SEASON 2: KABANATA 22: SAKRIPISYO

25 0 0
                                    

      

Yumi’s POV

NAHULI niya kaming tatakas. kaya ako ang nagsakripisyo sapagkat mas pipiliin kong makaligtas ang mga kaibigan ko kesa sabay-sabay kaming mamatay sa mundong hindi namin kinabibilangan at ayokong nakikita pa silang nahihirapan nang dahil saakin.

Hindi ko parin maalala kung bakit kami napunta dito at ako ba talaga ang may kasalanan?? atsaka at sa ganitong paraan ay makabawi ako sakanila.

Bumalik ako sa realidad nang sakal-sakal ako nitong nakamaskara at ramdam ko ang kanyang galit ganon rin ang mga mata niya'y namumula sa galit sa'akin habang ako'y agaw buhay sa aking hininga nang dumating yung puting ahas kasunod non ay maraming mga naka kulay itim na kasuotan at pinalibutan kami, agad naman akong nabitawan nitong nakamaskara kaya hingal na hingal akong napaupo sa lupa akala ko mamatay na ako kanina pero ngayon natagpuan ko ang aking sarili na nasa panganib ang aking buhay.

Madaming mga nakasuot na itim ang nakapalibot pero kung kakampi ito ng nakamaskara bakit nakahanda ang armas niya? nalilito man sa mga nangyayari ay hindi ko matiis na tumingin sa nakamaskara na bakit nararamdaman kong maglalaban ang mga ito sa harap ko.

May kung anong humila ng atensyon ko at sa isang iglap nawala ang nakamaskara at narinig ko na lang yung inggay ng mga espada na kinagulat ko naman ang pag higit sa akin ng puting ahas palayo sa maduguang laban ng nakamaskara at sandamakmak na nakasuot ng nakaitim na parang hindi nababawasan at kahit napatay ay muling nabubuhay at don ako lalong natakot.

Mabilis ang mga galaw ng nakamaskara at ganun rin yung mga kalaban niya na parang sinasabayan ang bawat galaw at mga atake nitong nakamaskara pero hindi nagpatalo itong nakamaskara at lalo siyang bumilis umatake at napatumba niya ang kalahati sa isang iglap.
biglang sumagi sa aking isipan si sophie kaya kailangan ko siyang hanapin pero paano?

Mapanganib dahil malapit ako sa labanan ng mga ito at mas lalo akong nag-aalala kay sophie ngayon at san kaya siya nagtungo?

Kailangan kong mag-isip ng paraan, isip yumi, isip yumi. kailangan mo ngayon mag isip para maka-alis sa labanan na ito at mapuntahan mo agad ang kaibigan mong si sophie na nanganganib ngayon.

T-teka lang napansin ko lang na ilang beses ko na nakikita itong nakamaskara kapag nasa-anyo siya ng lobo at itong ahas na nakatabi ay hindi man'lang naglalaban? Siguro nga talagang magkakampi itong dalawa at kung sila ay magkakampi at bakit naman hindi niya tinutulungan yung nakamaskara ngayon sa laban? eh madaming kalaban ang nakamaskara at wala man'lang itong puting ahas para tulungan iyon?

May mali eh, nagulat nalang ako nang makita ko yung nakamaskara na natumba at duguan na rin pero yung mga kalaban niya may lakas pa para lumaban dahil doon napatingin ako sa ahas na katabi ko ngayon na walang imik.

Bakit nalukungkot ako ngayon? dapat maging masaya ako dahil sa wakas yung nakamaskara ay natalo nila pero bakit hindi ko man'lang magawang ngumiti? napatigil ako sa pagiisip nang mag salita ang nakamaskara.

            “HAHAHAAHAHAHAHA satingin niyo natalo niyo na ako? WAHAHAHAHHAHAHAHA hinding HINDI mangyayari iyon!!. Dahil ako ang nanalo sa laban” saad ng nakamaskara at kitang-kita ang pagngisi nito kaya lalo akong natakot.

Nagulat nalang ako sa mga nakita ko dahil yung mga kalaban bumagsak lahat ito at ang malala pa ay hiwa-hiwa ang mga parte ng mga katawan kaya hindi ko na kinaya pa tumingin don at tumalikod na, grabe akala ko talo na yung nakamaskara? yun pala siya ang halimaw sa laban.

Tumayo na yung nakamaskara at papalapit ito saakin na alam ko na ang gagawin nito, papatayin niya na rin ako katulad ng mga pinatay niya rito.

Nakatingin lang ako sakanya habang papalapit ito saakin habang dala-dala ang espadang puno ng dugo at laking gulat ko nalang ay natumba siya saakin kaya na out of balance ako at natumba kaming pareho pero parang nawalan ito ng malay.

He's Dangerous, Becareful Yumi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon