YUMI'S POVDINALA kami non babae sa isang malaking kulungan at nang iniwan na kami dito ay umiyak na sila at ako naman tulala na umupo bakit ganto? kahit pilit kong alahanin kung bakit kami napunta dito sa lugar na parang papatayin kami ng mga tao.
Napasandal nalang ako sa malamig na pader habang pinipilit kong maalala lahat pero parang wala talaga ako maalala? parang burado lahat?
pati yung pamilya ko hindi ko maalala?
hindi kaya sila yung nag bura ng alaala ko? kaya tumayo ako at pinuntahan yung mga kasama ko kanina na umiiyak."Alam niyo ba kong anong nangyari? I mean bakit tayo napadpad sa lugar na ito? Kasi hindi ko maalala e". dahil sa sinabi kong iyon ay nanahimik sila at nakatingin saakin.
"Pero yumi wala kaming maalala". sabi naman nang isang babae habang pinupunasan yung mga luha niya.
"Ako rin wala ako maalala".sabi naman non isang nakasandal sa pader na lalaki.
"Ganon din ako". sabay tayo ng isang babae na naka pony tail yung dalawang buhok at lumapit sakin.
Binigyan niya ako ng malakas na sampal kaya tumabingi yung mukha ko sa ginawa niya at sinampal niya ulit yung kabila kong pisngi kaya ang nagawa ko lang ay hawakan yung pisngi kong mahapdi na, nang awatin na siya.
Kaya napaupo nalang ako bakit niya ako sinampal? galit siya sa'akin ? dahilan ba ako yung may kasalanan kung bakit kami nandito?
kaya onti-onting bumubuhos yung luha ko sa aking pisngi, may lumapit sa'akin na isang babae at umupo sa tabi ko ngayon habang hinahagod yung likod koKaya niyakap ko siya at umiyak ako ng umiyak dahil nga ba saakin kung bakit kami napadpad dito sa lugar na ito? biglang naalala ko yung pangalan ng babaeng humagagod ng likod ko.
kaya kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sakanya habang bumubuhos padin yung aking mga luha."F-francheska?". lumabas sa aking bibig at tumango lang siya at ngumiti.
"Yumi bilib ako sayo dahil ikaw lang yung nag lakas ng loob para kausapin yung nakakatakot na nakamaskara na iyon". dahil sa sinabi niya ay bigla ko ulit naalala yung lalaking naka maskara.
"Satingin mo ba Francheska isa syang prinsipe?".tanong ko at tumango lamang siya kaya napatayo ako at napalingon sa bintana na napaka taas, nakikita ko yung mga bituin mula dito kaya napangiti ako.
"Yumi baka lamigin ka ito oh". alok naman ni Charles sakin yung jacket niya kaya hindi ko kinuha iyon kasi alam kong nilalamig rin siya kaya tumanggi ako.
Kaya napatingala ulit ako sa taas napapangiti ako ng mga bituin na kumikislap na parang may sinasabi iyon na may pag asa na makakaalis kami dito, Nagulat nalang ako ng isuot saakin yung jacket ni Charles kaya napatingin ako sa mga mata niya, ang ganda.
Nang nahuli niya akong nakatingin sa mata niya ay umiwas ako dahil may gusto ako sakanya simula pa non high school hanggang ngayon na college na kami. Hindi ko nga alam kung bakit magkasama kami ngayon sa kamatayan,
siguro pagkakataon ko ng sabihin sakanya yung nararamdaman ko? Dahil mamatay rin naman kami dito, kaya humarap ulit ako sakanya nagulat ako dahil malapit na kami mag kiss don.Kaya napaiwas kaming pareho
at umupo ako sa gilid hindi ko pa pala kaya mag tapat ng nararamdaman ko kay charles.
napangiti ako dahil nasa'akin yung jacket niya kaya nakangiti akong natulog.*"**********
"Yumi, gising!".
Napabangon ako dahil kay francheska na takot na takot ngayon, nakita kong binubuksan yung rehas at pumasok yung mga tauhan ata non' nakamaskara. kinuha kami at dinala sa labas, nanginig ako sa takot ng makita ko ulit yung nakamaskara na nakatayo.
kaya pwersahan kaming pinayuko,
BINABASA MO ANG
He's Dangerous, Becareful Yumi!
Misterio / SuspensoSynopsis Yumi Salvador was a college student when she went to master Z's place and was made a slave and she managed to sarificed herself just to free her friends in the world that they're not belong with, but yumi was left behind because master z ca...