakakilabot sa lamig. Kaya nanginginig akong tumayo dahil gusto kong kausapin yung lalaking yon kung bakit kami nandito?
“T-teka sino ka?”. lumabas sa bibig ko na dapat pagsisihan ko ngayon.
Lumapit yung isang lalaki at sinampal ako ng malakas kaya napatabingi yung mukha ko sa lakas ng sampal niya kaya napahawak ako sa aking pisngi. Pwersahan akong pinaluhod sa harap ng lalaking nakaupo na may maskara.
“S-sino ka?..b-bakit...”. pautal na sabi ko nang sasampalin na ulit sana ako ng lalaking sumapal sa'akin ng malakas kaya napapikit ako nang dahil sa takot ng makarinig ako nang malakas na parang bang may natumba kaya mariin kong dinilat ang aking mata at laking gulat ko nang nakatayo na yung lalaking naka maskara at yung lalaking sumampal sa'akin kanina ay napatumba niya kaya nanginginig ako sa takot nang maramdaman kong papalapit siya sa'akin.
“Maaari mo nang ituloy yung sasabihin mo” Dahil sa boses na iyon na napaka lamig ay kinalabutan ako, bakit ganon yung boses niya kakaiba? parang ngayon ko lang narinig yung ganon na boses sa buhay ko, dapat ba ako matakot ngayon?
“B-bakit.....Andito kami? At anong gagawin niyo samin?!!” malakas na sigaw ko, teka sinigawan ko siya?
Kaya napatingin ako sakanya na nakaupo habang nakatingin sakin. Dapat ko bang bawiin yung sinabi ko?
“Anong gagawin? Iyan dapat ang itatanong ko sainyo na kung bakit kayo nandito sa mundo namin?”. malamig na boses at ngayon kinakabahan na ako.
“M-mundo niyo?”. Lumabas sa aking bibig kaya napatakip ako ng bunganga.
Bakit ba ganto... parang takot na takot ako sakanya? Dahil ba sa malamig na boses niya? O dahil naka maskara siya?
“HA HA HA HA!”. Nakakakilabot na tawa niya kaya napatingin ako sa mga kasama kong takot na takot na ngayon.
Nanginig ako sa takot nang dumapo yung kamay niya sa aking pisngi kaya napatingin ako sakanya at ngayon yung kinatatakutan ko ay nasa harap ko na ngayon na naka maskara.
“Alam mo ikaw lang yung nakagawang sumigaw sa'akin ng ganto”.
Napa-lunok ako sa sinabi niya, Galit ba siya? Bakit parang walang emosyon lagi yung mga sinasabi niya.
“Kamahalan ako na po ang mag ddisiplina sakanya”.
Lumaki yung mata ko sa sinabi ng isang babae, kaya napalingon ako doon sa babae na nakaluhod sa lalaking nasa harap ko na nakamaskara.
“Kung ayon ang iyong nais, Ibibigay ko siya sa iyong kamay”. Malamig na boses at bumalik na yung naka maskara sa upuan, Teka trono ba yan?.
Yung suot niya parang sa napapanod ko sa tv na mahaba yung kasuotan ibigsabihin ba nito isa siyang prinsipe?.
Bakit pala kami napadpad sa lugar na ito? Wala akong maalala.
Biglang may nag tali sa aking dalawang kamay at iyon yung babaeng nag sabing siya na raw yung mag paparusa sa'akin.
Nakita ko rin yung mga kasama ko na tinatalian na at pinipigilan yung iyak kaya napayuko nalang ako. Dahil ba sa'akin pati sila mapaparusahan?
Napalingon ako sa lalaking naka maskara na nakaupo habang pinapaypayan ng dalawang babae, Isa talaga ba siyang prinsipe? Kung..Oo, bakit niya tinatago yung mukha niya????
BINABASA MO ANG
He's Dangerous, Becareful Yumi!
Mystery / ThrillerSynopsis Yumi Salvador was a college student when she went to master Z's place and was made a slave and she managed to sarificed herself just to free her friends in the world that they're not belong with, but yumi was left behind because master z ca...