KABANATA 7: ANG PUTING AHAS

19 1 0
                                    

Yumi’s POV

NANDITO ako ngayon sa labas at ang init ng sikat ng araw dahil kailangan kong samahan yung nakamaskara, ngayon pinapayungan ko siya kaya nga  nahihirapan ako kasi ang tangkad niya kumpara sakin, kaya tumitingkayad ako para payungan siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta nang napadpad kami dito sa lawa.

Umupo siya habang pinapayungan ko parin itong nakamaskara, hinawakan niya yung buhangin at inamoy ito. Ang weird lang noh? hindi ko kasi alam kung bakit niya inamoy iyon.
kahit nakaupo siya ngayon halata parin na matangkad siya kasi kahit na nakatayo ako habang pinapayungan siya, kaya nga ang unfair ng life, lahat sinalo nitong nakamaskara.

Matangkad na at perfect pa,pero hindi ko parin nakikita yung mukha niya at naalala ko nanaman yung kagabi non time na may fireworks display. Alam kong wala siyang suot na maskara that time na ginahasa niya ako!! wala akong kaalaam alam na gagawin niya sa'akin yon, kaya nandidiri ako sasarili ko ngayon. Biglang tumayo siya kaya nauntog sa payong kaya yumuko ako para humingi ng tawad kaya tinaas kona yung payong.

Naglakad na siya pero ang bilis ng lakad niya kaya napapatakbo ako para mapayungan siya hanggang sa napunta kami sa masukal na gubat kaya biglang tumayo yung balahibo ko dahil sa takot kasi yung mga puno nakakatakot. Hindi ko namalayan na wala na sa paningin ko si Master Z.

Naiwan ako!!!!

Asan na siya?!!! nako nakakatakot na kaya hinahanap ko siya nang napagod yung paa ko kaya napaupo nalang ako sa malaking bato na nandito. Hindi ko aakalain na iiwan niya akong mag-isa dito sa gubat, ngayon hindi ko alam kung pano makabalik o makaalis sa gubat na ito, naliligaw na nga ba ako?

Kaya umiling ako dahil kinakabahan na ako at nanginginig. Ano ang gagawin ko?malapit nang kumagat ang dilim kaya napayakap nalang ako sa aking sarili sa sobrang lamig ng hangin, tuluyan na ba akong naligaw dito?, kaya tumulo yung luha ko sa sobrang lungkot, dahil andaming nangyari yung best friend kong si Francheska umalis na at ako ngayon naiwan dito sa masukal na gubat.

Pinapahirapan ba talaga ako ng diyos?
ang pait naman ng buhay ko dahil pati ngayon ako nalang mag isa, nalulungkot at natatakot nag halo-halo na yung emosyon ko sa sobrang kaba.
nang lumipad yung hawak hawak kong payong sa sobrang lakas ng hangin.

Pati ba naman yung payong iniwan ako?
lumalakas yung hangin kaya pati yung aking buhok ay lumulutang sa ere.

Nolalamig na ako, kahit na naka kimono yung suot ko giniginaw parin ako. May narinig akong alolong ng lobo, kaya kinalabutan ako sa takot.
parang malapit lang yun sa'akin, kaya agad akong nagtago sa likod ng puno ng laking gulat ko ay bangin pala ito kaya napahiyaw ako sa sigaw dahil nahuhulog na ako ngayon, ibigsabihin mahuhulog na ako? mamatay na nga ba ako?
kaya napatingala nalang ako habang pinag mamasdan yung buwan at hinahantay kona lang na ako ay bumagsak sa ibaba.

nlNang laking gulat ko ay bakit buhay pa ako? kaya mariin kong dinilat yung mga mata ko at nagulat ako dahil may nakapalupot sakin na malaking ahas pero hindi mahigpit yung pagkakapalupot nito at kulay puti ito.
pero natatakot parin ako, kaya bumuhos yung luha ko ngayon. Sabay binitawan niya ako at biglang umalis at naiwan akong tulala.
niligtas niya ba ako?kaya napahagulgol nalang ako dahil may mga ganon palang mga hayop na ililigtas ka.

Napatingala ako sa buwan, ang ganda at nagpapasalamat ako dahil ligtas ako.
Ang taas pala ng pinagbagsakan ko?
mula dito sa baba, yung ahas na iyon ay ang ganda kulay puti na malaki. hindi ko nga alam kung bakit niligtas niya ako kaya napangiti ako.

Hindi man'lang ako nakapagpasalamat sa ahas na iyon. Nang makarinig ulit ako ng alolong ng lobo kaya kinalabutan ako ngayon.
nakakatakot kaya napa-atras ako nang magpakita yung lobo sa'akin.

Kulay pula ang mga mata at kulay grey habang siya nakatingin sa'akin, kaya napa-atras ako sa takot, nanginginig na yung tuhod ko pati yung puso ko ang bilis ng tibok parang lalabas na ito.
hindi ko alam kung bakit lang siya nakatingin saakin at hindi ako inaatake.

Natakot ako ng nilabas niya yung mga matutulis niyang mga ngipin pati yung pangil niya nakakatakot sobra nang lumabas yung puting ahas na nagligtas sa akin kanina, kaya napaupo ako bigla sa lupa dahil mukhang maglalaban ito sa harap ko.

Nagulat nalang ako ng mabilis na sumugod yung lobo sa puting ahas pero nagulat ako dahil lumilipad ito. Yung puting ahas lumilipad???
kaya hindi ito maabot ng lobo kaya bumalik yung atensyon sakin ng lobo kaya natatakot at nanginginig ang mga tuhod ko dagdag pa yung kaba. Napatingala ako dahil palipad lipad lang yung puting ahas na paikot-ikot lamang ito saamin, hindi ko namalayan na kakagatin na pala ako ng lobo ng nagulat ako dahil pinalupot ako ng puting ahas at ngayon lumulutang ako?

Dahil niligtas nya nanaman ba ako?
galit na galit yung lobo kaya tumakbo ito ng mabilis palayo parang nawala na parang bula, pero hindi mawala yung takot ko sa puting ahas na nagliligtas sa akin kasi malay mo gawin niya akong pagkain kaya napa-lunok ako bigla sa mga naiisip ko ngayon. Lumilipad lang ito at kitang kita ko yung buong lugar mula dito sa taas at ang lamig, lumilipad ito habang sakay-sakay ako nitong puting ahas.

Bakit andaming kakaiba dito???
una may lobong nag ligtas sakin na hindi ako inaatake tapos ngayon parang nag iba na na parang gusto na ako ngayon kainin ng lobo na yon, basta andaming mga misteryo dito.
itong sinasakyan ko ngayon magandang puting ahas na lumilipad kaya dinama ko
yung hangin at muntik na akong mahulog kaya agad itong pumalupot pero yung pagpalupot niya sa'akin hindi masakit at wala akong nararamdaman na sakit kaya napangiti ako.

Ang ganda kitang kita ko yung buwan na malapitan kaya napakanta ako sa sobrang saya habang dinadama ang malamig na hangin, parang ang amo ng ahas na ito kaya napangiti ako sa sobrang saya dahil may ganto palang ahas na ililigtas ka at hindi ka papatayin.Kakaiba siya isa siyang magandang uri ng ahas malaking ahas ito at puti, ang lambot niya kaya napapikit ako sa sobrang lakas ng hangin kaya hindi ko namalayan na binaba niya ako kung saan yung lugar na maraming bulaklak.

Bumaba na ako at ngumiti nang biglang umalis na ito at lumipad na nga, naalala ko sakanya si Prinsipe Klein kasi dito ako dinala ni Prinsipe Klein eh, teka bakit pala bigla siyang pumasok sa utak ko ngayon?, pero bakit dito ako binaba ng puting ahas na iyon?? kaya bumalik na ulit ako sa silid para magpalit at magpahinga na.
hindi ko parin makalimutan yung puting ahas na iyon kanina, nang naalala ko si master Z na iniwan ako mag isa sa gubat kaya nalungkot ako at napaiyak bigla

Akala ko hindi na ako makakalabas pa ng buhay sa gubat at mamatay na ako don kung hindi dahil sa puting ahas na iyon nahulog na ako sa bangin at namatay na, pero ang ganda kasi na experience kong lumipad nang dahil sa puting ahas na iyon na napaka bait.

Yung lobo pala ilang beses kona siya nakikita at itong puting ahas ay ngayon ko lang nakita mas maamo yung puting ahas na iyon kesa sa lobo na muntik na ako lapain kanina, pero nagpapasalamat parin ako sa lobo na iyon dahil niligtas niya rin ako sa nakakatakot na aswang nakaraan, pero itong puting ahas ay kakaiba ang amo niyang pag masdan.

Pero hindi ko parin pa pala nakikita si Charles ah? Asan kaya siya? Siguro bukas puntahan ko kaya siya kung saan siya nagpapahinga pati yung iba. kasi pati sila naglilingkod dito, Hindi ko kasi nakikita kaya parang gusto ko at disidido akong makita siya bukas.

Sabihin ko na kaya yung nararamdaman ko kay Charles bukas???pero parang nawala onti yung feelings ko sakanya non nakilala ko si Prinsipe Klein, hindi katulad dati na baliw na baliw ako kay charles parang iba na.

Hindi ko rin maintindihan yung nararamdaman ko ngayon nalilito ako,gusto ko si charles pero mas gusto ko si Prinsipe Klein ngayon.
hindi parin ako makapaniwala na mag-kapatid silang dalawa ni Master Z. Siguro mas okay pa maging alipin ni prinsipe klein kaysa kay master z na nakakatakot, nakakakilabot na parang pwede kang patayin ano man oras, kaya huminga ako ng malalim dahil napagtanto ko na ako nalang pala mag isa dito sa silid kasi kasama ko si francheska dito sa silid eh ngayon wala siya kaya nakakalungkot lang.

Wala man lang ako makausap at mapagsabihan ng mga nararamdaman ko ngayon, wala akong masadandalan kapag may problema ako at may nangyari sa araw kona hindi maganda kasi lagi lang siya nakikinig sa mga kwento ko at mapapagkatiwalaan talaga si Francheska sa lahat.

[A/N: hi po readers!!!
at sino naman kaya yung puting ahas???may hula na ba kayo kung sino iyon???]

End for KABANATA 7
Next is [ PRINSESA AOTOMIE ]

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon