KABANATA 13: PAGHIHIRAP

28 2 3
                                    

Yumi’s POV

NAGISING ako dahil sa lamig at may nag buhos sa'akin ng malamig na tubig kaya kumirot yung mga sugat ko sa hapdi, napalingon ako don sa nagbuhos ng malamig na tubig at yung kawal ‘yon nang makita ko yung isang kawal na may dala-dala na tray ng pagkain at hindi ko inaasahan na tinapon niya yon sakin, Napapikit nalang ako nang dahil napuwing ako kaya ang hapdi kaya napaluha ako sa hapdi non, isa pala yun sili.

Kung ano-ano yung tinatapon nila sakin kaya nakayuko lang ako nang binuhusan nila ako ng ihi, at ang panghe kaya bumuhos yung luha ko dahil binuhusan nila ako ng ihi nila kaya humagolgol ako sa mga nangyayari sa buhay ko, ang sakit lang isipin na parang onti-onti nila akong pinapatay, pinapahirapan lang muna ako nila, kaya naamoy ko na yung sarili ko ngayon, ang panghe ng buhok ko at ng suot ko dahil lagi nila akong binubuhusan ng sarili nilang mga ihi.

Bakit kailangan kong maranasan yung mga ganto?, bakit......bakit ganto yung tadhana ko?...lahat naman ginawa ko naging matapat akong tagapaglingkod sakanya pero bakit ngayon parang basura nalang ako ngayon???
kaya yung mga pagkain na binabato nila sakin ay hindi ko iyon kinakain, gusto ko nalang mamatay!
ayoko na....ayoko na mabuhay kung ganto lang yung kapalaran ko! kahit na nauuhaw ako ay tiniis ko na lang pati yung gutom ay tiniis kona lang rin

Ayoko na...suko na ako na mabuhay
gusto ko na talaga mamatay, kaya pinilit kong tumayo pero bumagsak ako dahil parang wala akong lakas, kumikirot yung mga sugat ko at naginginig yung buong katawan ko nang nagtawanan yung mga kawal, pinagtawanan lang nila ako habang nagdurusa kaya umiiyak ako.

         “Ang baho!” narinig ko yung isang kawal na nagsalita at alam kong ako yung tinutukoy niya.

          “Kumuha nga kayo ng tubig!!” utos ng isa kaya sinunod agad iyon.

           “Nakakaawa ka naman, pero kailangan namin gawin yung trabaho namin” saad niya kaya napayuko nalang ako

          “Kadiri ang baho!!!" sigaw ng isang kawal na diring diri sakin lumapit, na may dalang pagkain at nilapag iyon at agad na nag madaling lumabas.

Nang nabigla ako dahil binuhusan ako ng tubig kaya yung pagkain na nakalapag ay nabasa iyon.
paulit ulit nila akong binuhusan ng tubig hanggang sa malamig na tubig kaya nanginig ako sa lamig non. Giniginaw at parang mamatay na ako sa lamig ngayon, basang basa akong napahiga sa malamig na sahig. Parang hayop ako dahil sa pagtrato nila sakin nang parang nanghina ako bigla ng dahil sa lamig at nanginginig ako.

Nakaiglip ako saglit pero bigla kong narinig yung pagbukas ng rehas kaya umupo ako ng maayos at nakita kong binubuksan ng kawal at nakita ko yung nakamaskara kaya napayuko nalang ako ng maramdaman kong pumasok siya, alam kong papalapit siya sa'akin kaya alam kong lalayo siya sakin kasi ang baho ko na at ang panghe ng dahil sa mga kawal na yon, nakasimangot akong napatingala sakanya ngayon.

           “Tayo at sundan mo ‘ko” malamig na boses niya kaya pinilit kong tumayo pero parang wala akong lakas para makatayo ngayon.

Kahit ang sakit ng katawan ko ay pinilit kong tumayo at humakbang pero nawalan ako ng balance kaya nagulat ako dahil akala ko babagsak ako ngayon sa sahig pero hinawakan niya yung kamay ko kaya hindi ako bumagsak.
bakit hindi siya nandidiri sakin?

Ang baho ko at ang panghe pero parang wala lang sakanya???

Tumayo na ako ng tuwid at naglakad na siya kaya sumunod ako, kahit na pinipilit kong maglakad. yung mga nadaan kong kawal ay napapatakip ng ilong ng dahil sakin kaya nakayuko nalang ako habang naglalakad.

Umiiwas sila sakin kasi ang baho't dugyot ko na nang makalabas ay nakita ko ulit yung buwan, kaya mapait akong napangiti dahil akala ko hindi ko na ulit makikita yung buwan na ito.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon