KABANATA 16: PUTING LOBO

29 3 1
                                    

Yumi’s POV


ILANG ARAW nalang itatagal ko dito kaya siguro huwag nalang akong umasa na babalik pa si Francheska dito, parang kasi hindi niya na ako babalikan pa tatlong araw nalang mamatay na ako. Kaya humagolgol nalang ako habang iniisip yung buhay ko, hindi ko naman kayang tumakas dito dahil alam kong imposibleng mangyari iyon.

Kaya naalala ko si April na galit sa'akin
siguro kailangan ko muna na mag ayos kaming dalawa bago ako.... kaya pumunta ako kung saan sila April ngayon at ayon sila nag aayos ng mga halaman kaya pumunta ako doon.

           “Anong ginagawa mo dito?!” bungad niya kaya niyakap ko siya kasi ito na ata yung huling yakap ko sa mga kaibigan kong nandito, pagkatapos kong yakapin siya ay yinakap ko naman si Sophie.

Yinakap niya rin ako pabalik.....si Sophie kasi yung parang katulad ni Francheska
ngayon naman ay yinakap ko si Rhea na nagulat sa ginawa ko at biglang tumulo yung luha ko habang niyayakap ko siya ngayon....ito na nga yung huling makakasama ko sila gusto kong sulitin yung mga natitirang araw na kasama sila

           “Yumi, may nangyari ba?” tanong ni Sophie at lumapit sa'akin kaya napaupo nalang ako ganon din siya.

Ngumiti lamang ako at umupo rin si Rhea sa tabi ko kaya lumingon ako sakanya na parang naguguluhan ito.

           “Yumi, mag sabi ka nga nang totoo ano ba talagang nangyayari sa‘yo?” tanong ni Rhea pero ngumiti lang ako.

           “Nag aalala kami sayo yumi bakit parang may ibigsabihin yung yakap mo kanina”.saad naman ni Sophie.

           “Kasi si Francheska hindi parin bumabalik kaya nag a-alala na ako sakanya” saad ko

           “Parang hindi naman si Francheska yung dahilan yumi, parang iba talaga yung yakap mo kanina” saad ni Rhea kaya ngumiti lang ako.

           “Si Charles, hindi ko parin nahahanap...  tapos si Francheska hindi parin bumabalik kaya naiinis ako sa sarili ko dahil napaka duwag kong tao!” saad ko at tumulo ang aking luha

            “Naniniwala akong babalik si Francheska dahil ikaw yung best friend niya di'ba?? kaya wag ng malungkot, Yumi.” saad Sophie kaya tinignan ko si April na nag aayos ng mga halaman

             “Marami akong dapat gawin...gusto kong makasama kayo...pati patawarin ako ni April bago ako...” saad ko kaya napatingin silang dalawa sa‘akin.

              “Bago ano?” tanong ni Rhea

              “Yumi, pakiusap sabihin mo samin kung ano yung problema at kung anong nangyari non natapunan mo si Master Z ng wine. Anong nangyari Yumi?” wika ni sophie kaya napalingon ako sakanya

              “Gusto niyong malaman?” saad ko at tumango lamang silang dalawa

                “Inutusan niya lang ako” saad ko at nakahinga sila nang maayos

                “Yon lang ba, Yumi?” saad ni Sophie

Tumango lamang ako at napangiti sila nang malaman nila...pero nag sinungaling ako sakanila, ayokong malaman nilang bilang nalang yung mga araw ko na kasama sila.

                “Tara. Yumi, since tapos na kami sa pag aayos, sabay tayong maligo sa ilog” nakangiting sabi ni Rhea.

                “Saang ilog?” tanong ko at ngumiti lang silang dalawa

                “April, sasama ka ba?” pag aaya ni Sophie pero umayaw lang siya kaya nakaramdam ako ng lungkot sapagkat ako ata yung dahilan ng pag ayaw niya.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon